Hi lovely readers, okay lang po bang humingi ng inyong reviews tungkol sa kwento ni Rigor at Althea? At kung sakali mang magustuhan ninyo, hindi naman po siguro kalabisang humingi ng inyong boto. (gems). Malaking bagay po iyon sa aming mga writers para mas lalo pa po naming pagbutihin ang aming pagsusulat. Thank you and God bless you all!
HINDI alam ni Rigor kung paano sasagutn ang tanong na iyon ni Althea. Hindi rin niya alam kung hinalikan ba niya ito dahil nakikita niya rito ang kanyang yumaong asawa or dahil sa tawag ng kanyang pangangailangan? O baka sa parehong dahilan. Hindi niya alam. “Please Althea, ilang beses ko bang dapat ipakiusap saiyo na huwag na nating pag-usapan ang asawa ko?” Aniyang napahinga ng malalim, “And I’m sorry k-kung basta na lang kita hinalikan pero gusto kong ipaalala saiyo na desirable ka na ngayon. Hindi ka na basta-basta. . .kahit sinong gustuhin mo pwede mo ng maakit ngayon sa taglay mong kagandahan, okay?”aniyang tiningnan ito ng matiim, “Kaya pwede ba, tanggalin mo na sa utak mo yang self doubt na yan? Hindi yan makakatulong sa mga plano natin,” Paalala pa niya rito. Humihikbing tumango ito, “From now on, wala akong tanging iisipin kundi ang mapabagsak ang lalaking iyon at ang walanghiya niyang kalaguyo!” Sabi nito habang pinapahid ang mga luha.
MABILIS NA LUMABAS SI RIGOR at para siyang si Spider man na mabilis sinampa ang bintana sa may library. Hindi niya alam kung paano niya nagawa iyon sa loob ng ilang segundo lamang. Marahil ay dahil bugbog sarado siya sa training kung kaya’t mabilis niyang nakokondisyon ang utak niya sa emergency mode kapag kinakailangan. Nakita niya ang panic sa mukha ni Althea habang papalapit dito si Griff. Mabilis siyang pumasok sa bintana at tinakbo ang kinaroroonan nito. “Fuck!” Dinig niyang sigaw ni Griff habang si Britanny ay tumitili na waring takot na takot. Kaagad na hinanap ni Griff ang baril nito sa loob ng master’s bedroom ngunit bago pa ito makapagpaputok ay naitakbo na niya palabas ng bahay si Althea. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagpapaputok. Nagising ang lahat ng mga kasambahay. Kaagad niyang pinaharurot palayo ang kanilang sasakyan. Sinulyapan niya si Althea na yakap-yakap ang green notebook. Natawa siya, “We mad
“KAYA MO bang gawin iyon?” Dinig niyang tanong muli ni Althea nang hindi siya kumikibo. “Yeah, why not,” pagsisinungaling niya rito kahit pa nga alam niyang mahihirapan siyang paghiwalayin si Althea at Sophia sa katauhan nito ngayon. Ngunit para pawiin ang kung anumang sakit na nararamdaman nito ay pumayag na lamang siya. “Salamat. Gusto ko lang ibalik iyong self-confidence na matagal ring nawala s-sa tuwing pinaparamdam ng mga tao sakin k-kung gano ako kapangit.” Malamlam ang mga matang sabi nito sa kanya. Ramdam niya ang sakit sa bawat katagang binibitiwan nito. Alam niyang naging napakatraumatic ng mga pinagdaanan nito sa buhay dahil lamang sa anyo nito. Ginagap niya ang isang kamay nito at pinisil nang mariin, “Huwag kang mag-alala. Magdidate tayo. Ipaparamdam ko saiyo iyong mga bagay na di mo naramdaman ‘nung kayo pa ni Griff!” sabi niya rito, bahagya pa niyang ginulong muli ang buhok nito, “Tama na ang iyak, okay? From now
HIYANG-HIYA SI ALTHEA nang marealize kung anoa ng kanyang ginawa. Ano na lang ang iisipin sa kanya ni Rigor? Sa bugso ng kanyang damdamin ay bigla na lamang niya itong hinalikan. Napalitan na nga ang mukha niya pero ang cheap pa rin niya. Siya pa rin ang gumagawa ng first move kagaya ‘nung first date nila ni Griff. Ganitong-ganito rin ang ginawa niya. Bigla na lamang niya itong ninakawan ng halik. At bago pa siya matauhan ay nasa loob na sila ng isang hotel na siya rin ang nagbayad! Ang cheap! Nabago na ang mukha niya ngunit di pa rin nababago ang ka-cheapan niya! Nakakainis. Lalo pa at gusto sana niyang patunayan na karapat-dapat ring mahalin ang isang gaya niya. Pero sino ba ang magmamahal sa isang napaka-cheap at walang pagpapahalaga sa sariling gaya niya? Last na ito. Natukso lang naman siya kanina kaya bigla niyang hinalikan si Rigor. Siguro ay natuwa lang siyang masyado at nag-enjoy sa date nila. Kung hindi dahil sa tawag na iyon, san
HINDI NA NAGPATUMPIK TUMPIK PA SI ALTHEA, kaagad siyang nagpaubaya sa paanyaya ni Griff na maglunch. Kanina pa tumatawag sa kanya si Rigor ngunit di niya masagot ang tawag nito kung kaya’ t nagmessage na lamang siya ng ‘talk to you later.’ Nagulat siya nang dalhin siya ni Griff sa isang mamahaling restaurant. Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa rito. Never pa siyang natreat ni Griff sa isang mamahaling restaurant nuon. Ni hindi nga yata siya nito nailabas kahit na minsan nang maging mag-asawa na sila not unless siya ang magyayaya. Pero kay Sophia na ngayon lamang naman nito nakilala ay gusto kaagad nitong magpa-impress. God, ang dami pa pala niyang hindi alam sa lalaking ito. “Hindi ka ba natatakot makita tayo ng asawa mo?” Tanong niya rito nang ilapag na sa mesa ang mamahaling steak at lobster na in-order nito. Tantiya niya ay nasa 15k ang kabuuan ng 8 course meal na in-order nila ngayong gabi. Itinaas nito ang isang kama
HANGGANG kinaumagahan ay hindi pa rin sila okay ni Rigor. Halatang asar pa rin ito sa kanya. Hindi niya akalaing magagalit ito ng ganun dahil lamang hindi niya ipinaalam ang lakad niya with Griff. Akala niya ay matutuwa ito dahil naka-step one na siya sa kanilang mga plano. Sabagay ay may katwiran naman ito. Mapanganib na tao si Griff kung kaya’t kinakailangan niyang mag-ingat. “I’m sorry sa nangyari kahapon,” aniya rito nang madatnan niya itong nagluluto ng breakfast, “Hindi ko naisip na sobrang mapanganib nga ang. . .ang lalaking iyon. Iniisip ko lang kasi na baka may kabutihan pa rin namang natitira sa puso nya. Na baka pinagsisihan na nya ngayon iyong ginawa nya sakin. . .” Napangisi ito, “Inaasahan mong pagsisihan ng lalaking iyon iyong ginawa nya saiyo?” May sarcasm na tanong nito sa kanya, “Althea, baka nakakalimutan mong walang konsensya ang lalaking iyon?” Napatungo siya, “I know.” Halos paanas lamang na sa
“SASAMA kang manuod ng sine sa lalaking iyon?” Inis na tanong ni Rigor nang ipaalam niya rito ang lakad ng araw na iyon, “No way!” “Teka nga Rigor, magkalinawan nga tayo dito, hindi mo ako prisoner, uy. Ako pa rin naman ang magpapatakbo sa buhay ko.” Paalala niya rito, “Nagpaalam lang ako para di na tayo mag-away pa pero di ko hinihingi ang permiso mo!” “Sige, go ahead. Pero wag na wag kang lalapit muli sakin na umiiyak kapag ginawan ka na naman ng masama ng lalaking iyon!” Asar na sabi nito sa kanya. “Sa palagay mo, bakit ka nya niyayang manuod ng sine, ha? San ka sa palagay mo kasunod na yayain ng lalaking iyon pagkatapos nyong manuod ng sine? Sa hotel? O baka sa motel lang kasi nagpapakita ka ng ka-cheap-an!” Inis na nasampal niya ito. Napaiyak siya sa sobrang galit niya rito. “Hindi porke’t utang ko saiyo ang buhay ko pwede mo na kong pagsalitaan ng ganyan!” nangangatal sa galit na sigaw niya rito, “Inayos mo lang ang mukha ko
“MAY KAKILALA ka bang Althea?” Tanong ni Althea kay Griff ngunit sunod-sunod lamang na iling ang isinagot nito sa kanya. “W-Wala.” Maikling sabi nito. Wala? Hah. Talaga bang kinalimutan mo na lahat ng alaala ng asawa mo? Tumayo siya dahil parang hindi na maganda ang pakiramdam niya. “Biglang sumakit ang ulo ko. I have to go,” aniyang hindi na hinintay pa ang isasagot nito. Nagmamadali na siyang lumabas ng sinehan kahit na hindi pa tapos ang palabas. Besides, hindi rin naman niya naiintindihan ang pinapanuod. “Sophia?” humahabol na tawag sa kanya ni Griff. “I’m sorry, biglang sinumpong iyong migraine ko.” Pagsisinungaling niya, “Mauuna na ko saiyong umuwi.” “Are you alrght? Ihahatid na kita. Baka hindi mo makayang magdrive pauwi,” nag-aalalang sabi nito sa anya. Nag-aalala ka sakin pero sa asawa mo, hindi? Hayup ka talaga Griff! “It’s alright. Magpapa