Share

CHAPTER 4

WE'RE here in reception area kung saan dinadaos ang masayang pagsalo-salo. Hindi na rin kami nagkausap ni Alfred at sa naging asawa n'ya simula kanina sa simbahan.

Pinasuyo ko nalang kay Frederick ang mga regalo ko para sa kanya, 'syempre nakakahiya din pag wala akong ibigay'.

Andito ako ngayon sa mini garden nila at kausap ko sa cellphone ang Manager ko about business ko sa US.

After kong makausap ang manager ko ay babalik na sana ako sa loob ng makita ko si Alfred na papunta sa kinaroroonan ko, I don't know kung anong meron sa lalaking iyon, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. He still brings strange feelings towards me. He even made my heart beat so fast na parang bang may mga nagkakararehang mga kabayo rito. Pero hindi pa rin mawala ang inis at galit sa puso ko.

He brings a glass of wine at ibinigay n'ya iyon sa akin.

“Wanna drink?” Abot n'ya sa'kin sa isang glass ng wine.

Tinanggap ko naman ito. Iiwan ko na sana s'ya ng magsalita ito.

“I just wanna say sorry Freya, and thank you for coming.” sambit nito sa akin kaya naman ay napalingon ako sa kanya.

“Pumunta lang naman ako dito para e congrats kayo, don't worry I already forgive you na, 'magagawa ng inis at galit ko? Wala din naman, di naman na din maibabalik ang dati'.

wala naman akong magagawa, and'yan na yan eh, nangyari na. For me lang, sana h'wag mo ding lokohin ang babaeng nagtitiwala na sa'yo ngayon, at h'wag mo sana s'yang saktan kagaya ng ginawa mo sa'kin.” tugon ko sa kanya bago sumimsim sa glass of wine.

“Well, thank you Freya I hope you found someone na mas better kesa sa'kin and I hope na hindi ka din n'ya sasaktan, alam kong napaka bobo kong tao pero sana naman ay hindi magbago ang pakikitungo natin sa isa't isa” wika n'ya habang matiim ang titig sa akin.

Umiwas na'ko ng tingin sa kanya dahil hindi ko talaga mapigilan ang hindi pagkalma ng puso ko.

“Don't worry hindi naman ako magbabago.” hilaw na ngiti ang iginawad ko sa kanya.

Palingun na sana ako upang umalis ng makita ko ang isang bulto ng isang matipuno, gwapo, a gorgeous hot man who wears a black toxedo na papunta sa gawi namin ni Alfred.

Kasama nito ang asawa ni Alfred na si  Arrianna, nakangiti ito sa akin na tila bang halata naman na mabait at friendly. Napaka ganda n'ya at ang kinis-kinis pa ng balat, matangkad din s'ya pero mas matangkad ako sa kanya, she have an angelic face, she's cute at hindi na'ko magtataka kung bakit nagustuhan ito ni Alfred.

Nang makalapit na sila sa amin, agad naman itong lumapit kay Alfred at ipinalibot ang mga braso sa bewang ng asawa n'ya.

Umiwas ako ng tingin at sumimsim ulit sa dala kong wine.

“Hi, you are Freya, right?” ngiting tanong sa akin ni Arrianna.

Napatingin ako sa kanya at sinagot ang tanong n'ya.

“Yes. By the way congrats to both of you.” ginawaran ko din s'ya ng totoong ngiti.

Nagulat nalang ako ng lumapit ito sa akin at nakipag biso-biso. Hinawakan n'ya ang magkabilaan kong balikat at tumitig sa mga mata ko. Bigla akong kinabahan, at hindi ko alam kung bakit.

“You're the ex gf of Alfred diba?” ngumiti ito sa akin bago magsalita ulit.

“Thank you naman at dumating ka sa kasal namin” nakangiti parin ito pero ng marinig ko iyon ay pilit akong ngumiti sa kanya at nagsalita.

“ah-Yes. No worries, matagal nadin naman yun hehe” 'matagal nga pero nasasaktan ka pa rin.' Panunukso ng isip ko sa'kin. Pero pinilit ko padi'ng ngumiti sa harap n'ya upang hindi n'ya mahalata ang tunay na nararamdaman ko.

“WHAT!? EX GF NI ALFRED SI FREYA?” gulat na sigaw ni Frederick sa likoran namin.

Naalala ko na nag-uusap din pala sila ni Alfred, at no'ng marinig n'ya ang sinabi ni Arianna ay gano'n nalang ang naging reaction n'ya.

Nagulat din kami sa inasta ni Frederick. Kaya naman ay tinampal ni Arrianna ang balikat nito.

“Yung bunganga mo Fred!” singhal nito sa kanya. At bumalik sa gawi ni Alfred.

“Why? Magkakilala naba kayo?” tanong naman ni Alfred kay Frederick.

“Ahhh yes, we meet in the bar na last time” masiglang sagot naman ni Fred sabay hapit n'ya sa bewang ko dahilan para dumikit ako sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa n'yang pag hapit sa bewang ko, at kitang kita ko din sa mga mata nila Arrianna at Alfred ang gulat.

“Ano ba! Para kang baliw!” pag piglas ko sa kanya at lumayo ako ng kaunti sa kanya at inayos ang dress kong suot.

Sumupil ang pilyo nitong ngiti sa akin na nagbigay ng kakaibang damdamin. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko simula no'ng hinapit n'ya ako.

Parang may bulta-bultahing kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan n'ya ako. 'Ano bang meron sa lalaking ito?'

“Baliw” bulong ko at inirapan s'ya. Humagalpak naman ito ng tawa. 'baliw nga!'

“Ah gano'n ba.” kaunting tugon naman ni Alfred na s'ya ring nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang tingin nito sa akin. Matiim at parang bang may ibang ibig sabihin ang mga tingin n'ya. 'nag-aassume ka na naman Eya! Tumigil ka, kasal na iyan!' pagsuway naman ng isip ko.

“Oh s'ya aalis na pala ako, may pupuntahan pa ako eh.” pagpapaalam ko sa kanila.

“Sige mag ingat ka, thank you for coming Freya” tugon naman ni Arrianna sa akin.

Tumango lang ako sa kaniya at humakbang na paalis nang magsalita si Frederick.

“Wait hatid na kita sa labas” sabat naman ni Frederick.

Lumingon ako sa kanya habang papunta ito sa gawi ko.

“No, ako nang maghahatid sa kanya” dagdag naman ni Alfred at akmang pupunta na din sana ito sa gawi ko nang hawakan s'ya ni Arrianna.

Nagulat ako sa inasta ni Alfred at gano'n din si Arrianna. 'ano bang pumasok sa utak ng lalaking ito?'

“No. Kaya ko ng mag isa. Hindi na'ko bata para ihatid palabas.” walang buhay na tugon ko sa kanila at tumalikod na upang maglakad paalis.

“No, I'll come with you Freya wala din naman akong gagawin dito hehe” tugon naman ni Fred sa'ka n'ya ako hinila palabas.

Nagulat ako sa ginawa n'ya. Hito na naman ang kabog ng puso kong parang baliw, bakit ba kasi sa simpleng pag hawak lang ni Frederick sa akin ay gano'n nalang pagwawala ng puso ko sa loob ng ribcage ko.

Lumingon muna ako saglit sa gawi nila Alfred at Arrianna at nakita kong mukhang naiinis si Arrianna sa asawa n'ya, samantalang si Alfred naman ay muk'ang naiinis sa ginawa ni Frederick.

'is he jealous?. No, sino ka ba? Para pag selosan? May asawa na 'yun Eya!' sinusuway na naman ako ng pakialamera kong utak.

Naiwan sila ni Arrianna sa loob habang kami naman ay nasa labas na ng reception area. Binalingan ko si Frederick ng tingin ng makalabas kami.

“What the heck are you doing?” singhal ko kay Fred.

“Tss, edi iniligtas ka HAHA, hindi ako makapaniwalang ex mo pala ang pinsan ko” nakakainis ang mu'ka n'ya sa mga oras na 'to.

Iniinis ba ako ng lalaking ito? Nakakainis kasi eh.

“Tsk, pake mo ba? Ex na yun. Past is past and naka move on nako” inirapan ko muna s'ya bago umiwas ng tingin sa kanya.

“Susss, halata naman eh” pang iinis n'ya pa. Nanunudyo ang mga tingin n'ya sa akin at hindi ko maiwasang mainis rito.

“Tsk, duhhhh hindi na nga kasi eh!” sumbat ko sa kanya dahilan para mapangisi ito.

“Naku-naku, let's have some drink?” hinihintay n'ya ang sagot ko at dahil gusto ko ding makalayo sa lugar na iyon ay nauna na'kong maglakad sa kanya.

Habang nasa byahe kaming dalawa ay wala kaming kiboan. Wala din naman akong gustong sabihin kaya nanatiling tikom ang bibig ko.

“Ba't ka pumunta sa kasal nila?” biglang pagbasag ni Fred sa mahabang katahimikan.

Tinignan ko lamang s'ya at nagpakawala ng buntong hininga.

“He invites me.” walang buhay ba sagot ko.

“Hindi ba awkward para sa'yo na gano'n? Ex mo ang kinasal tapos ando'n ka.” dagdag pa n'ya.

'Ba't ba napaka chismoso ng lalaking 'to?'

“I don't have any choice, ayukong ipakita sa kanya na masyado pa akong apektado. At ayukong isipin n'ya na bitter pa'ko.” tugon ko sa kanya bago magpakawala ulit ng buntong hininga.

“Sabagay pero hindi mo naman kailangang pumunta kung ayaw talaga ng puso't isip mo.” ani nya. Tumingin ako sa kanya at hindi ko alam na nakatingin din pala s'ya sa akin.

“Tapos na. Past is past. Tapos naman na din ang selebrasyo—” hindi ko na matapos ang sasabihin ko nang makita ko ang isang malaking truck na papunta sa gawi namin.

“Fred! Sa harap mo!” sigaw ko sa kanya. Halo-halo ang takot at kaba na naramdaman ko sa mga oras na'yun.

“Fuck!” malutong na mura nito at dali-daling inilihis ang manebela.

Mabuti nalang at agad n'ya itong naiwas sa malaking truck, kung hindi ay baka naging pinisang saging na kaming dalawa.

Huminto ang sasakyan n'ya sa gilid ng kalsada at rinig ko ang paghinga n'ya na halatang kinakabahan.

“Are you alright?” tanong nito sa'kin.

“Sa tingin mo ba magiging okay ako pagkatapos no'n?” singhal ko sa kanya.

Hindi ko maiwasang magalit sa mga oras na'yun dahil buhay namin ang nakataya.

“I-I'm sorry...ikaw kasi eh.” sagot n'ya.

'Ano daw? Ako pa talaga ang sinisi ng gagong 'to?'

“Anong ako!? Kasalanan mo 'yun, kung hindi ka lang naging chismoso hindi sana tayo muntikang mabangga sa truck na 'yun.” humalukipkip ako habang nakatingin sa kanya na inis na inis.

“Kasalanan mo nga kung bakit sa'yo ako nakatingin at hindi sa daan.” may panunudyo ang tingin nito sa'kin at nagbigay ito sa akin ng kakaibang sensasyon.

Kumunot ang noo ko sa tinuran ng lalaking kaharap ko. 'Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?'

“Kung hindi ka lang kasi maganda, edi sana sa daan ako nakatingin.” mahina n'ya itong sinabi pero sapat na upang marinig ko.

Kumabog na naman ang puso ko. Ramdam ko din ang pag-init ng mukha ko. 'Am I blushing?'

Hindi ako makapag salita sa sinabi n'ya, hindi ko maibuka ang bibig ko. 'Ano g nangyari Eya?'

He chuckled at binuhay ulit ang makena ng sasakyan n'ya. Nanatiling tikom ang bibig ko at tumingin nalang sa labas ng bentana.

Ang kabang naramdaman ko ay hindi na bunga no'ng muntik kaming mabangga kundi bunga iyon sa sinabi ni Fred kanina.

'Kung hindi ka lang kasi maganda, edi sana sa daan ako nakatingin.' Paulit-ulit na banggit ng isip ko. Kung pwede lang na makalabas ang puso ay matagal ng tumalon ang puso kong nagwawala sa loob ko.

Ibang-iba din ang hatid ng karisma nito sa akin. Pinapatibok din nito ang munting puso sa gitnang bahagi ng hita ko. 'Ano daw!? Pinagsasabi mo Eya!? Kadiri ka!'.

Tahimik ang buong byahe hanggang sa huminto ang sasakyan ni Fred sa harap ng malaki at halatang pang mayaman na sa hula ko ay isang bar. 'Ano pa ba? May iba ka pa bang iniisip na pupuntahan n'yo ni Frederick, ah Eya?' panunudyo ng isip ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status