Share

59 - Jail Is Waving

Dalawang araw simula nung malaman niyang pinaglalaruan ni Kate lahat. Sa ngayon, hinihintay niyang bumalik ang dalaga. Nasa Asia ito at may fashion show na dinaluhan ayon kay Fritz. 

Bobo siya sa lahat inaamin niya. Galit siya kay Lianne, pero ngayon galit pa rin ba? Hindi niya makapa sa puso ang emosyong iyon. Napabuntunghinga siya. Sa katunayan niyan, bumili siya ng bahay sa Grandyle Village at magkapit-bahay sila. Hindi niya alam kung para saan at kung bakit ginawa niya ito, o gusto lang niyang makita ang kaniyang mag-ina na ngayon, hindi niya na pagmamay-ari. 

Nasa taas siya ng kaniyang silid habang pinagmamasdan ang batang naglalaro sa balcony. Panay daldal ito sa mga stuff toys na kaharap at mukhang hilig ng kaniyang anak sa malamig na klima. Minsan napapatingin ito sa snow at humakbang papunta sa labas pero agad din bumabalik sa balcony kapag tinatawag ito ni Lianne. Napakakulit. Natawa siya sa bahaging iyon. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status