Share

BOOK 3: Chapter 1 - Azael x Amara

Ingat na ingat si Amara sa paggalaw mula sa kaniyang pinagtataguan ngayon. Iniiwasan niyang makalikha ng ingay dahil sa dami ng pwedeng pagtaguan, ang maduming bodega pa ng university pa na puno ng tambak na bagay at libro. Maalikabok na rin ito pero mas mabuti na rin kesa makita siya ng taong naghahanap sa kaniya.

Mula sa pinagtataguan niya, sumilip siya sa maliit na siwang ng pintuan, napakagat siya ng labi nang makita ang dalawang lalaking busangot na tropa nung makulit na manliligaw niya. Sa tindi ng inis niya kanina, binayagan niya ang lalaki dahil kinaladkad siya nito para sumama. Awtss!

Napisa niya yata ang itlog nito pero imbes na matawa, takot ang rumehistro sa kaniyang mukha nang utusan nito ang dalawang lalaki ng dakpin siya. Hindi naman siya tanga kaya takbo ang kaniyang ginawa at doon siya napasok sa maduming bodega. Bakit ba kasi naisipan niyang magpaabot ng gabi? Ah, dahil may tinapos pala siyang libro sa library at hindi niya na namalayan ang oras. Kapag libro kaharap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status