Share

TMST 69 - Lucky Etheswyth

Lumabas sa isang cubicle ang isang babae na may parehong kasuotan ni Delilah. Tipid siyang ngumiti at tinanguan ang babae. "You're just like my carbon copy. Ikaw na ang bahala, Megumi."

"Understood, Ma'am." Mabilis na tango ng babae, nag-paalam ito bago siya iniwan sa loob ng restroom.

Pumasok si Delilah sa cubicle kung saan lumabas si Megumi, nanatili siya roon ng ilang minuto, at lumabas lang nang makatanggap na siya ng mensahe mula sa assistant. Inayos muna niya ang sarili at tinanggal ang mga takip sa mukha; shades at facemask, bago tuluyang lumabas ng restroom.

Mula sa loob ng restaurant, nakita niyang pumasok sa isang itim na sasakyan si Genesis. Dali-dali siyang naglakad palabas ng restaurant at tumayo sa entrance, tinanaw ni Delilah ang papalayong sasakyan. Saglit lang din siyang nakatayo doon dahil pumasok agad siya sa itim na van na pumarada sa harap niya. Mabilis namang humarurot paalis sa lugar ang naturang van.

"How was it, Megumi?" tanong ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status