“Salamat po.”
“You’re welcome,” nakangiti at magkasabay na tugon nina Hera at Herald sa batang ulila nang bigyan nila ito ng isang set na gamit pang eskuwela, na may kasamang laruan na naaayon sa kasarian ng bata kung ito ba ay babae o lalaki.
Sunod-sunod na nakapila ang sari-saring mga bata sa kanila na mayroong malawak na ngiti sa kanilang mga labi at hindi na makapaghintay pa na tanggapin ang para sa kanila. Samantala ang mga nakakuha na ay nakaupo na sa kani-kanilang upuan at pinapakita sa kasama ang mga gamit na natanggap nila kahit na pare-pareho lang ay tila ba pinapasikat pa rin nila sa isa’t isa. Nakatutuwang tingnan.
“Marami po talagang salamat, Mr. at Mrs. Fonteverde sa tulong ninyo sa mga bata at sa donasyon po ninyo sa ampunang ito. Malaking bagay po ito sa mga bata.” Pagkuha sa aming atensyon ng Senior Sister na siyang namumuno ng bahay-ampunan na napili ng kambal na lugar pagdarausan para sa kanilang
“Maraming salamat din sa ’yo,” tugon ko.Mula sa malayo ang tingin ay inilipat niya ito sa akin at ngumiti.“You are special to me, Ava. Kaya ingatan mo rin ang sarili mo. Alam kong matapang kang babae at matalino. Kaya alam kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Pero sana minsan turuan mo rin ang sarili mong sumandal sa iba. Hindi ka nag-iisa sa laban.”“Bawasan din ang pagiging kampante sa sarili na kaya mo, minsan matuto ka ring sumuko at tanggihan ang mga bagay na mahirap gawin. Hindi kasi lahat ng bagay ay kaya at kakayanin mo, minsan kaya mo nga pero masakit na.”“Narito naman kasi kami na handa kang tulungan pero binabalewala mo. Pinapamukha mo sa amin na wala kaming silbi para sa ’yo para akuin ang lahat ng pasanin na bitbit mo. Bilang kaibigan, nakatatampo. Pero dahil kinaya po nga, binabati kita. Ngunit sa susunod sana ay kumatok ka na. Ang kaibigan ay hindi lang maaasahan sa purong
Nagulat ako nang mapansin ang pagliwanag ng sahig na kinaaapakan ko. May liwanag na hugis palaso na tila ba nais akong sundan ang guhit na iyon. Pakiramdam ko ay tila ba nasa loob ako ng isang malaking silid na computer-based ang sahig dahil sa biglang paglitaw ng liwanag nito. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino? Sinundan ko ang naturang arrow at tumigil iyon sa isang hugis bilog. Nang tingnan ko ang naturang liwanag ay may mga letra na biglang lumitaw roon. ‘Thank you for making me smile everytime I frown...’ Muli ay lumitaw ang arrow na liwanag sa sahig at tinuro na naman ako sa panibagong daan. Tila wala sa sarili na sinundan ko ang liwanag na iyon at tumigil sa liwanag na tatsulok ang hugis. Gaya ng unang hugis ay may mga letra ring lumabas doon. ‘Thank you for being a strength at my weakest...’ Muli ay lumitaw ang liwanag na arrow at muling gumuhit ang kahabaan niyon sa sahig na sinundan ko naman. Dinala ako niyon sa hugis parisukat na sahig. Muli
Abala ako sa pagguhit dito sa may sala sa aking sketch pad nang pumasok si daddy at mommy sa bahay."Hi, mommy! Hi, daddy!" puno ng kagalakan kong bati sa kanila at tumawa para salubungin sila nang mainit na yakap.Napansin kong parehong balisa at namumutla sina mommy at daddy. Tumatagaktak na rin ang pawis ni daddy sa kaniyang noo.“Is there something wrong po ba?” Pagtataka ko.Umupo si daddy para pantayan ang tangkad ko kasabay noon ang paghawak niya sa mga balikat ko.“Remember this, Blythe, we love you. No matter what happen, please don't stay away from your nanny. Sumama ka sa kaniya at magpakalayo-layo kayo. Ingatan mo ang sarili mo lalo na sa mga Fonteverde.”I started crying even though I don't exactly know what dad talking about.“What do you mean po, Daddy? I don't get it po.” Dire-diretso akong umiling. “Mommy?” Nang humarap ako kay mommy.I saw mommy crying too that m
Ava’s P.O.VHalos kapusin ako ng hininga pagkabangon ko mula sa pagkakahiga. Napahilamos ako nang mapagtantong nananaginip na naman ako. Halos hindi na rin mapigilan ang mabilis na pagtahip ng puso ko.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at naglakad patungo sa study table. Umupo ako sa harap nito.Bahagya akong natulala at nang matauhan ay marahan kong pinagsasampal ang mukha. Irita ko ring sinabunutan ang sarili.“Ano ba, Ava! Tama na, okay? Hindi ito magugustuhan ng nanny mo at paniguradong malulungkot ang mommy at daddy mo,” panenermon ko sa sarili.Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Napatingala ako para pigilan ito. Iniikot ko na rin ang paningin upang maibaling sa iba ang aking atensyon. Hanggang sa mahagip ng aking paningin ang orasang nakapatong sa mesang katabi ng aking higaan.Alas onse na ng gabi. Paniguradong mahihirapan na naman a
Napamulat ako nang tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko. Sobrang bigat ng aking pakiramdam na tila tatrangkasuhin ako. Maliban doon ay masakit din ang buong katawan ko lalo na ang pang-ibabang bahagi. Teka! Nanlaki na lamang ang mga mata ko at napaupo nang may maalala. Ngunit kaagad naman akong napakislot nang bigla namang kumirot ang aking ulo. Pero nang tuluyang makumpirma ang hinala ay halos hindi ko na malaman kung ano ang gagawin. Buong akala ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit ikaw ba naman ang magising na may katabing hindi mo kilalang lalaki sa isang kuwarto na kapuwa kayo h**o’t h***d, panaginip pa rin ba? Oh my God! Anong nagawa ko? Pinagsasampal ko ang aking sarili. Gusto kong sumigaw. Ngunit nang biglang gumalaw ang lalaki ay agad ko ring pinakalma ang sarili. Hindi. Hindi maaari ito! Isang hindi kanais-nais na gawain ng isang babae ang ginawa mo Ava. Kung buhay lang ang nanny mo ay malalagot ka talaga. Dahan-
Pagkatapos noon ay hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko nang umuwi at marami pa akong gagawing project sa school. Dahil nasa loob ng subdivision ang bahay nila ay maglalakad pa ako palabas.Noong una ay nagpupumilit pa siyang doon na lang ako magpalipas ng gabi pero tumanggi ako. Hindi rin daw niya ako maihahatid sa labas dahil wala ang sasakyan sa kanila at dala ito ng mga magulang niya na bumisita sa kaniyang lola sa kabilang subdivision. Sabi niya’y tatawag na lang daw siya sa mga security guard sa labas para magpapasok ng kahit tricycle man lang sa loob para sunduin ako. Pero hindi pa rin ako nagpapigil. Sinabi ko na lang din sa kaniya na kailangan ko munang magliwaliw kaya gusto kong maglakad muna papalabas. Sa huli ay sumuko na lang din siya at hinayaan ako.Marami-rami rin ang napag-usapan namin ni Shaelza na kahit papaano ay nagpagaan ng loob ko.Noong una ay nagsuhestiyon siya sa akin na sasabihin ko raw sa ama ng dinadala ko, na buntis ako at
Ava’s P.O.V“Daddy,” wika ko nang lumitaw si daddy sa harapan ko. “Daddy,” muling pagtawag ko ngunit wala siyang kibo at mukhang balisa.“Blythe, baby?” Napatingin ako kay mommy na ngayon ay naglalakad papalapit sa amin bitbit ang malungkot na ngiti.“Mommy,” nangungulap kong usal.Kaagad kong dinaluhan si mommy at niyakap. Gumanti naman siya sa mga yakap ko at hinagod ang aking buhok.How I miss her.“Baby, please take good care of yourself” she spoke calmly and full of concern.Tumango-tango ako. “I
Pagkarating namin sa Paris, France ay nangupahan kami ng dalawang kuwartong matitirhan; isa ang sa kaniya at isa naman sa akin. Sa una ay nahirapan pa akong mag-adjust sa bagong paligid ngunit habang tumatagal ay nasasanay na ako. Hindi ako pinabayaan ni Jemuel sa buong pagbubuntis ko sa aking anak lalo na nang malaman naming kambal pala ang magiging anak ko. Sinuportahan niya kami kahit na ilang beses ko siyang sinabihan na intindihin niya ang kaniyang sarili at huwag kami dahil hindi naman niya kami responsibilidad. Ngunit palagi siyang nagkukusang-loob. Hindi niya ako pinagtatrabaho dahil maselan daw ang pagbubuntis ko. Kaya ang pagiging healthcare assistant niya sa isang private hospital ang tumustos ng pangangailangan namin araw-araw.Knowing Jemuel who is a registered licensed doctor in the Philippines but lowered his pride just to be an assistant here in France. In the Philippines, his life was good