"Nakaalis na ba si Alyssa, Dave?" Bungad na tanong ni First Young Master Kyle sa kapatid ng makita niya itong papasok ng conference room. "Yes, Kuya Kyle. She's with Jaycee. Ayaw pa nga sanang umalis. Buti na lang tumawag ang staff ng studio. Kailangan daw nila ang presence ni Alyssa. Kaya 'yun napilitang umalis." "Buti na lang pala. Hirap pa namang umisip ng puwedeng idahilan kay Alyssa." Pabuntong-hiningang sabi ni Second Young Master Xander habang umiinom ng orange juice. "Sinabi mo pa, Kuya Xander." Sumasang-ayong sabi ni Third Young Master Dave. "Kaya nga, dapat maayos na natin ito as soon as possible. We all know that Alyssa grow independently. Kaya paniguradong hindi siya hihingi ng tulong sa isa man sa ating tatlo. She will definitely solve this problem on her own." Sabi ni First Young Master Kyle sa mga kapatid. "You're right, bro. Base sa ilang araw na nakasama ko s'ya sa isla, masasabi kong maabilidad ang kapatid n'yo. Kayang-kaya n'yang i-solve ang problemang ito eve
"Simon, kindly inform everyone that we will be having an urgent meeting today. I'll be there in five minutes." "Yes, Master." After that phone call, minaniobra ni Mark ang kanyang kotse palabas ng parking area ng shooting range at mabilis itong pinatakbo. Within five minutes narating na niya ang kanyang destinasyon. Ang Le Grande Hotel & Resort. "Good afternoon, Master." Bati sa kanya ni Simon. "Good afternoon." Ganting bati ni Mark dito. "Nasa conference room na po silang lahat, Master." "Okay." Nagtungo si Mark sa conference room kasunod si Simon. "Good afternoon, Master Clyde." Bungad na pagbati kay Mark nang mga tao sa conference room. "Good afternoon, everyone." Ganting bati ni Mark sa mga executives ng Le Grande. "Shall we start?" "Yes, Master." Meanwhile... "Young Miss, here are the documents that needs your approval and signature." Sabi ng secretary ni Alyssa na si Grace. Inilapag nito sa kanyang mesa ang mga naturang dokumento. "Okay, Grace. Thank you." "Is the
Habang abala ang lahat sa rehearsal, isang modelo ang bigla na lang nag-walkout. "Nakakainis." Padabog itong sumakay sa nakaparadang luxury car sa parking area ng Le Grande. "Lagi na lang siya ang bida." "Bakit ba mainit na naman ang ulo mo?" Tanong ng isa pang babae na nasa loob rin ng kotse. "Or should I say sino ang nagpainit ng ulo mo?" "Sino pa ba sa tingin mo?" Galit nitong sabi. "Di si Alyssa lang naman." Mataas ang boses na sabi nito. "Marcus, simulan mo na ang plano natin." Biglang baling nito sa lalaking nakaupo sa driver's seat. "Siguraduhin mong hindi makakarating si Alyssa sa Globe Fashion Week." "Yes, boss." Kaagad na sagot ng lalaki na tinawag na Marcus. "I want her dead." Seryosong sabi muli ng babae. "By the way, friend, tapos na ba ang rehearsal n'yo?" Pag-iibang tanong ng kasama nitong babae. "Hindi pa. Nagdahilan lang ako kay Perry na sumama ang pakiramdam ko." Sagot nito habang inaayos ang dalang Louis Vuitton bag. "Let's go somewhere else. Marcus, same place
"Alyssa..." Mabilis na tumakbo si Mark patungo sa washroom. Nakaramdam kasi siya ng kaba. Sampung minuto na kasi ang lumipas magmula nang magpaalam si Alyssa na pupunta sa washroom. Pagdating niya roon kaagad niyang pinihit ang door knob ngunit ito ay nakalock. Walang pagdadalawang isip na bumuwelo siya ng kaunti at malakas na sinipa ang pinto. "Alyssa..." Bungad na sabi ni Mark nang mabuksan nito ang pinto. Nabungaran niya si Alyssa na nakikipagbuno sa isang tao na nakasuot ng hood. Parehong napalingon ang dalawa sa kanyang direksyon. Kaagad namang sinamantala nang katungali ni Alyssa ang pagkakataon na iyon. Mabilis nitong nadampot ang patalim na kanina ay sinipa ni Alyssa papalayo. Pagkatapos ay iniumang nito ang patalim sa tagiliran ni Alyssa. "Don't try to move..." Bulong pa nito sa natigilang si Alyssa. "Or else you will die." Natigilan rin si Mark sa pagkilos nang marinig niya ang tinuran ng nakahood. Ayaw niyang mapahamak si Alyssa. Mayamaya pa napansin niya na may sine
"Don't worry, Kyle. She's fine. I'll send her home once she's done with the checkup." Kasalukuyang kausap ni Mark sa kanyang cell phone si First Young Master Kyle. Sinabi n'ya rito ang nangyaring insidente kay Alyssa kanina. "Yeah. I'll get you informed right away once the interrogation was done." Sabi ni Mark dito. "Okay, bye." Once the phone call ended, Mark immediately returned to the clinic. Isang natutulog na Alyssa ang nabungaran ni Mark pagkapasok n'ya roon. "How is she?" Tanong ni Mark sa nurse habang pinagmamasdan ang dalaga. "All her vital signs are within normal, Master. She doesn't have any bruises or wounds on her body. But I think she's quite exhausted." "Yeah, I thought so, too." Sagot ni Mark. "What would you suggest? A three days rest?" "Yes, Master. A three days rest will help." After that conversation, nagpaalam ang nurse on duty na lalabas muna ng clinic. Mark took his cell phone from his pocket. Then dialed it. After a few minutes of ringing, someone answe
Mabilis na lumipas ang tatlong araw na pahinga ni Alyssa. Sa unang dalawang araw naisipan n'yang subukan ang mga amenities ng Le Grande magmula sa spa & wellness clinic, gym, swimming pool at iba pa. Sinulit talaga n'ya ang unang dalawang araw para doon. At ngayon, sa natitirang huling araw naisipan ni Alyssa na maggardening sa umaga. Matagal na n'ya itong pinaplano ngunit lagi na lang s'yang nagiging busy kaya hindi matuloy-tuloy. Nang sumapit naman ang hapon, naisip naman ni Alyssa na tapusin na ang binabasa n'yang libro. Sa garden n'ya naisipang magbasa. May isang divan kasi doon na magandang pagpuwestuhan. Pagkalipas ng dalawang oras... "Sir Mark..." Bati ni Jaycee sa bagong dating. Tumango lamang si Mark sa pagbati nito. "Si Alyssa?" "Nasa garden po." "May dala akong mga stocks. Ikaw nang bahala sa mga 'yan, Jaycee." "Okay, po." Nagtungo sa garden si Mark. Habang papalapit s'ya, maraming bagong halaman ang kanyang nakita sa paligid. "Ito marahil ang kanyang pinagkaabal
Pagkalabas ng private elevator nina Alyssa at Mark, dumiretso na kaagad sila sa venue ng final rehearsal. "Perry..." Tawag ni Alyssa sa organizer ng event. "Alyssa, my dear." Mabilis na lumapit si Perry kay Alyssa. "How are you?" "I'm fine, Perry." Sagot ni Alyssa habang nakikipagbeso-beso kay Perry. "Kinailangan ko lang magpahinga ng ilang araw." "That's good to hear, my dear." Sabi ni Perry. "Ikaw naman kasi...Hindi ba't sabi ko sa'yo na okay lang kahit hindi ka na magrehearse. Tuloy ganyan pa ang nangyari sa'yo." "Hindi, Perry. Alam mo namang..." "I know...It's against your principle, my dear." Sabi ni Perry habang pinanlalakihan ng mga mata si Alyssa. "Yeah. You know me well." Natatawang sabi ni Alyssa. "Maiba nga tayo, my dear, who's that hunk?" Tanong nito habang nakatingin kay Mark na kasalukuyang may kausap sa cell phone. "That's Mark." "Boyfriend mo??" "Hindi..." Sagot ni Alyssa. "Wala kasi si Jaycee kaya s'ya muna ang kasama ko ngayon." Paliwanag ni Alyssa. "Bestf
Nagmamadaling lumabas ng opisina sina Alyssa at Mark patungong elevator. Pagdating nila sa lobby, natanaw nila kaagad si Laura na nakaupo sa couch. "Ate..." Tawag ni Alyssa dito. "Alyssa..." Mabilis na tumayo si Laura mula sa pagkakaupo. "Bakit po, Ate? Ano po bang nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Alyssa. "Pumunta muna tayo sa ospital. At doon ko sasabihin sa'yo ang buong detalye..." Sabay napatingin si Laura sa likuran ni Alyssa. "Kasama mo pala si Mark." "Opo. Wala kasi si Jaycee kaya si Mark muna ang bodyguard ko ngayong araw." Paliwanag ni Alyssa dito. "Ganun ba. Sige, tayo na sa ospital." Sabi ni Laura at lumakad na ito papalabas ng lobby ng Yssa International. "Sasakyan ko na lang ang gamitin natin." "Ako na ang magdadrive." Mungkahi ni Mark. Sumakay na silang tatlo sa kotse. Katahimikan ang namagitan sa kanila habang papunta sa ospital. Pagdating nila sa ospital, nakaabang na roon si Zari. "Ate Zari??" "Mabuti't narito na kayo." Bungad na sabi ni Zari sa kanilang tat