Share

TMST 38 - Drunk

Hawak ang peppermint scented massage oil, lakas loob na lumapit si Genesis sa nakaupo na si Lucky sa mahabang couch ng sala. Hindi siya lumikha ng kahit katiting na ingay, marinig pa lang kasi ni Lucky ang boses niya ay lalayo na agad ang dalaga. Tila ba allergic ito sa buong pagkatao niya. Though, he can't blame her, it was his doing why Lucky was acting this way.

Naupo si Genesis sa carpeted floor ng salas at maingat na hinawakan ang binti ng natutulog na dalaga upang ilapit sa kanya. Naglagay siya ng oil sa isang palad at sinimulang bigyan ng massage ang paa ni Lucky.

"Mhmm...," tipid na ungol nito.

Hindi kumilos si Genesis. Kinabahan siya na baka magising ang dalaga at magalit sa kanya. Tatlong araw na si Lucky sa bahay niya pero hindi pa rin nakakalapit si Genesis sa dalaga kahit na gustuhin niya, kung hindi kasi ito lalayo ay tinataboy naman siya.

Nang masiguro na nahihimbing na naman ang tulog ni Lucky, muli niyang minasahe ang binti ng dalaga. Kung hindi niya na alagaan si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status