Share

TMST 84 - Chii

Naglalaro si Lucky at Chii nang magpaalam si Megumi na may bibilhin sa labas, agad na nagpresenta ang anak niya na sumama sa assistant na pinayagan naman ni Lucky. Mukhang bored na kasi ito kakatambay sa kwarto niya.

Nang wala na ang dalawa siya namang dating ni Genesis makalipas ng limang minuto, may dalang bulaklak ang lalaki at isang basket ng halo-halong prutas. Ngayong umaga lang ulit siya dinalaw ng lalaki, kahapon ay buong araw niya itong hindi nakita.

"Akala ko'y nabahag na ang buntot mo at umuwi ka na ng Maynila," biro niya sa lalaki.

"I'm sorry. I was busy yesterday. Inasikaso ko ang kaso ng driver ng truck na bumanga sa taxi na sinasakyan. Tumakas raw ito kahapon at pinaghahanap pa rin ng mga pulis."

"Bakit, buong araw ka bang nasa prisento?"

"Not exactly. May kutob kasi akong hindi aksidente ang nangyari sayo," seryosong tugon ni Genesis.

"You think someone is trying to kill me?"

Umiling si Genesis. "No. I was trying to say someone might mistook that we are together in th
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status