Share

CHAPTER 3

“THIS IS SENATOR GOLEZ from Madrid.  Sa Switzerland niya itatago ang lahat ng perang nakulimbat niya this year.  Five hundred million euros.  Gusto kong mahack mo ang accoout niya bago niya iyon maipasok sa kanyang Swiss account!” Anang ama niya habang kausap niya ito sa malaking monitor, “Darating sa email mo ang lahat ng information tungkol sa account nya sa Madrid.  Ikaw na ang bahala!” Pagkasabi niyon ay nawala na sa screen ang ama.  Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone, hudyat ng notification na may email siyang dumating.

                Ipinasok niya ang password para mabuksan ang email nito. At dahil encrypted ang email na iyon ay kailangan muna niya iyong i-decode para maintindihan.  Sa ganuong paraan ay naproprotektahan nila ang mensahe ng bawat isa.  Hindi rin basta-basta madedetect ang pinanggalingan ng email.  Maingat ang kanyang ama.  Masyado nga itong low profile kaya walang mag-aakala na nasa underground business ito.

                Ni hindi nga niya makitaang bumili ng magagara at branded na mga damit ang ama.  Sabagay, maski naman siya ay low profile rin.  At mas madalas ay mas gusto niyang nakikisalamuha sa karaniwang tao. 

                Kalimitan sa hina-hack nilang accounts ay pera ng  mga corrupt politicians at busisnessmen na hindi magagawang makapagreklamo dahil illegal ng mga itong natamo ang pera.  Kadalasan ay ipinamumudmod rin naman nila ang pera.  Or ipinamimili ng mga properties sa iba’t-ibang bansa para palaguin iyon at ilagay sa mga kawanggawa na itinatag ng kanilang organisasyon.

                Tinawagan niya ang tatlo sa pinagkakatiwalaan niyang IT upang tulungan siya sa ipinagagawa sa kanya ng ama.  Ilang sandali pa ay lumitaw na ang mga mukha ng mga ito sa malaking screen ng kanyang opisina at sabay-sabay niyang pinagtulungang ihack ang system habang nasa kanya-kanyang mga lugar sila.

                Ang isa niyang IT ay Pakistan, ang isa naman ay Chinese at ang pinakabata ay isang Indian.  Lahat sila ay mga computer genius na may kanya-kanyang expertise.  At sa mga malalaking mission na gaya nito ay kailangan nila ang bawat isa para maisakatuparan ang mga plano.

                Tatlong oras nilang trinabaho ang pagha-hack.  Napasigaw siya matapos magtagumpay.  Nagbukas siya ng wine at itinaas iyon sa harap ng mga ito.  “Thank you guys.  Mission accomplished!” Nakangising sabi niya sa mga ito.  Ilang minuto lang at nawala na ang mga ito sa ere.  Tinawagan niya ang ama para ipaalam rito na naisalin na niya ang pera sa dummy account nito. 

                “Ibili mo yan ng bitcoin,” utos ng ama niya sa kanya, “Then ibili moa ng bitcoin ng property sa Portugal, or isang vacation house sa Malta.”

                “Okay Dad,” sabi niya rito.  May tiwala siya sa ama kaya madalas ay di na niya kwenikwensyon pa ang mga ini-uutos nito sa kanya.  Alam naman niyang bago nito gawin ang isang bagay ay pinag-isipan muna nito iyong mabuti.

                Isa ang kanyang ama sa kilala niyang pinakamatalinong nilalang sa mundo.

                Matapos magawa ang mga ipinag-uutos nito ay tinawagan niya si Althea, “Magbihis ka.  I’ll pick you up at around 7 pm.  Sa labas tayo kakain!” Pagkasabi niyon ay tinapos na niya ang tawag.  Pinasundan niya sa kanyang tauhan si Griff.  Napag-alaman niyang may reservation ito sa isang mamahaling restaurant kasama ng girlfriend nito kaya gusto niyang dalhin si Althea duon. 

                Kailangan niyang ma-imindset ng husto si Althea dahil pakiramdam niya ay kayang-kaya itong mapaglaruan ng asawa nito.  Sa maikling panahong nakilala niya ang babae ay nakita niya kung gaano ito kahibang sa asawa.  Baka konting bola lang ay mawalang lahat ang galit nito sa lalaking iyon at kaagad na patawarin.  Mapupurnada ang mga plano niya kapag nagkataon.

                Tinapos lang niya ang iba pa niyang trabaho saka nagbihis.  Mabuti na lamang at marami siyang mga gamit sa opisina na nagagamit niya kapag emergency na gaya nito.

                “Are you ready?” tanong niya sa babae nang tawagan ito, “Gusto ko lang ipaalala saiyo na nandun ang asawa mo sa restaurant na pupuntahan natin kaya umayos ka!” Babala niya rito, “And make sure Sophia mode ka mamaya, okay?  Ayusin mo rin ang pagkain mo at ang kilos mo!  Siguro naman di ko na kailangang ulit-ulitin pa saiyo na. . .”

                “Na ibagay ko ang mukha ko sa kilos ko dahil iba na ang itsura ko ngayon.  Okay, I get it!” Sabi nitong nawala na sa ere.

                Napailing na lamang siya.

NAPASIMANGOT SI ALTHEA.

                Alam naman niyang pangit ang original niyang mukha, kailangan pa ba nito iyong ulit-ulitin sa kanya?  So, kapag maganda dapat finesse ang mga kilos pero kapag pangit, okay lang kahit anong gawin niya sa buhay niya?

                Kaya siguro kahit ipinanganak siyang mayaman, barubal siyang kumilos kasi hinayaan lang siya ng mga magulang niya sa kung anong gawin niya dahil hindi naman siya maganda.  Gusto tuloy niyang kwestyunin ang mga magulang kung ginawa ba iyon ng mga ito sa kanya para iispoiled siya or sadyang wala lang ang mga itong pakialam sa kanya?

                Bukod tanging siya lang naman kasi ang naturingang anak mayaman ngunit parang asal kalye kung kumilos.  Ewan ba niya.  Hindi siya komportableng ngumiti ng tipid, gusto niya ay humahalakhak.  Hindi rin siya sanay na nagdi-diet.  Katwiran niya, minsan lang mabuhay sa mundo, bakit kailangan niyang tipirin ang sarili?  Bakit kailangan niyang gutumin ang katawan para lang ma-achieve ang model-like figure?  Life is too short kaya kailangan niyang eenjoy kung anuman ang mayroon siya.

                Muntikan na nga siyang mamatay, hindi ba?

                Pero gaya nga ng sinabi ni Rigor sa kanya, iba na ngayon.  Kailangan niyang ibagay ang mga kilos niya sa bago niyang mukha.  Pag-ingatan raw niya ang bagong image niya ngayon at huwag na huwag raw niyang sisirain ang mukhang ito sa pangit na image or else ibabalik raw siya nito sa dati niyang anyo.

                Sinipat niyang mabuti ang sarili sa salalim.  She is just wearing a simple red dress na hanggang tuhod.  Backless iyon kaya ang sexy-sexy niyang tingnan.  Para talagang isinukat ang damit na iyon sa kanya.

BAHAGYANG napaawang ang mga labi ni Rigor nang makita ang ayos ni Althea.  Bahagya pa siyang napakurap at pansamantalang nakalimutan na hindi si Sophia ang nasa harapan niya ngayon.

                “Pinakialaman ko na iyong mga damit sa cabinet, kanino ba ang mga ito, para talagang sinukat sakin,” nakangiting sabi ni Althea habang inaayos ang damit, “Ang ganda ko, di ba?” Parang bata pang tanong nito sa kanya.

                Napaismid siya, “Syepre maganda ka at dapat mo ‘yang ipagpasalamat sakin!” paalala niya rito saka tiningnan ito ng masama, “Hinay-hinay lang ang kain ha?  Wag na wag mo kong ipapahiya dun!”

                “Paulit-ulit?” inis na sabi nito sa kanya.

                “Oo dahil alam kong mahina kang makaintindi!” yamot na sagot niya rito, “Bilisan mo na!”

                Dinampot nito ang pabango at nag-spray sa katawan.  Natigilan siya nang maamoy ang pabangong ginamit nito.  Dumilim ang mukha niya, “I told you not to use that!” Sigaw niya rito.

                Ikinagulat nito ang nagging reaction niya, bahagya itong napaatras palayo sa kanya, “Magkano baa ng pabangong ‘yan?  Babayaran ko na lang saiyo kung gusto mo!  Hindi mo ko kailangang sigawan para lang sa. . .”

                “That is priceless,” aniyang inagaw ditto ang pabango saka itinago iyon sa drawer, “Huwag na huwag mong papakialaman ang pabangong ýan!  Ako mismo ang magsisilid saiyo sa sako pabalik kung san kita napulit kapag inulit mo pa yan!” Yamot na sabi niya rito.

                “Ang damot mo naman!” Dinig pa niyang sagot nito sa kanya.

                Hindi na lamang niya iyon sinagot pa.  As much as possible ay ayaw niyang maamoy ang favorite scent na iyon ni Sophia sa isang impostor.  Ang totoong Sophia lamang ang may karapatang gumamit ng pabangong iyon!

                Hindi ang kung sinong babae lang!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status