Share

Chapter 32

Nang makarating si Gunner sa Clearview Medical Center, nagtaka naman ito nang mapansing nasa psychiatric ward ang opisina ni Dr. Travis Ross. Isinawalang-bahala na muna niya ito saka pumunta sa opisina nito kung saan nadatnan niya ang doktor na katatapos lang kumausap ng isang pasyente.

Pagkapasok niya, agad siyang naupo sa may harapan ng doktor na tila walang pakialam kung may susunod ba itong pasyente.

“Mr. Quevedo,” saad ni Dr. Travis. “If you are here to obtain information about my patient, I am already telling you–”

Bago pa man niya matapos ang sasabihin, agad nilapag ni Gunner ang isang makapal na sobre. Laman nito ang ilang libong dolyar na kagagaling lang sa banko.

“That’s $50,000,” sabi niya. “You can have it as long as you answer my questions about Athena Valdemar.”

“I’m sorry, Mr. Quevedo, but that won’t work on me.”

Nilayo man niya ang sobre ngunit naglapag pa ng tatlo ang tauhan ni Gunner.

“$200,000,” saad ng lalaki.

Natahimik saglit si Travis habang nakatingin sa apat n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status