Share

Kabanata 5

Nakangiting sumisimsim ng alak si Giovanni habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nasa harapan niyang nakaupo rin sina Luigi at Arturo na kapwa rin may ngiti sa mga labi.

"You had them ambushed, but you're not that lucky because someone actually helped them," basag ni Arturo sa tanging mga ngiting pumupuno sa silid na iyon.

"Patience, Consigliere... Kung sino man ang tumulong sa kanila, he do knows what he's doing," kalmadong sagot ni Giovanni.

"Baka nga magamit pa natin ang taong iyon na tumulong kay Lucca," saad naman ni Luigi.

"I hate to admit it... But, Lucca is really a lucky guy. Nakatakda ng mamatay pero nakaligtas pa. Pero may isang bagay lang akong hindi maintindihan sa pag-ambush mo sa kanila," may buntonghiningang wika ni Arturo.

"And what is it?" tanong ni Giovanni bago sumimsim sa kaniyang baso. Katulad ng dati, kapag kaharap si Arturo ay suot niya ang kaniyang maskara kaya hindi kita ng lalaki ang kaniyang tunay na emosyon habang nagsasalita.

"Bakit kailangan mong ipag-utos na patayin din si Daria? She's just a nobody. Wala siyang kinalaman sa kung anong kasamaan mayroon ang mga Baldini," pahayag ni Arturo.

"She too has a fault. At huwag kang gumaya kay Lucca na pinahina ng isang babae," seryoso namang pahayag ni Giovanni.

"Fault? At anong kasalanan niya na hindi ko alam?" bahagyang tumaas ang isang kilay ni Arturo, tila ba sinasabi nitong mas marami siyang alam tungkol kay Lucca kaysa kay Giovanni. Kasama na nga roon ang tungkol kay Daria.

Ibinaba muna ni Giovanni ang baso sa mesa at gamit ang hintuturo ay pinaikot niya ang yelong nakalagay sa iniinom na alak. "She's Lucca's girl. If only she's just his woman, hindi siya madadamay," anito.

"Hindi ka puwedeng gumanti ng kasamaan sa isang kasamaan... Iyan din ang tatalo sa iyo, tandaan mo iyan," bahagya pang idinukwang ni Arturo ang ulo palapit kay Giovanni.

But Giovanni chuckled and clapped his hands. "I'm starting to like your advices, Consigliere," saad nito na sumandal pa sa kaniyang swivel chair.

"Arturo, alam ng boss natin ang kaniyang ginagawa," pagsingit naman ni Luigi na pinakikinggan lang ang salitaan ng dalawa.

"No, not all the time. Dahil kung totoo ang sinasabi mo, he didn't have to hire me. And you know that," pagtawa rin ni Arturo bago ito tumayo.

"Where are you going?" may pagtatakang tanong ni Luigi.

Arturo tapped Luigi's right shoulder saying, "I think I've had enough drink. I just want to rest for now. Sabihan niyo na lang ako sa susunod na plano."

Tututol pa sana si Luigi ngunit nagsalita si Giovanni. "Let him rest for now, Luigi."

"Thank you. At huwag mong kakalimutan ang sinabi ko kanina. Huwag na huwag kang magiging mas masama kaysa sa iyong kalaban dahil baka mauna ka pang maipadala sa impiyerno kaysa sa kaniya," huling turan ni Arturo bago ito tuluyang lumabas sa silid na iyon.

"He's overreacting," pag-iling ni Luigi.

"Bata ka pa, Luigi, para maintindihan ang mga katulad niya," wika lamang ni Giovanni bago nito tanggalin ang maskara sa mukha.

Mabilis namang tumayo si Luigi para i-lock ang pinto. Parte iyon ng pag-iingat upang hindi madatnan o magkaroon ng pagkakataon si Arturo na makita ang mukha ni Giovanni.

"So, what now? Sa tingin mo ba ay ipapatawag ka ni Lucca?" medyo mahinang tanong ni Luigi.

Ngumisi si Giovanni at saka nito pinagsalikop ang mga palad.

"You're so sure..." natatawa na lamang na bigkas ni Luigi.

"I didn't risk my men without making sure that he'll call me one of these days..." seryosong saad ni Giovanni.

*****

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Lucca at ang pamilyar na kisame ang bumungad sa kaniya. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap ng mga mata si Daria hindi katulad ng mga pasyenteng bagong dilat na nagmumuni-muni muna upang maalala ang mga huling nangyari.

"Lucca!" masaya namang niyakap ni Daria si Lucca nang makitang gising na ito.

"I'm so glad you're okay..." parang nabunutan ng tinik na saad ni Lucca haban mahigpit ding yakap si Daria.

"Kuya Lucca, let me find who did this to you and I promise—"

"Stop it, Carlo. Wala kaming nakilala sa kahit na sino sa kanila," dahan-dahang kumalas si Lucca mula sa pagkakayakap kay Daria. Inalalayan naman siya ni Daria na makasandal sa headboard ng kama upang makaupo nang ayos.

Nasa Baldini Mansion na ang mga ito at doon na nga ginamot ang ilang galos o sugat ni Lucca. Mayroon na talagang doktor na nakatalaga sa mansiyon na iyon upang ano mang oras na kailanganin ay nandoon lamang ito.

"Pero sino ang gagawa nito sa atin, Kuya Lucca? Ang tagal ng walang gumagalaw sa atin kaya wala akong maisip na gagawa nito. Unless, may ibang dahilan ang mga gumawa nito sa 'yo," konklusyon ni Carlo.

Tumalim naman ang tingin ni Lucca kay Carlo. "Kanina ang sabi mo sa akin ay hahanapin mo ang mga gumawa nito sa akin. Tapos ngayon, sasabihin mong wala kang maisip na gagawa nito? Are you fu*king kidding me, Carlo?" nanatili ang nakakatakot na awra ni Lucca ng mga sandaling iyon.

"This is not the time for both of you to fight like this," tumayo naman mula sa pagkakaupo si David na nakikinig lang sa kanila kanina pa. May benda ang kanang kamay nito at mayroon din sa noo nito.

"Kung sino man ang may gawa nito, siguradong pinagplanuhang mabuti. Alam na alam nila kung saan tayo madalas dumadaan. At sadyang may mga inutil akong tauhan na wala man lang nakapansin sa mga nagdaang araw na may nagmamanman na pala sa akin," Lucca gritted his teeth, an extreme anger can be seen all over his face.

"Don't just throw this to us, Lucca... No one had seen it coming, so what? Are we gonna rely on our feelings now instead of planning what to do?" saad naman ni David na may kasamang kibit-balikat.

"What happened there? May tumulong ba sa atin?" pagkuwa'y tanong ni Lucca nang maalala ang truck na huli niyang nakita bago siya panawan ng ulirat.

"Well—"

"If you're going to ask me, hindi ko pagkakatiwalaan kung sino man iyon. Baka kasabwat talaga siya at—"

"That's why I'm not going to ask you dahil alam kong hindi ka makakatulong sa mga katanungan ko. Isa pa ay wala ka roon kaya wala kang alam. And you must thank me na hindi kita isinama nang araw na iyon," pagputol ni Lucca sa pagsingit muli ni Carlo sa usapan nila ni David.

Tahimik namang nakikinig lang si Daria sa tabi ni Lucca. Ni hindi niya rin tinatapunan ng tingin si Carlo lalo na at alam niyang nagkakainitan lang na naman ito at si Lucca.

"He's just a truck driver. Nagkataong doon ang daan niya nang araw na iyon and he did not hesitated to help," wika ni David.

"That's what I'm talking about. Ni hindi siya natakot sa nakita niya? May mga baril sila at basta na lang siyang sumulpot doon para tulungan kayo? Aren't you suspicious about it?" malakas na sabi ni Carlo kay David.

"Relax, Carlo... Pinaimbestigahan ko na siya. And there's nothing to worry," sagot naman ni David kay Carlo.

"Wait... Gaano ba ako katagal na walang malay at parang ang dami ng nangyari?" kunot-noong tanong ni Lucca.

"Kahapon lang, Lucca... Almost twenty-four hours ka lang na walang malay," si Daria ang sumagot at bahagya pa nitong pinisil ang palad ni Lucca habang nakangiti rito.

Makikita naman ang pagkainis sa mukha ni Carlo habang pinagmamasdan ang dalawa. Nakita naman iyon ni David at umiling ito kay Carlo na tila ba sinasabing itigil nito ang ipinapakitang ekspresyon.

"His name is Gio Ricci, anak nina Maria at Carlo Ricci," pagkukuwento ni David na bahagya pang natawa at tumingin kay Carlo dahil nga kapangalan ito.

"And?" tinaasan lang ni Carlo ng kilay si David at tila sinasabing ipagpatuloy lang nito ang pagsasalita.

"Si Maria ay nagtatrabaho sa isang maliit na grocery store at si Carlo naman ay nasa bahay lang nakaupo sa kaniyang wheelchair," pagpapatuloy ni David.

"He's from a poor family?" paniniyak ni Lucca.

Tumango si David bago muling nagpatuloy. "Gio Ricci, limang taon ng truck driver sa isang warehouse. Hindi mo pagdududahan kung bakit napadaan siya kung nasaan tayo kahapon dahil ruta niya talaga iyon," bahagya pa nitong tinapunan ng tingin si Carlo.

"At paano mo ipapaliwanag ang katapangang ipinakita niya kahapon? There were men with their guns, and he did not hesitated to help you guys," hindi pa rin kumbinsidong tanong ni Carlo.

"Why do I have this feeling na parang hindi ka sang-ayon na may tumulong sa amin kahapon, Carlo?" walang emosyong tinapunan ng tingin ni Lucca si Carlo.

"T-that's not what I mean, Kuya Lucca," depensa kaagad ni Carlo.

"Then you better shut up because I want to listen to what David has to say," nandidilat ang mga matang ani Lucca.

Napahinga naman nang malalim si David habang napapailing-iling.

"Continue," baling na ni Lucca kay David.

"Bago pa sagasaan ni Gio iyong mga lalaking may hawak sa atin kahapon ay nakatawag na siya sa mga pulis. Hindi rin siya natakot na gawin iyon dahil nasa truck nga siya at kita niya na hindi na ganoon kadami ang mga kalaban. Because Lucca, killed some of them already. And in my opinion, sadyang malakas lang ang loob at matapang talaga iyong tao," mahabang saad ni David.

"May nabuhay ba na puwedeng hilahin ang dila?" tiim-bagang na tanong ni Lucca.

"You made it sure that they'll be dead, Lucca... Kung hindi sa dibdib ay sa ulo mo tinamaan ang mga pinagbabaril mo kahapon. At ang iba ay nagsitakasan na nang dumating ang truck dahil kasunod niyon ay narinig na rin nila ang pagdating ng mga pulis," mahinahong sagot ni David.

"Then they deserve it," sumandal ng muli si Lucca sa headboard ng kama at saka kinuha ang isang palad ni Daria at ipinatong sa kaniyang tiyan.

"What do you want me to do?" tanong ni David.

Tila nag-isip muna nang mabuti si Lucca bago sumagot, "Bring the man to me... I want to repay his kindness..."

Napailing na lamang si Carlo sa narinig at walang paalam na itong lumabas sa silid ni Lucca.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status