Share

Chapter 47

KAHIT nawala na ang inis ni Kira, nagkukunwari pa rin siyang galit habang kaharap si Dimitri. Pero kung wala ito, halos mangisay naman siya sa kilig. May bago siyang diskubre na diskarte kung paano siya lalambingin ni Dimitri.

Nang dumating ang pinabili nitong pizza ay sinusubuan siya nito dahil nagsisimula na ang online class niya sa ibang subject. Kunwari may tampo pa rin siya at nakasimangot para lang huwag siyang iwan doon ni Dimitri. Tinutulungan din siya nito sa pagsagot ng mga tanong ng guro, pabulong.

Nang matapos ang online class niya ay nagkunwari siyang masama ang pakiramdam.

“Ano ba ang nararamdaman mo?” tanong naman ni Dimitri.

“Nanghihina ako, parang hindi ko maituwid ang mga tuhod ko,” aniya.

“Nagpaapekto ka kasi sa emosyon mo. I told you to relax.”

Hindi pa rin siya tumayo dahil gusto niya na buhatin siya ni Dimitri. Nakaupo lang din ito sa kaniyang tabi.

“Sino ba kasi ‘yong babaeng humalik sa ‘yo?” nakangusong tanong niya.

“Anak siya ng investor ko sa company.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
josephine 💚
wooii sa bakawan talaga kau mag milagro
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status