Sa ilalim ng madilim na tulay pumarada ang sasakyang minamaneho ni Psalm, mula sa backseat ng naturang sasakyan bumama si Apocalipsis na agad kinasa ang hawak na baril, at itinutok sa babaeng nakaupo sa bumper ng itim nitong sasakyan.Dahil sa ginawa ni Apocalipsis naalerto ang dalawang lalaki na kasama nito at itinutok kay Apocalipsis ang hawak na mga baril. Ngunit hindi nagawang pumalag ng dalawang bantay ng babae nang bumaba si Psalm sa driver's seat hawak ang isang bazuka na katulad ni Apocalipsis ay itinutok sa mga kalaban."Whoa, whoa… Masyado naman yata tayong marahas dito," biro ng babae at itinaas ang dalawang kamay."Hindi ako nagpunta rito para makipagbiruan Talia, or should I call you. Preya Armande?"Preya smirked. "Come on, Epsis… Hindi mo man lang ba ako babatiin sa nagawa kong achievement?""Sinabi ko nang h'wag mong idadamay ang asawa ko," gigil na turan ni Apocalipsis na humigpit ang hawak sa baril."That was a mistake. Napakabobo naman kasi ng informant ko, biruin m
Nagluluto si Lucky ng tanghalian nang mag-ring ang doorbell ng apartment ni Apocalipsis. Mula sa kusina, nasilip niyang tumakbo palabas ng sariling silid ang anak para pagbuksan ang bisita."Papa!!" masayang binati ni Chii ang ama."Hi, kiddo!"Natawa si Lucky nang hawakan ni Chii ang hinlalaki ni Genesis at hinila ito papasok ng unit. Dala ni Genesis ang isang box ng cake, na sa tingin ni Lucky ay binili nito sa cafe sa tapat condominium building."Paborito ni Chii ang caramel cake nila," ani Lucky nang ilapag ni Genesis sa ibabaw ng center islang ang cake."Oh, really? I didn't know. Chocolate ang binili ko." Nakamot ni Genesis ang likod ng ulo. Ang hirap mag-adjust para sa anak niya sa totoo lang, hindi niya alam ang mga gusto at ayaw nito, pero ayos lang, handa naman siyang pag-aralan ang lahat ng dapat pag-aralan para kay Chii."Hindi caramel? Aw~ Tapon na lang natin," anas ni Apocalipsis nang pumasok sa kusina."Tsh!" Binawi ni Genesis ang cake at niyakap. "Hindi ka kakain ng ca
Tumataginting ang gintong tungkol ni Sauron habang pababa ng airstair. Nakasunod sa matanda ang butler na si Moris na hawak ang itim at malaking payong. Huminto ito nang makarating sa harap ng anak na si Beth."Welcome, father. It's been a while since you visited us," bati ni Beth sa ama. Makulimlim at umaambon ng hapon na iyon kaya maging siya ay may hawak na payong."I have come to personally fix the situation."Namawis ang palad ni Beth, kinabahan siya sa sinabi ng ama. Huli itong bumisita sa bansa noong magkaroon ng pananambang sa kambal niyang anak, at kahit minsan ay hindi ito personal na dadalo sa events ng pamilya niya. Kahit sa kasal dapat ni Genesis noon ay 'di ito nagpasabing dadalo."I understood. Please follow me, father." Giniya ni Beth ang ama patungo sa isang bulletproof na sasakyan. Kasama nila na pumasok ang butler nitong si Moris."Moris, what time will the kings assembly?" Deretso lang ang tingin ng matanda. Tila ba wala itong nakikitang tao sa paligid, o mas magan
Binisita ni Genesis ang anak na si Lucy sa bahay ng adopted mother nito, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya naabutan ang anak. Ang sabi ni Caladieae ay gumala daw ito ng mall kasama ng mga kaibigan nito sa school. Dahil wala naman siyang ibang appointment nang hapon na iyon nagpasya siya na hintayin na lang ang anak na babad. Ilang araw na rin kasi niya itong hindi nakikita at nananabik na siyang masilayan itong muli."So, binalewala mo na talaga ang lahat ng mga sakrepisyo natin noon dahil handa ka ng makipagbalikan sa ex-fiancee mong asawa na ng kapatid mo?" masungit na saad ni Caladieae. Nakaupo ito sa high chair at may sinusulat na medical report nito."Cal, hayaan mo na si Genesis. Hindi na mahalaga ang ginawa natin noon, kung nagdesisyon na siyang gawin ang makapagpapasaya sa kanya, bakit hindi na lang din tayo maging masaya para sa kanya?" singit ni Nathaniel na kumakain ng chichirya sa kabilang bahagi na island counter."Hindi ikaw ang kausap ko.""Sungit naman, menopos k
"How is she, uncle?" tanong agad ni Caladieae nang makalabas ng silid ni Lucy ang tiyuhin na doctor. Ito ang tinawagan nila upang gamitin ang anak. "Thanks to you, she's stable. If you hadn't administered emergency treatment, your child's condition could have become critical." "Thank God!" Sa wakas ay nakahinga rin ng maluwag si Caladieae. Parang aatakihin na siya sa puso sa labis na pag-aalala para sa anak. Mabuti na lang at ligtas na ito, dahil kung may mangyaring masama, hindi niya mapapatawad ang sarili niya sa kanyang nagawang kapabayaan. "However, you must send her to the hospital in order to monitor her condition, mas kompleto ang gamit sa ospital kesa dito sa bahay mo," payo ng tiyuhin niya. "I understood." "The sooner the better. I'll get going then..." Tinapik nito ang balikat ni Caladieae at iniwan na siya sa harap ng pinto. Nanginginig ang kamay na pinihit ni Caladieae ang dooknob at pumasok sa silid ng anak. Tila pinunit ang puso niya nang makita itong nakaratay, at w
"Are you crazy? You just stabbed a child! Sa tingin mo ba okay lang ang ginawa mo dahil walang tinamaan na organ?" tila puputok ang ugat sa leeg ni Genesis sa kasisigaw. Hinahawakan naman agad ni Nathaniel ang balikat nito upang pigilan na lumapit sa kapatid. Sa bawat bitiw kasi ni Genesis ng salita ay tila susugod ito sa kinauupuan nila Apocalipsis."Mag-isip ka nga, paano kung naubusan siya ng dugo?" dagdag pa ni Genesis."You could always donate your blood to her. She is, after all, your daughter. Unless she has the same blood type as her biological mother." Apocalipsis smirked.Si Genesis ay natigilan, hindi inasahan ang ginawang pagbanggit ni Apocalipsis sa biological mother ni Lucy."I wonder... Sino sa mga fling mo noon ang tunay na ina ni Lucy. Ah! Si Lucky ba? Hindi siya fling, pero alam naman nating pareho na ginahasa mo siya." Natawa sa sariling naisip si Apocalipsis. "No, no, no... That's impossible. I check her data, wala namang record na nanganak o nabuntis si Lucky noon
Tahimik si Apocalipsis habang naglalakad palabas ng restaurant, kahit nang sumakay na sila ni Psalm ng sasakyan ay hindi pa rin siya nagsasalita. Pagkatapos harapin si Genesis, ganun na lang ang lungkot sa mukha niya, wari labis na pinagsisihan na nabuhay pa siya sa mundo."Ano ba ang binulong mo kay Genesis? Bakit ganun nalang ang gulat niya?" curious na tanong ni Psalm habang nagmamaneho. Si Apocalipsis ay nakaupo sa shotgun seat ng sasakyan."Sinabi ko lang na nagpa-conduct ako ng DNA test gamit ang dugong nakuha ko kay Lucy."Nakunot ni Psalm ang noo. "At ganun na lang ang gulat niya?" nagdududa niyang tanong dito. Imposibleng iyon lang ang dahilan. Iba kasi ang nakita niya sa mukha ni Genesis, hindi lang ito nagulat, may bahid ng lungkot at guilt ang mga mata nito."Dala mo ba ang pinagawa kong dokumento?"Saglit na nilingon ni Psalm ang kaibigan. Nasa malayo ang tingin nito, mukhang tumagos pa sa bumper ng sinusundan nilang sasakyan. May mali talaga, ngunit hindi niya matukoy ku
Marahas na bumukas ang pinto ng dating opisina ng ama ni Apocalipsis. Gabi na’t wala na ang halos lahat ng mga emplyado ng kompanya, ngunit sigurado siyang dito niya matatagpuan ang hinahanap. Mula sa ginagawa, naibaling ni Beth ang atensyon sa lalaking pumasok. Nagulat siya nang makitang ang bunso niyang anak iyon. Hindi niya inasahan na makikita niya ito, at sa ganitong oras pa. Kahit kailan ay hindi willing makipagkita sa kanya si Apocalipsis kung hindi tungkol sa mafia.“Apo, what brings you here?” Matamis ang ngiti ni Beth. Tinalikuran niya ang kaharap na shelve upang lapitan ang anak. "Stop... I don't want you to come near me. Tell me the truth......" Nakunot ni Beth ang noo. “What are you talking about?”"Please stop pretending, mom. Hanggang kailan niyo ililihim sa ‘kin ang totoo?" Nagtangis ang bagang ni Apocalipsis. His family have been fooling him for decades. Maraming pagkakataon ang mga ito na ipaalam sa kanya ang totoo, ngunit pinili nilang pagmukhain siyang tanga."I