Share

Kabanata 49

"You're nine weeks pregnant."

Paulit-ulit sa isipan ni Celine ang sinabing iyon ni Doktora Mendoza. Ngayon pa lamang nagsi-sink in sa kanya ang mga katagang iyon matapos siyang lumabas sa clinic nito.

"Anak... s1orry kung nabigla ako sa pagdating1 mo." Bulong ni Celine habang hawak ang kanyang tiyan. "Masaya ako kahit hindi ko ito inaasahan. Huwag kang mag-alala hindi kita pababayaan."

Bumuntong-hininga muna si Celine bago niya pinaandar ang kanyang kotse. Sa kanyang condo muna siya ngayon uuwi. Nais niya kasing mapag-isa. Saka na niya sasabihin kay Erica ang kanyang kalagayan.

Pagdating ni Celine sa kanyang condo ay naupo muna siya sa couch. Nakaramdam siya ng pagod at parang nais niyang matulog. Tumingin siya sa kayang wristwatch. Ayon doon ay mag-aalas tres na ng hapon.

"Anak... umidlip muna tayo." Bulong ni Celine sa kanyang tiyan.

Inalis ni Celine ang kanyang sandals at saka nahiga sa couch. At ilang sandali pa lamang ay nakatulog na siya.

Sa mansyon ng pamilya Araneta...

"Ate Z
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status