Share

24 - She's My Wife

Hindi siya makatulog buong gabi kaya kinabukasan, para siyang sabog na bumaba ng hagdanan at parang kasapi ng rugby gang sa hitsura. Kumakamot pa siya sa ulo papuntang kusina at uminom ng subrang lamig na tubig para tuluyan magising ang inaantok niyang diwa pero walang epekto.

"Goodmorning!" masiglang bati sa kaniya ni Zyd.

Kumakamot pa si Lianne sa kaniyang singit. "Goodmorning din."

Sino ba kasi ang maagang mag-goodmorning sa kaniya? Maliban sa hindi pa sila nagkakasalubong ni Zyd sa loob ng bahay na ito tuwing umaga, si Lula at Tacu lang ang naisip niyang babati sa kaniya. Salamat naman at nakakapagsalita na ang mga aso sa bahay na 'to.

"Are you sick or something?"

"I'm okay—" Awtomatikong nanlaki ang kaniyang mga mata nang maalalang hindi naman pala nagsasalita ang mga alagang aso.

Kitang-kita niya ang bagong ligo na si Zyd at subrang presko tingnan. Tumama pa ang sinag ng araw

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status