Share

Chapter 9.1 - Guts

"Pakiramdam ko talaga may mali, Vern," saad ko. Kanina ko pa binabanggit ang mga katagang 'yon sakaniya at kanina niya pa rin ako hindi pinapansin. 

Narito kami ngayon sa kwarto niya. Pagkatapos niya 'kong iligtas ay dito na kami nagtungo dahil natatakot siyang baka may ibang kasamahan si Sheriff Cruz at nag-aabang sa'kin. 

He's a vampire. Sheriff Cruz is a vampire. Tama ang hinala ko rito noon pa man, hindi ko lang talaga masabi kay Vernon dahil wala pa 'kong sapat na ebidensya.

At kaya rin ako nahanap nila Vern ay dahil sa tracker na nilagay niya sa phone ko. Ibang klase rin talaga ang isang 'to. Noong una ay nainis pa 'ko dahil hindi niya man lang sinabi sa'kin pero kalaunan ay napagtanto kong tama lang ang ginawa niya. Nilagay niya 'yon noong pagkatapos ng fiesta, kung saan wala akong maalala na kahit na ano. 

Speaking of fiesta. Si Amion ang nadatnan ko noong magising ako. Ngayon, siya naman ang huling nakita ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status