Umuwi ng maaga si Genesis at binasa hanggang madaling araw ang librong sinulat ni Armageddon, at kumbinsido siyang kilala niya ang writer. Hindi sapat ang limang taon para makalimutan niya ang writing style ng matalik na kaibigan, at kung hindi nga si Apocalipsis ang writer na si Armageddon, ang ibig sabihin lang ay maaring tama ang hinala niya.
Kinabukasan, maaga niyang tinawagan si Nathaniel upang ayusin ang meeting niya sa tunay na Armageddon. Positibo naman ang tugon ng kabilang panig, pumayag si Armageddon na makipagkita sa kanya after lunch break.
"Do I look good?" tanong ni Genesis, ang tingin ay nasa maliit na salamin ng sasakyan.
"Seriously? Ilang beses mo bang tinanong ‘yan ngayong araw? Ano ba ang nakain mo't panay ang tingin mo sa salamin?" Pinaningkitan siya ng mata ni Nathaniel. "H'wag mong sabihin pomoporma ka dahil kay Armageddon? For pete sake! Wala namang basehan iyang mga kutob-kutob mo, Enes!"
"Hindi lang ito kutob, Niel."
Lumabas sa isang cubicle ang isang babae na may parehong kasuotan ni Delilah. Tipid siyang ngumiti at tinanguan ang babae. "You're just like my carbon copy. Ikaw na ang bahala, Megumi.""Understood, Ma'am." Mabilis na tango ng babae, nag-paalam ito bago siya iniwan sa loob ng restroom.Pumasok si Delilah sa cubicle kung saan lumabas si Megumi, nanatili siya roon ng ilang minuto, at lumabas lang nang makatanggap na siya ng mensahe mula sa assistant. Inayos muna niya ang sarili at tinanggal ang mga takip sa mukha; shades at facemask, bago tuluyang lumabas ng restroom.Mula sa loob ng restaurant, nakita niyang pumasok sa isang itim na sasakyan si Genesis. Dali-dali siyang naglakad palabas ng restaurant at tumayo sa entrance, tinanaw ni Delilah ang papalayong sasakyan. Saglit lang din siyang nakatayo doon dahil pumasok agad siya sa itim na van na pumarada sa harap niya. Mabilis namang humarurot paalis sa lugar ang naturang van."How was it, Megumi?" tanong ni
"Bye Chii, pakabait ka kay Daddy Psalm, ah?" Bilin ni Delilah, at hinalikan sa pisngi ang anak. "Ikaw na ang bahala kay, Chii.""Of course, Ma'am...""Pslam, kailan ka ba masasanay na tawagin akong Delilah?" naka-pout na tanong niya at mahinang tinampal sa maskulado nitong braso ang kaharap na lalaki."Kapag hindi niyo na ako tinatawag na, honey..." Napalatak na tumawa si Lucky sa sagot ng malapit na tauhan. Right! Madalas niyang tinatawag na honey si Psalm para asarin ito. Noong mga buwan kasi na buntis pa siya kay Chii hindi siya palaging nasasamahan ni Apocalipsis dahil sa mga importanteng ginagawa ng kanyang asawa. Madalas si Psalm ang kasama niya sa check-ups at grocery, at madalas silang napagkakamalan na mag-asawa, at doon na nga nagsimulang tuksuhin niya si Psalm sa pagtawag dito ng 'honey'."Right. I'm sorry, sige-sige. Pag-aaralan kung huwag ka ng tuksuhin.""Kailangan na po nating umalis," bulong ni Megumi mula sa likuran ni Delilah. Mul
"H-how are you?"Tumaas ang isang kilay ni Lucky. "Really?" Umalis siya sa ibabaw ni Genesis at tinulungan ang binata na tumayo. "Iyan talaga ang itatanong mo?""Aw!" munting d***g ni Genesis nang kumirot ang likod. "F*ck! Ganito ka na ba bumati ngayon?" palatak niya, ang ginawang pagbalibag ni Lucky sa kanya ang tinutukoy."Sorry about that," paumanhin ni Lucky at inayos ang lumihis na topper niyang suot. "I just want to surprise you.""I am!"Lucky chuckled. "Well, what can I say? I'm skilled now.""Do you have a moment? I want to talk to you about many things, over a coffee?" Hindi tinanggihan ni Lucky ang alok ni Genesis. Nagtungo sila sa nag-iisang coffee shop sa tapat ng building, at nang pareho na silang nakaupo hindi na nagpaliguy-liguy si Genesis."I want to see my son.""Ah-huh? And what makes you think na may anak ka akin?" mataray na sagot ni Lucky.Saglit na natigilan si Genesis. Ngunit higit kanino man siya ang nakakalam ng totoong nangyari noon, and he was one hundred p
"How was it?" tanong ni Apocalipsis, inisang inom nito ang natirang alak sa hawak na baso. Nagkita sila ng lalaki sa isang resto-bar, pinagbawalan kasi niya itong uminom sa bahay dahil naroon ang anak nila. "The second phase of our plan was successful. Where now on the third phase," sagot ni Lucky sa asawa. "Great! Hihintayin na lang natin ang maging pasya niya." Hindi nagsalita si Lucky. Binigyan siya ng bartender ng cocktail drink at natulala na siya inumin. Hindi niya makalimutan ang naging pag-uusap nila ni Genesis. Ilang beses raw nitong sinubukan na magtapat sa kanya pero nadadaig ito ng takot sa sariling pamilya. Kumunot ang noo niya. Nag-angat siya ng tingin sa lalaking katabi. "You never told me your reasons Apo," panimula niya. Nabitin ang pagkuha ni Apocalipsis sa katabing bote para sana magsalin muli ng alak. "Alam kong malaki ang galit mo kay Genesis dahil sa pagkamatay ng kapatid niyo, but you never told me the details. Paano
“Good morning, ma’am!” bati ng security guard ng publishing house nang pumasok si Lucky, nakasunod sa kanya ang asawang si Apocalipsis. “Ma’am, meron po pala kayong bulaklak dito.” Kinuha ng guard ang isang bouquet ng halo-halong uri ng bulaklak; White Tulips, Lily of The Valley, at Blue Hyacinths. “Hindi po nagpakilala ang nagpapabigay pero nakalagay naman po ang pangalan niyo.” Tinanggap ni Lucky ang bugkos ng bulaklak. Tinitigan niya ang napakagandang bouquet ng bulaklak, pagkatapos ay malakas na tumawa. Seriously? Hindi niya alam na kayang maging corny ng lalaking iyon. “What’s the matter? May nakakatawa ba sa bulaklak?” tanong ni Apocalipsis. Ang tingin ay nasa mga bulaklak rin, hindi maganda ang timpla ng mukha nito dahil sa bouquet na hawak ng asawa. “Nah~ Nakakatawa lang kasi. All of this are ‘I’m sorry flowers’, ano ang tingin niya sa ‘kin? Basta na lang magpapatawad dahil sa isang bugkos ng bulaklak?” Palatak ni Lucky ngunit hindi napigilan an
Nasa park si Lucky kasama ang anak, dahil walang malawak na area sa condo ni Apocalipsis dito niya naisip dalhin si Chii. Mukhang nagustuhan naman ng bata at wiling-wili itong naglalaro, pinahihiram pa nito sa ibang bata ang toy car na binili ni Apocalipsis. “May problema ba, Ma’am? Kanina ko pa napapansin, panay ang buntong-hininga niyo,” usisa ni Psalm, ang siyang bantay nila ng anak ngayong hapon. Naupo ito sa conrete bench isang diba ang layo sa kanya. “When Apocalipsis told me that someone would pick me up that night. I really didn't expect the person would be you. I didn't ask and thought you might be working for Apocalipsis. Then I realize you were the one who let Apocalipsis into my room the night before my wedding to Genesis.” Nagyuko ng ulo si Lucky. Pinagsiklop niya ang mga kamay. “I still don’t want to ask you, but something is really bothering me…” “Ano iyon, Ma’am?” Nag-angat ng tingin si Lucky sa kausap. “Is this the true reality of the
After having dinner with her family, busog at masayang umuwi sina Lucky sa condo ng kanyang asawa. Saglit pang nag-bonding ang mga ito sa kusina habang umiinom ng coffee na ginawa ni Psalm, si Chii naman ay nanuod ng cartoon sa telebisyon kasama ni Megumi na siyang mag-isang naiwan ng bahay buong araw. At nang antukin isa-isang nagsitulugan sa kani-kanilang mga silid, si Lucky ang huling nag-paalam kay Apocalipsis na nagbabasa ng kung anong libro sa couch. Sa kwarto ni Chii natutulog si Lucky, habang si Apocalipsis naman ay sa katabing silid. Hindi kasi talaga sila natutulog ng magkasama kahit pa mag-asawa silang maituturing. Hindi pa nakakahiga si Lucky ng kama nang tumunog ang kanyang telepono. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? Isang minuto na lang ay mag-a-alauna na ng madaling araw. Kumunot ang noo niya nang makitang si Genesis ang caller. Pinatay ni Lucky ang tawag ngunit muli lamang itong tumawag. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya.
Genesis woke up with a major headache the next morning, nagulat rin siya nang magising sa isang hindi pamilyar na silid. Agad siyang bumangon ang nilinga ang tingin sa buong kwarto at isang picture frame ang napansin niya sa ibabaw ng cabinet malapit sa sliding glass window. Tumayo siya hawak ang sumasakit na ulo at tumayo sa harap ng cabinet, kinuha niya ang piture frame at tinitigana ang dalawang batang nasa iltra, ang isa ay blonde at pula naman ang buhok ng isang bata ngunit hindi katulad niya ang dalawang bata ay parehong kulay berde ang mga mata; it was Apocalipsis and Malachii.“Gising ka na pala...” Hindi natinag si Genesis sa kinatatayuan, ni hindi siya nag-abala na lingunin ang taong kakapasok lang ng silid.“Anong ginagawa ko dito?” tanong ni Genesis ang tingin ay nasa larawan pa rin. Ang naalala niya’y uminom siya sa isang bar kahapon, ngunit nang malasing ay hindi na malinaw sa kanya ang sumunod na mga nangyari. Tinawagan ba niya si Apocalipsis? O baka naman ang mga staff