Lihim na kinalkal ni Kryzell ang silid na tinutuluyan nila ni Kaizer. Gusto n'yang makilala ang asawa. Wala kasi siyang ibang alam kun'di mafia boss ito at kaibigan ng daddy n'ya. Bukod doon ay blangko talaga siya sa pagkatao ni Kaizer Gerzon.
"May hinahanap ka ba?" tanong ni Kaizer ng madatnan siya nitong naghahalughog sa cabinet.
Napalunok ng laway n'ya si Kryzell. Napatayo rin siya ng tuwid habang nakatingin sa nakataas na mga kilay ng asawa n'ya.
"Uhm, ano… kasi… Paano ba ito?" tanong ni Kryzell sa sarili. "Naghahanap ako ng picture ng family mo."
Dumilim ng mukha ni Kaizer. Hindi ito nakakilos sa kinatatayuan niti. Matagal bago nahamig ng lalaki ang sarili saka umupo sa couch.
"Hali ka nga rito," tawag ni Kaizer sa asawa n'ya. "Bakit mo naman ako hinahanapan ng pictures ng p
"Sobrang seloso naman ng lalaking ito," wika ni Kryzell habang katabi sa sasakyan ang asawa n'ya. Bulong-bulong ang babae dahil binantaan siya kaagad ni Kaizer ng makita nitong nag-uusap sila ni Sean.Walang imik naman ang lalaki kahit pinaririinggan n'ya na. Diretso lang ang tingin nito at halos hindi sulyapan ang asawa n'yang panay ang salita."Hindi mo ba ako kakausapin? Ex ko iyon, natural na mag-usap kami," sabi ni Kryzell."Nagpakilala ka na ba sa kan'ya?" singhal ni Kaizer sa asawa n'ya."Hindi. Bakit ka ba kasi nagagalit?""Nagseselos ako! Okay na ba? Nasagot ko na ang tanong mo. You are mine! Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa 'yo? Hindi ka pwedeng makipag-usap kahit kanino!""Aba! Eh, 'di sana ikinulong mo na lang ako!" sigaw ni
Dahil sa palaging pagsunod-sunod ni Sean kay Kryzell ay napilitan nang lumipat ng condo ang huli. Natatakot kasi siyang malaman ng dating kasintahan ang sikreto n'ya. Hindi pa siya handang makilala nito.Ang selosan at tampuhan ng mag-asawa ay hindi rin matapos-tapos. Daig pa nila ang mga bata na mag-aaway at mamaya ay magkakabati rin."Boss, mukhang napapanot na ang buhok mo," biro ni Mer sa mafia boss."Nakakalagas pala ng buhok ang pag-aasawa," sagot ni Kaizer."Nag-away na naman ba kayo?""Oo. Magsusumbong na naman iyon kay Tamara o Tracy," himutok ni Kaizer. "Nagpadala kasi ang stepmother n'ya ng mga pagkain para sa akin at siya pa ang pinaghanda.""Kinain n'yo na ba, boss?""Hindi pa. Baka mamaya nilagyan iyon ni Kryzell ng la
Halos isang linggo na hindi pumasok si Kryzell sa opisina ni Hilda. Nang makita siya nito ay tumaas agad ang kilay ng babae sabay tingin sa kan'ya mula ulo hanggang paa. "Looking at you right now, I can say na hindi ka nagkaroon ng sakit. Umarte ka lang siguro para lumandi," walang preno na sabi ni Hilda. "Ma'am, if that is your judgement, so be it. I will not correct it nor defend myself. You're my boss after all," nakayukong sabi ni Kryzell. Kumukulo ang dugo n'ya pero hindi pa siya pwedeng umalis sa kan'yang kunwaring trabaho dahil wala pa siyang masyadong nakukuhang ebidensya tungkol sa pagpatay ni Hilda sa mga magulang n'ya. Ang tanging alam ni Kryzell ay isa si Hilda sa mga miyembro ng Triangulo Mafia Group. Hindi lang iyon, ang babae ang lider ng mga ito. Isang bagay na hindi n'ya masabi kay Kaizer dahil baka magkaroon ng gulo at muling masaktan ang kaniyang asa
Sa bahay ay walang imik si Kryzell. Hindi n'ya alam kung paano sasabihin kay Kaizer ang tungkol sa natuklasan n'yang ilegal na gawain ni Hilda. Napapatanong na rin siya sa kan'yang sarili kung may halaga pa ba ang paghahanap n'ya ng katarungan para sa kan'yang mga magulang. Habang tumatagal kasi ay nadadagdagan ang kan'yang alam at napapatunayan n'ya lang na hindi basta-basta ang binabangga n'ya.Hindi rin kumikibo si Kaizer. Mula Cavite ay nakasunod siya sa sasakyan ni Sean habang nasa loob noon ang kan'yang asawa. Panay ang mura n'ya habang tumatagal sila sa traffic kanina at kung pwede lang, hinila n'ya na palabas ng sasakyan na iyon si Kryzell. Kung ano-ano na kasi ang pumapasok sa isip n'ya na maaaring ginagawa ng dating magkasintahan.Dahil sa labis na selos ay hindi s'ya nakapag-isip ng tama kanina. Hindi n'ya nga nagawang i-text si Kryzell at sabihan itong bumaba sa sasakyan.Sa minibar ng bahay
Nakahinga ng maluwag si Kryzell nang biglang dumating si Isabel. Dahan-dahan niyang nilagay sa drawer ng lamesa ng daddy n'ya ang paboritong libro ng ama."Search her body!" utos ni Hilda kay Isabel. "She's stealing something.""Ano naman ang nanakawin n'ya rito? Eh, puro mga libro lang naman ang nandito, ma'am," sagot ni Isabel sa Ate Hilda n'ya. Napaismid si Kryzell. Wala pa rin pagbabago ang magkapatid. Ang galing pa rin magpanggap. Hindi talaga mahahalata na magkapatid sila kung titingnan silang dalawa habang nag-uusap.Lumakad si Kryzell palapit kay Isabel na noon ay pumasok na ng library. Ngumiti siya rito na para bang close na sila."Sige na, Isabel. Kapkapan mo na ako. Mabuti nang makita ni Ma'am Hilda na wala akong itinatago," sabi ni Kryzell. "Gusto ko lang talagang magbasa kasi hindi ako makatulog. Naghahanap pa nga lang ako ng magandang mababasa."
Matagal bago nakuha ng isip ni Kaizer ang sinabi ng asawa n'ya. Si Kryzell ay natahimik din. Hindi n'ya akalain na lalabas iyon sa kan'yang bibig at lalong hindi n'ya maubos maisip kung paano n'ya iyong nasabi.Matagal na nakatitig lang ang gwapong mafia boss sa kan'yang asawa. Ilang saglit pa ay unti-unting gumuhit sa mga labi n'ya ang isang pilyong ngiti."Mahal mo ako? Mahal mo na ako? Yes! You're now in love with me!"Kusang tumumba si Kaizer sa kama at nadaganan siya ng yakap-yakap n'yang asawa. Hindi n'ya maalis ang kan'yang mga mata sa magandang mukha ni Kryzell na nakangiti lang naman.Paulit-ulit na ninanakawan ni Kaizer ng munting halik ang kan'yang asawa. Walang kahit anong salita ang maririnig sa kanila pero nagkakaunawan silang dalawa.Ilang sandali pa ay nakaisip ng kapilyuhan si Kaizer. Biglang dumami ang nararamdaman n'ya kahit ang to
Matalim ang mga mata ni Kryzell habang nakatingin sa kan'yang asawa. Hindi n'ya kasi tinigilan ang mafia boss hanggang hindi nito sinabi ang totoo kung bakit mas nenerbyos pa ito nang malaman nitong alam na ni Hilda kung nasaan ang pamilya n'ya."Kailan mo ba sila itinago?" Taas-kilay na tanong ni Kryzell sa lalaking pilit siyang niyayakap."Noong nasa Aklan pa tayo. Gusto ko lang talagang makatulong. Hindi ko naman gustong itago sila sa 'yo. Ayaw ko lang na mawala ka sa focus," katwiran ni Kaizer.Umupo si Kryzell sa kama. Lumuhod naman sa harapan n'ya si Kaizer. Nagmamakaawa ang mukha ng huli.Kung anu-ano ang pumasok sa isipan ni Kryzell. Hindi n'ya akalain na may inililihim pala sa kan'ya ang asawa. Isang bagay na mahalaga sa kan'ya."Tell me, Kaizer, may mga itinatago ka pa ba sa akin?" tanong ni Kryzell.
Makalipas ang apat na araw, halos hindi pa rin makapaniwala si Kryzell na kasama n'ya na ulit ang kinilala n'yang pamilya. Masaya siyang gumigising at natutulog sa gabi kahit na sa kan'yang puso ay naroon pa rin ang matinding kagustuhan na mabawi mula kay Hilda ang kayamanan ng Torquero.Si Kaizer naman ay tila alanganin sa sitwasyon niya at ng pamilya ni Kryzell. Kahit siya ang may-ari ng isla ay hindi siya makakilos ngayon na tulad ng dati. Hindi n'ya maipakita ang tapang na meron siya dahil gusto n'yang makuha rin ang puso ng pamilya ng asawa n'ya."Mafia boss pala ang asawa mo." Natatakot na sabi ng ina ni Kryzell."Opo, 'nay. Pero mabait po siya. Mukha lang siyang nakakatakot sa paningin ng iba pero kapag nakilala n'yo na po siya, gugustuhin n'yo na siyang maging manugang," wika ni Kryzell."Wala akong pakialam kung boss pa siya ng kumpanya. Ang akin lang, ayaw kong sasaktan n'