Share

CHAPTER 29

Dalawang araw mula nang bumalik ako rito sa Olongapo mula sa probinsya namin ay tila lutang pa rin ako. Tulad ngayon, nasa VIP Area nga ako rito sa Club-V pero nasa sulok naman.

Wala akong katabi sa table ko, walang kausap, at seyempre wala ring kalandian. Kahit na maingay sa paligid gawa ng star dancer na sumasayaw sa gitna ng intablado, ganoon din ang mga parokyanong kabilang sa alta-sosyedad ay hindi ko pa rin magawang mag saya.

Nakakalungkot...

Nangalumbaba ako sa mesa habang walang ganang pinanonood ang babaeng sumasayaw sa stage. Maganda ang hubog ng katawan niya. May suot siyang maskara upang hindi makita ang mukha niya at manatiling mesteryo sa iba. Makinis ang tila porselana niyang kutis. Higit sa lahat, kaakit-akit ang bawat pag galaw ng kanyang malambot na katawan. Ganoon pa man, para pa rin akong tuod na nakatulala lang sa harapan.

"Want a drink?"

Mula sa pagkakahalumbaba ay napalingon ako sa biglang nag salita sa aking likuran. Napaawang ang bibig ko. Pamilyar ang guwapo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status