Share

Chapter 35 - Investigate

Napatitig siya sa isang bahay mula sa kalayuan habang nasa loob lang siya ng pamparadang motorsiklo. Walang taxi at hindi naman siya maarte. Binayaran lang niya ng malaki ang matandang driver para arkilahin buong araw nito sa pamamasada.

Mula sa kaniyang kinaroroonan, kitang kita niya ang bahay na gawa sa semento at kahoy. Puro patay na mga rosas at halaman sa bakuran at nakasirado ito. Gusto sana niyang puntahan at tingnan ang nasa loob pero baka mapapadali niya ang pagkakamatay niya. Though alam niya kung sino-sino ang nakatira doon.

"Ayaw niyo po bang tumao ma'm? Napapansin ko po kasing kanina pa kayo nakatingin sa bahay ni Ka Brusko."

Agad siyang napatingin sa matanda. "Kilala mo ang nakatira d'yan, tay?"

Napakamot ito sa ulong napapanot. "Bakit hindi ma'm, kilalang-kilala ang pamilyang iyan na batugan, suki ng away at walang direksyon ang mga buhay. Buti na lang si Celestina nakawala na sa poder nila 'yun nga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status