Share

Chapter 32

KEYLA

Halos magdadalawang buwan na simula nang ipagtabuyan ko si Thaigo paalis. Masakit sa akin ang ginawa kong desisyon pero yun lang ang tanging paraan para makalimutan namin ang isa’t-isa. Hindi kami pwede dahil sa maraming dahilan. At isa na doon ay dahil hindi niya sinabi sa akin ang totoo na isa siyang mafia at kapatid siya ng lalaking pinatay ng kapatid ko.

Magkaiba kami ng mundong ginagalawan. At hindi kami maaring magsama sa iisang bubong. May mga panahon na labis akong nananabik sa kanya. Ilang beses ko siyang gustong puntahan pero naduduwag akong sumugal sa maling pag-ibig. Naibigay ko na sa kanya ang lahat at nasisiguro kong pareho lang kaming magdurusa kapag pinagpatuloy namin ang aming pagmamahalan.

Pero hindi ko nararamdaman sa aking pamilya ang pagtutol. Pakiramdam ko hinahayaan nila akong magdesisyon sa kung ano ang tama sa mali. Kaya lalong bumigat para sa akin ang lahat. Kinailangan ko na lumayo at pansamantalang mamalagi dito sa Cristal de Galio sa isla kung saan k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status