Share

Chapter 50.1

Napayakap ako sa aking sarili nang kumapit sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin ako sa maputi at malambot na buhangin na sa tuwing inaapakan ko’y napapagaan ang aking pakiramdam—tila minamasahe ang mga talampakan ko ng mga maliliit na butil ng bato. Maaliwalas at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. Malamya at tahimik lamang ang bawat paghalik ng mga alon sa dalampasigan. 

Tila dinuduyan ka para makatulog, pero nanatili ka pa ring nakamulat dahil hindi mo gustong pakawalan ang pagkakataong ito.

Suot ang casual bell sleeve dress ay binabagtas ko ngayon ang baybayin ng nakayapak lamang. Sa wakas ay nakaramdam ako ng sariwang hangin na nagdadala ng kaginhawaan. Sapat na siguro ang mga pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw para bigyan ko ang aking sarili ng panandaliang pahinga. 

Napangiti ako nang makita si Shaelza na sinasamahan ang anak kong gumawa ng palasyong buhangin. Nang makita ako ni Herald ay kinawayan niy

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status