Kabababa ko lamang sa tricycle na sinakyan ko papasok sa subdivision kung saan matatagpuan ang malaking tahanan ng mga Fonteverde. Nang ibigay sa drayber ang pamasahe ay kaagad akong dumako sa maliit na gate para mag-doorbell. Hindi ko pa nadiin ang kamay ko sa pulang bilog na pindutan ay bigla nalang bumukas ang malaking gate sa gilid nito. Lumabas ang isang itim at tinted na SUV. Dahil sa pagkabigla ay napatalikod ako. Hindi ko alam kung nakita ako ng kung sinong tao na nasa loob ng sasakyan, pero kahit naka-tinted ang salamin ay sigurado akong si Alas Fonteverde ang nasa loob nito. Nang makalayo na ay saka lang ako humarap at tinanaw ang sasakyan hanggang sa lumiit ito sa aking paningin. Hindi ko akalaing maaabutan ko siyang paalis ng kanilang bahay. Sabado ngayon kaya kahit sabado ay hindi ito nawawalan ng trabaho. Mga kawawang nilalang. Masyadong ginugugol ang sarili sa pagpapayaman.
“Astrid, and’yan
Ava’s P.O.V Kumawala ako mula sa pagkakayakap ko kay Hera. “Do you want to go outside?” I ask her. Gusto ko lang subukang yayain siya ulit kahit alam ko na ang isasagot niya. Napayuko siya. “Do you think daddy will get mad at me when I go outside without his permission?” she asked. Hinawakan ko ang dulo ng kaniyang baba at itinaas ito upang magkasalubong ang aming paningin. Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kami. Nagawa nga rin niyang ngumiti sa akin, ngunit kababakasan naman ng kalungkutan. Ramdam ng bawat ina kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan ng kanilang mga anak kahit hindi ito sinasabi sa kanila. Malinaw sa kilos at sa matang hindi marunong magsinunga
Third Person P.O.V “Kids, excuse me for a while. The principal called me on the faculty. I know I can trust you all. Please be quiet and you are free to do what you want on your chairs,” the kindergarten’s teacher announced to the kids. Hawak-hawak niya ang cellphone kung saan ay nabasa niya ang mensahe ng kanilang Principal “Yes, Teacher!” kids chorus. Nang umalis ang guro ay nagsiingay ang mga bata. Samantalang si Hera ay kinuha ang dalang sketch pad at lapis sa kaniyang bag. Nagsimula na siyang gumihit nang may tatlong batang babae ang lumapit sa kaniya. Napatingala si Hera sa mga ito. Nakahalukipkip ang mga kamay ng mga bata at taas kilay na nakatitig kay Hera. Kahit na ganoon ay nginitian ni Hera ang kaniyang mga kaklase. Alam niyang aawayin na naman
Nang matapos siyang kumain ay hindi ko na pinatagal pa ang dapat kong sabihin. “Son, can mommy talk to you after I wash the dishes?” tanong ko sa kaniya. Hinintay ko ang sagot niya hanggang sa tumango siya ng dalawang beses. “Go to the bathroom first and bathe yourself while mommy washes, okay?” habilin ko sa kaniya. Tumango ulit siya at tahimik na umalis. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Hindi talaga ako sanay na tahimik si Herald. Ito ang palagi kong iniiwasan noon pa man dahil minsan ay mahirap siyang kausapin. Alam kong magseselos siya sa gagawin kong paglapit kay Hera. Kaya noong sisimulan ko pa lang ang plano ay nakapag-isip na ako, kung itutuloy ko ang paglapit sa batang babae ay baka sasamá ang loob sa akin ni Herald at magkakaroon ng komplikasyon
Ava’s P.O.V Halos paliparin ko ang sasakyan patungong paaralan ng aking anak nang tumawag ang principal at sabihing nakipag-away raw si Herald sa kaklase niya. Noong una ay hindi ako makapaniwala. Mahirap itong paniwalaan dahil hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya lalo na at hindi ko siya pinalaki sa ganoong paraan. Nang tuluyan nang maiparada sa parking lot ng campus ang sasakyan ay kaagad din akong lumabas at lakad-takbo patungong Principal's office. Mabuti na lang ay naka-flat shoes ako ngayon kaya hindi mahirap at masakit sa paa. Pagkabukas ng pinto ay kaagad na hinanap ng aking mga mata ang aking anak at kaagad ko ring nakita dahil kaharap lamang siya ng pintuan na aking binuksan. Pero bago iyon ay nahagip na ng paningin ko ang Principal na nakaupo sa kaniyang upuan at ang batang babae na nakatalikod
“E, ano ang tawag sa‘yo? Manggagamit? Manlilinlang? Mga p***! Kilalang-kilala ko na ang mga kilos n’yo!” matigas na ani niya na nagpakulo ng aking dugo. Halos natigalgal ako sa kaniyang mga sinabi. Wala itong preno at kung ano lamang ang haka-haka niya ay siyang paniniwalaan niya. Kaya kahit sinong taong may ipupuna ay ang kaniyang kayabangan dahil wala siyang ibang pinakikinggan kundi ang kaniyang sarili. Wala rin siyang ibang kinikilala kundi ang kaniyang sarili. Kinulang yata ito sa aruga ng kaniyang ina noong bata pa siya. Kaya ito ang naging bunga. Bakit pa tayo lalayo kung sa ama pa lang ay nakikita na ang ebidensya, hindi ba? Totoo ngang kung ano ang puno, siya ang bunga. Natawa ako sa isiping iyon. Hindi ko tuloy napigilang mapangisi sa kaniyang sinabi. May p
Third Person’s P.O.V Masayang sinalubong ng nanny ni Hera na si Manang Olivia, na noon din ay ang nag-alaga kay Alas, nang makita niya ang mag-amang pumasok sa malaking bahay. Hindi niya akalain na magkasama ang mag-ama sa pag-uwi dahil hindi talaga ito nangyayari noon pa man nang magsimulang pumasok sa paaralan ang bata. Ngunit kaagad din itong kumupas nang makita ang kalagayan ng bata. Punong-puno ito ng luha at ngayon ay tahimik na umiiyak. Doon na lamang niya napansin ang seryosong mukha ni Alas na hindi niya napansin. “Ano ang nangyari?” buong pag-aalala niyang tanong. Hindi siya sinagot ni Alas at dirediretso itong tumungo sa hagdanan patungong ikalawang palapag. “Nanny,” pagmamakaawa ni Hera sa kaniyang tagapag-alaga na tulungan siya at kunin sa kamay ng kaniyang ama na ngayon ay tila kinakaladkad siya paitaas. “Ace, ang bata. Bitawan mo! Ace, nasasaktan ang anak mo!” halos magmakaawa na rin si Manang Olivia. Nagsisigaw na rin siya dahi
Third Person P.O.V Halos lahat ay nakapagtago na sa kani-kanilang cubicle nang marinig na naman ang tumataas na boses ng kanilang boss. Uminit na naman kasi ang ulo nito sa isa nilang ka-workmate na palpak ang ginawang trabaho. Kapag ganito ang kanilang boss ay paniguradong kani-kaniya na talaga sila ng tago dahil kung sino ang makita nito’y paniguradong madadamay. “I'm not paying you to give me trash. Even a child can do what you did!” Napapikit na lang ang lahat nang sumigaw ito. Dahil hindi nakasara ang pinto ay rinig na rinig nila ang mga sinasabi nito sa kawawang katrabaho nila. “I’m sorry, Sir. Nagkaroon kasi ng sakit si inay. Wala siyang ibang inaasaha—” “Whatever the rationale is, it won’t compensate for the time wasted. It's not my fault if you had a problem
“Yes, Miss Ava. Natapos na po namin ang bahaging ito at dito. Ngayon po ay tutungo na kami sa fifth floor para sa front side interior,” pagpa-finalize sa akin ng assistant ko sa mga accomplishment nila at pagsabi kung saang bahagi na sila tutungo. “That's good. Nasa bahaging sixth floor ang office ng boss at just tell me kapag nandoon na kayo. I will assist you. Dapat tayong maging maingat sa kombinasyon ng kaniyang office dahil balita ko ay masyadong conservative ito,” pagpapaliwanag ko. “Yes, Miss. Copy.” Pagtango nila. “Sige, simulan n’yo na. Ako na ang bahala sa ibang side at pagsuri ng mga dapat ikukumpuni sa ikatlong palapag.” Naglakad ako patungo sa elevator nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkakuha nito ay nakita ko ang larawan ni Shaelza kaya’t sinagot ko na agad ang tawag niya. “Friend!” Bahagya kong nailayo ang cellphone sa aking tainga nang sumigaw siya sa kabilang linya. “Bakit?” tanong ko at nagsimulang mag