Umuwi si Genesis ng kanyang bahay matapos makipag-argumento kay Lucky. Wala siyang nagawa para baguhin ang pasya nito, talagang disidido na itong pababain siya bilang tagapagmana ng samahan. Nagbanta pa si Lucky na ipaalam sa samahan ang tungkol sa itinatago niyang anak, si Lucy. Mapapadali ang pagkuha niya sa posisyon ngunit hindi niya maatim na ilagay sa peligro ang buhay ni Lucy, hindi niya ito itinago ng ilang taon para lang mahulog sa kamay ng kanyang pamilya. Despirado na talaga si Lucky para isakripisyo nito si Lucy o sadyang nawala na ito sa katinuan.
Hindi na alam ni Genesis kung ano ang dapat niyang gawin, kung hindi niya pipigilan si Lucky ay mapapahamak ang panganay niya, at kung bibitiw naman siya bilang tagapagmana ng samahan, si Lucky at ang anak naman nila ang mapapasakamay ng mga taong naging dahilan ng mesirable niyang buhay. Paano na? Ano ang maari niyang gawin para pigilan si Lucky?
“Uncle? Daddy told me to bring you this soup. Okay lang
Tahimik lang na nakasakay sa backseat ng sasakyan si Lucky at Genesis. Sa unahan ang driver ng companya at sa shotgun seat naman nakaupo si Nathaniel, patungo silang apat sa Baguio para sa kanya-kanya na event nilang dadaluhan. Sinundo si Lucky ng service at simula pa kanina ay hindi pa sila nagkakausap ni Genesis. Wala itong ibang ginawa kundi ang kausapin ang kung sino mang mga tauhan na tumatawag dito, at kapag wala naman ay nasa cellphone pa rin ang atensyon nito. Ang awkward tuloy ng sitwasyon nila sa loob ng sasakyan. Madaling araw silang bumyahe, at inabutan na sila ng tanghali sa daan kaya naisipan nilang huminto muna sa isang restaurant para kumain ng lunch. Syempre, katulad sa loob ng sasakyan hindi pa rin siya kinikibo ni Genesis. Palaging si Nathaniel ang nagtatanong ng mga kailangan at gusto niya, para siyang hangin sa paningin ng lalaki na ikinainis ni Lucky sa huli. Hanggang kailan ito mananahimik? Wala ba talagang balak ang lalaki na kausapin siya? Nagalit ba ito dahil
Genesis growled in pain, reaching for his aching head and realizing he was in a hospital bed. Nakunot niya ang noo at iginala ang tingin sa buong silid. Ano ang ginagawa niya sa lugar na ito? Bumaling siya sa gilid ng kama ng mapansing hindi siya nag-iisa sa silid. Nagulat siya ng makitang si Lucky iyon, natutulong sa gilid ng kama niya, unan ang sariling mga braso. “Luck,” tawag ni Genesis at marahan na niyugyog ang balikat ng babae. “Mhmm…” Mabigat ang talukap ng mga mata, pilit na gumising si Lucky at naupo ng maayos. “Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” “What happened?” “Pinagtangkaan ang buhay mo. Mabuti na lang at lumabas ako ng restaurant para sundan ka, at nakita ko ang shooter. Sa kasamaang palad napalakas yata ang pagtulak ko sayo’t na untog ka sa matigas na bagay. Your head was bleeding, pero hindi naman malalim ang sugat. Sabi rin ng doktor ay tinahi na nila at safe ka na.” Nagtangis ang bagang ni Genesis. Sa kwento ni Lucky, hula niya ay nagkaroon ng engkw
Buong araw ay busy si Lucky sa signing event na ginanap sa city mall ng Baguio. Syempre, may maliit na dinner event ang hinanda para sa kanya ang publishing team kaya sa labas siya naghaponan, ngunit hindi niya nakalimutan si Genesis na siguradong nasa hotel lang buong araw dahil sa natamong head injury. Nagpa-take-out siya ng pagkain bago nagpaalam sa team at bumalik ng hotel, kung saan rin naka-check-in ang team ni Genesis. Nasa iisang floor lang ang room nila ni Genesis kaya hindi mahirap sa kanya na idaan sa lalaki ang take-out na pagkain. Nasalabas na si Lucky ng elevator ng mamataan niya sa dulo ng hallway si Nathaniel, mukhang katulad niya ay patungo ito sa silid ni Genesis, ngunit nagtaka siya nang bigla na lamang tumakbo si Nathaniel matapos nitong sagutin ang kung sinong tumawag sa bitbit nitong phone. Kinabahan si Lucky kaya tumakbo narin siya at naabutan niyang bukas ang pinto ng hotel room ni Genesis. Nakita niya agad si Nathaniel, nakatalikod mula sa kanya ang lalaki
Niluwagan ni Apocalipsis ang suot na necktie pagkapasok sa kanyang condominium. Namataan niya ang limang taong gulang na batang lalaki sa living room, nagkalat sa center table ang mga papel at iba't-ibang kulay ng crayons. Napangiti si Apocalipsis, busy ito sa pagkukulay ng kung ano sa papel at hindi man lang nito napansin ang kanyang pagpasok. Pinagmasdan niya ang batang lalaki, hindi niya alam kung pano, pero nakikita niya sa anak ang pinakamamahal at iniidulo niyang nakatatandang kapatid. Kung sana ay nabuhay lang ito, siguradong magiging spoiled si Chii sa kapatid niya.Tumikhim si Apocalipsis upang kunin ang atensyon ng anak, nanlaki ang mata ng batang lalaki nang makita siya, tumayo ito at excited na tumakbo patungo sa kanya, hawak nito ang isang puting papel. "Daddy!! You're home, I miss you!" Kinarga niya ang anak, at pinupog nito ng halik ang kanyang mukha kaya hindi niya napigilan ang matawa ng malakas. Napansin naman iyon ni Psalm at Megumi na busy sa kusina, lumabas ang da
Isang oras din ang lumipas bago nakabalik si Apocalipsis at Chii sa condominium. Parehong nakangiti ang mag-ama nang pumasok ng kanilang unit, ngunit isang masamang balita ang sumalubong sa kanila. Hindi nagdalawang isip si Apocalipsis at agad na tumulak patungong Baguio kasama ni Chii upang i-check ang kalagayan ng mga nasangkot sa aksidente. Binangga raw ng isang delivery van ang sinasakyang taxi ni Lucky, ang kwento kay Apocalipsis ay galing sa isang congratulatory party ang asawa niya at pabalik na sana ng hotel nito nang mangyari ang aksidente. Kahit malalim na ang gabi at labis nang inaantok, hindi ito ininda ni Apocalipsis. Ang nasa isip lang niya ay makarating agad ng Baguio upang makita ang asawa. Labis siyang nag-aalala, sana ay hindi malubha ang kalagayan nito. "Epsis, dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Baka nakakalimutan mong kasama natin si Chii, hindi matutuwa si Miss Lucky kapag nalaman niyang nagmaneho ka ng lagpas sa speed limit," paalala ni Psalm na nakaupo sa shotgu
Katatapos lang maligo ni Genesis nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kanyang hotel room. Nagtataka, binuksan niya ang pinto at doon niya nabungaran ang humahangos na si Nathaniel. "What happened? Para kang hinabol ng sampong demonyo sa hitsura mo." "Lucky got into an accident. She's in the hospital now, wala naman daw—" Hindi tinapos ni Genesis ang sasabihin pa ni Nathaniel. Sinara niyang muli ang pinto upang kunin ang kanyang cellphone at wallet, saka muling binuksan iyon at lumabas ng silid. "Let's go to the hospital," aniyang nanguna sa paglalakad. Tinawag ni Nathaniel ang pangalan niya ngunit 'di iyon binigyang pansin ni Genesis. Isa lang ang nasa isip niya ngayon, si Lucky. Malapit sa hotel nila ang hospital na pinagdalhan kay Lucky kaya nakarating agad sila Genesis. Pagpasok ng gusali tumatakbong tinungo niya ang reception desk at agad na hiningi ang hospital room ni Lucky, nang makuha, tumakbo na naman siya patungo ng elevator. Habang si Nathaniel ay
Naglalaro si Lucky at Chii nang magpaalam si Megumi na may bibilhin sa labas, agad na nagpresenta ang anak niya na sumama sa assistant na pinayagan naman ni Lucky. Mukhang bored na kasi ito kakatambay sa kwarto niya.Nang wala na ang dalawa siya namang dating ni Genesis makalipas ng limang minuto, may dalang bulaklak ang lalaki at isang basket ng halo-halong prutas. Ngayong umaga lang ulit siya dinalaw ng lalaki, kahapon ay buong araw niya itong hindi nakita."Akala ko'y nabahag na ang buntot mo at umuwi ka na ng Maynila," biro niya sa lalaki."I'm sorry. I was busy yesterday. Inasikaso ko ang kaso ng driver ng truck na bumanga sa taxi na sinasakyan. Tumakas raw ito kahapon at pinaghahanap pa rin ng mga pulis.""Bakit, buong araw ka bang nasa prisento?" "Not exactly. May kutob kasi akong hindi aksidente ang nangyari sayo," seryosong tugon ni Genesis."You think someone is trying to kill me?"Umiling si Genesis. "No. I was trying to say someone might mistook that we are together in th
"Kidding…" bawi ni Chii.Napahawak si Genesis sa d*bdib. Bibigyan yata siya nito ng sakit sa puso. Utang na Half Million ng isang limang taong gulang na bata? Saan naman nito ginamit ang kalahating million? Mabuti nalang pala at nagbibiro lang ito. Hindi lang siya nagulat sa narinig, saglit rin yatang huminto sa pagtibok ang puso niya."You look, scared old man." Kumunot ang noo ni Genesis. Bahagya niyang piniling ang ulo. Did his son called him old man? Nilingon niya si Lucky at napangiwi. "Did he…" Tinuro niya si Chii.Tumango naman si Lucky, impit ang ngiti nito sa labi. "Yeah... He did," proud nitong sagot."No.., no.., no.., Not that kiddo." Mariing pinikit ni Genesis ang mga mata. Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay muli niyang hinarap ang anak. "Did your Daddy Apocalipsis told you to call me that?""Nope!" Iling ni Chii. "I never listen to anyone, anyway."Umawang na naman ang labi ni Genesis sa pagkamangha. Wow! Kamukhang-kamukha niya ang bata, ngunit nakuha nito ang ugali n