SEBASTIAN “Ikaw?!” Bulalas ng babaeng sapilitan kong ipinadukot upang dalhin dito sa isang rest house namin. “Mabuti naman naalala mo pa ako? Hindi ako makapaniwalang nahirapan ang mga tauhan kong dalhin ka dito. Totoo ngang magaling ka sa martial arts dahil bukod sa black-eye bali-bali pa ang mga buto nila.” Naiiling na sabi ko sa kanya. Tumayo siya sa kama at akmang susuntukin ako ngunit mabilis kong nahawakan ang mga kamay niya at inikot ko ang kanyang katawan at hinawakan ko siya ng mahigpit. Nasa likuran niya ako at mahigpit kong hawak ang mga kamay niya. Nakapaikot sa beywang niya ang braso ko. “Manyak ka talaga! Bitawan mo ako! Kung ano man ang balak mo sa akin. Wala kang mahihita sa akin! Hindi ako anak mayaman at kapag nakawala ako dito lagot ka sa tatay ko!” Singhal niya sa akin habang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ko. “Hindi pera ang dahilan kaya kita dinala dito. Binasted mo ako remember? Ayoko nang pinaghihirapan makuha ang isang bagay kaya kung ayaw mo ng santo
KEYLANarito ako ngayon sa itaas ng stage nakasuot ng kapirasong saplot sa katawan at natatakpan lang ng kulot at burgundy color kong buhok ang aking dibdib. Tanging kapirasong string bikini lang ang suot ko sa panloob at kulay pulang lace ang suot kong gown habang natatapatan ako ng kulay pulang ilaw. Daig ko pa ang ruby stone na kumikinang sa mga mata ng kalalakihan na naririto sa isang malawak na auction hall kung saan ay illegal silang nagbebenta ng laman. Mga sariwang laman ng berhen na babaeng binibenta nila na parang sariwang isda sa merkado. Ngunit hindi lang ito basta bentahan ng mga berhen na babae. Dahil milyones ang nilalabas ng mga lalaking ito para lang makakuha ng bata at sariwa na pwede nilang gawing sex-slave, kabit, asawa o kahit ano pa man na gusto nila.“Keyla? Are you ready sister?” Tanong ni Nara. Naririnig ko ang malakas niyang boses sa earpiece na suot ko. Sinadya ‘kong ipadukot ang aking sarili upang mapagtagumpayan ang aming misyon ni Nara ang kakambal ko. Sa
THIAGOKasalukuyan akong nakaharap sa salamin at tanaw mula rito ang nagki-kislapang ilaw sa labas ng Mirage Hotel&Casino dito sa Las Vegas. Kinailangan ko kasing makipagkita sa isangmahalagang tao para sa aking negosyo. Tumunog ang phone ko at rumihistro angnumero ni Harvey kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya.“Nahanap mo na ba ang babaeng matagal ko nang pinapahanap sa’yo?” Tanong ko sa kanya.“Yes, Thiago.” Nakaramdam ako ng excitement dahil sa sagot niya at sa sasabihin pa niyang impormasyon tungkol sa babaeng yun.“Pero nagtataka naman ako sa’yo. Kailan ka pa nagka-interesado sa babaeng nagpapatuka ng mga ibon at manok? Nagpapakain ng mga damo sa mga hayop, nangangabayo sa malawak nilang hacienda. At bakit mo siya pinapahanap?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking labi.“Hindi mo na kailangang malaman, Harvey. Huwag mong i-aalis ang tingin mo sa kanya. Siguraduhin mong sa pagbalik ko ay alam ko parin kung saan ko siya makikita.” Utos ko sa kanya. Siya
THIAGOKakagising ko palang ay hinarap ko na ang ilang papeles na hindi ko pa napi-pirmahan sa nakalipas na ilang araw ko sa Las Vegas. Lumapit si Harvey sa akin na may dalang itim na envelop.“Thiago, dadalo ka ba sa inihandang pagdiriwang ni Mr. Fang sa Casino Imperial?” Tinigil ko ang pagpirma ng mga dokumento at kinuha ang itim na envelop na inabot niya sa akin.“At ano naman ang gagawin natin doon? Alam kong isa si Mr. Fang ang humahadlang sa mga transactions ko sa black market. Kunwari pa siyang gusto akong maging kaibigan. Pero ang totoo, hinaharang niya ang lahat ng mga negosyante na balak lumapit sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nasa ikatlong rank na siya. Pati nga si Xandro na nasa ikaapat na rank ay nagawa niyang ungusan at kunin ang loyalty ng mga tagasunod nito.”Kinuha ko ang nilalaman ng imbitasyon at binasa ‘to.“Bukas na ng gabi yan. Mas maganda kung pupunta tayo. Wag mong problemahin si Mr. Fang kahit naman mas umangat na siya ngayon ay mas kilala ka p
THIAGOHindi ako makapaniwala na makikita ko siya ngayong gabi. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap ay dito ko pa sa Casino Imperial matatagpuan. Pero malaking katanungan sa akin kung bakit siya naririto. Kung tama ang hinala ko na alagad siya ng batas ay mali atang narito siya sa pagtitipon ng mga taong illegal ang ginagawa.Lahat ng kilos ni Keyla ay mataman kong sinusundan masama ang kutob na may magaganap ngayong gabi kagaya ng nangyari sa auction. Kapag totoo ang hinala ko siguradong nandito sa party ang kanyang target. Naagaw ng atensyon ko ang pagsunod ng tingin niya kay Mr. Fang. Tinapik ako ni Harvey kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.“Anong gagawin mo?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Pareho kaming dalawa na bumalik ang tingin sa kanya. Kung kanina ay binata ang kausap niya ngayon ay matandang lalaki naman. Mukhang hindi lang ako ang nakakakuha ng atensyon niya. Nakatalikod ito sa gawi namin at ilang dipa ang layo namin sa kanya. Pero alam kong masaya ang usapan nil
KEYLAIdidilat ko na sana ang mga mata ko nang may marinig akong pamilyar na boses na nag-uusap malapit sa akin. Mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko akalain na magagaling din pala ang mga tauhan ng Mr. Fang na yun. Kung hindi ako nakailag ay siguradong napuruhan ako. Involved si Mr. Fang sa illegal business like drugs and human trafficking. Ibinibenta niya ang mga babae na makukuha nila sa mga parokyano niyang yakuza. At sa Casino umiikot ang kanyang negosyo. Isa siya sa high profile na matagal nang binabantayan ng TAJSO. Sinigurado ‘kong nagawa ko ng maayos ang aking ikatlong misyon ngayon taon. Anim na buwan pa lamang mula nang maging isa akong agent na kasapi ng Trial and Justice Secret Organization or (TAJSO). Kasama ko ang aking kakambal na si Nara. Sa ngayon ay nasa labas siya ng bansa dahil may sarili din siyang misyon. Ang mga magulang namin ay myembro din ng isang undercover organization pero nagretero na si Mommy dahil ayaw na ni Daddy na pumasok pa siya sa delikad
THIAGOPagkalabas ko ng kwarto ay nagtatakang mukha ni Harvey ang sumalubong sa akin.“May nangyari ba? Nabawasan kasi ng isang linya ang wrinkles mo don’t tell me naka-score ka agad kay Miss K?” Nakangising sabi niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakasunod siya sa akin hangang makababa na ako sa sala at umupo ako sa malaking sofa.Pina-tingnan ko muna si Keyla kay Doctor Alvin. Para malaman ko kung okay na ba siya at kung pwede na siyang kumain. Narito kami sa mansyon ko, malayo ito sa city at nasa tagong bahagi pa ito ng mataas na bundok. Kaya bangin na ang likuran nito. Para makarating dito ay kinakailangan pang sumakay ng helicopter. Pinasadya ko ang ganito kalayong palasyo para walang ibang makapunta dito. Wala din ibang nagtatangka na pumunta dito dahil bukod sa kontrolado ko ang buong lugar ay heavily guarded din ang lugar na ito. Hindi lang nagkalat ang mga tauhan ko sa labas. Nagkalat din ang mga Doberman pinscher sa nasasakupan ng l
KEYLANagising ang diwa ko dahil may naramdaman akong humihila ng laylayan ng damit ko sa hita. Hinanda ko na ang aking sarili na sugurin ang sira ulong humihipo sa hita sa akin. Sisipain ko na sana siya pero pagdilat ko ay ang guwapong mukha niya ang bumungad sa akin. Naka-loose pajama siya at fitted na gray t-shirt, hawak niya ang laylayan ng damit ko. Nagulat din siguro siya dahil yun ang nakita ko sa mukha niya.“Anong ginagawa mo?” Napa-upo ako at napa-atras sa headboard ng kama.“Ah, eh wala akong balak gawin sa’yo. Inaayos ko lang ang damit mo dahil baka pumasok si Doctor Alvin dito makita itong makinis at maputi mong hita.” Kunot noo niyang sabi sa’kin. Hinila ko ang kumot at itinakip ko sa aking hita pababa. Malikot talaga ako matulog kaya dapat palagi akong naka pajama ang problema itong malambot at mahabang damit ang binigay sa akin. Kapag tinangka kong lumakad sa gabi sa labas mapagkakamalan na akong white lady.“Eh ano naman kung makita niya? Doctor siya at walang malisya