Share

Chapter 41

CASSY

Nagkasalubong kaming dalawa ni Sir Zach sa ikalawang palapag ng mansion nila. Pababa na ako samantalang siya ay kakaakyat pa lang. Nakabihis siya at mukhang kauuwi lang niya kung saan man nga siya pumunta. Tumigil kaming dalawa sa paglalakad. Nginitian niya ako at nginitian ko nga rin siya pabalik. Masama naman na nginitian niya ako tapos ako ay sisimangutan ko lang siya.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Sir Zach at bumilis muli ang tibok ng puso ko pagkakakita sa guwapong mukha niya. Hindi na naman mapakali ang puso ko sa harapan niya.

"Kumusta ka sa pagtatrabaho mo maghapon, Cassy?" mahinang tanong niya sa akin.

"Okay naman po, Sir Zach..." sabi ko sa kanya.

"Talaga ba, huh?" tanong pa nga niya sa akin bilang paninigurado.

Tinanguan ko naman nga siya at nagsalita, "Opo, Sir Zach. Okay lang po ako."

"Wala ka bang nararamdaman na kung ano, huh?" tanong niya sa akin. Ano ba ang ibig sabihin niya sa tanong niyang 'yon sa akin na wala ba akong nararamdaman? Hindi ko maintidihan kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status