Share

Chapter 39

Pinagkatiwalaan ni Athena si Mr. Quevedo kaya naman sumama na ito sa kaniya para sa kanilang dinner. Nagtaka naman ito nang mapansing hindi sa restaurant sila pumunta kundi sa mansyon mismo ng lalaki.

“Pinatawag naman niya siguro ang chef niya para dito na magluto. Uso iyon sa mga mayayaman, hindi ba?” saad niya sa kaniyang isipan.

Pinagbuksan siya ni Mr. Quevedo ng pinto saka nilahad pa nito ang kaniyang kamay para tulungan siyang makababa sa sasakyan. Agad namang tinanggap iyon ni Athena.

“I will have someone deliver your things to your unit so don’t worry about them,” saad niya habang papasok sa mansyon.

Pagdating nila sa malawak na living room, nagtaka si Athena dahil tila walang katao-tao sa loob. Iba kasi noong sinamahan niya si Gunner dahil may mga katulong na nagta-trabaho. Isa pa, ang tahimik kaya parang sila lang talaga ang naroroon. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa labas ng malaking bintana kung saan tanaw ang malawak na hardin. Wala ring tao kahit ni isa.

“Is there any
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status