Share

Chapter 5.2 - Another Victim

Hindi na kami nakapag-usap nang makarating kami sa restaurant para kunin ang mga pagkain at ihatid sa may plaza. Madilim na nang matapos kami sa paghahakot kaya naman kaunting pahinga lang ang ginawa namin bago bumalik sa trabaho. Nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming mga pwesto dahil dumarami na ang mga tao sa plaza, malapit nang magsimula ang event para sa pista. 

Naka-istasyon kami ni Vernon sa mga pagkain, sa inumin naman si Theo at Maeve. Medyo malayo sila sa'min kaya siguradong magiging mapayapa ang gabi ko. Payapa dahil hindi magsasama-sama ang tatlo. 

Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang event, napuno ng mga tao ang plaza, halos magsiksikan na ang iba. Nang tingnan ko sila Theo ay maraming kabataan at kaedaran namin ang nakapila sa gawi nila, karamihan sa mga 'yon ay babae, may iilang matatanda pa. Lakas talaga ng charisma nila! 

"Pahinga ka muna, Myst, ako nang bahala rito," ani Vern at nginitian ako.

Na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status