Share

CHAPTER 67

TANGHALI na nang magising ako. Kumain lang ako at bumalik na muli sa kuwarto ko. Parang wala akong gana ngayong araw dahil nagising akong wala na si Alexis sa tabi ko.

Ni hindi ko na nga pinansin sina Mama at Aling Bebang na nagtatanong tungkol sa nalalapit ko nang kaarawan. Inililista nila ni Aling Bebang sa kusina kunga anu-ano ba ang dapat na ihanda lalo na at mukhang pagsasabayin yata nila ang kaarawan namin ni Alexis. Wala na akong pakialam sa gusto nilang mangyari, bahala na sila. Sa dami ng tumatakbo sa isip ko'y hindi ko na alam kung ano ba ang dapat na unahin at pagtuunan ng pansin.

Nagpapasalamat na lang din ako at laging narito si Aling Bebang upang tulungan si Mama. Sino ang makapagsasabi, ang dating kinaiinisan ko na chismosa naming kapit bahay na si Aling Bebang ang siya pa palang magiging kaibigang matalik ni Mama at handang tumulong ng walang kabayaran. Masyado talagang malikot ang tadhana, kita mo't kung sinu-sino ang pinaglalaruan.

Bandang alas-diyes ng gabi nang dum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status