Share

CHAPTER 52

HINDI SIGURADO...

Kahit anong isip ko ay hindi ko talaga alam. Bukod sa hindi ko alam kung paano maging isang ina kung sakali mang nagdadalang tao nga ako, hindi ko rin alam kung matatanggap ba ni Alexis ito.

Ilang beses na akong nagparoo't parito sa kusina, at ilang beses ko na ring nilinis ang sala pero wala pa rin talaga akong mahagilap na sagot sa mga katanungan ko. Kung kailan ba nabuo kung sakali ngang positive? Ilang linggo na ba, o di kaya ay buwan? Kung babae ba o lalaki? Sinong magiging kamukha?

May parte sa puso at isip ko na nasasabik. Pero hindi rin nawawala ang takot.

"Minzi!" napapitlag ako sa boses na iyon ni Red kasabay ng malakas at sunud-sunod na katok sa pinto. "Open the door!"

Kaagad akong tumalima at pinagbuksan naman siya ng pinto. Dahil sa pagkapraning ko kanina, pati si Red ay napraning na rin. Mas excited pa nga yata ang hudas na ito kaysa sa akin at sa ama ng dinadala ko kung sakali.

"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya pa nang makalapit siya sa akin.

H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status