"Congratulations!"
Halos mapalundag sa gulat si Finn pagkalabas na pagkalabas niya mula sa banyo. Tanging tuwalya lang na itinapi niya sa kanyang baywang ang kanyang suot na saplot. Mabuti na lang at mahigpit ang ginawa niyang pagkakatali niyon kung nagkataon ay baka nalantad na ngayon sa mata ng pangahas ang kanyang hubo't hubad na kabuoan.
"Paano ka nakapasok?" Iritadong tanong niya kay Emerson nang makitang nagkalat sa sahig ng kanyang kwarto ang pinaputok nitong confetti.
"Dumaan ako sa pinto," sarkastikong tugon nito sa kanya kaya pinalo niya ito ng . Pampunas niya lang sana iyon para tuyuin ang basang buhok pero ngayon ay ginamit na lang din niya para alisin ang mga confetti na dumapo at dumikit sa medyo basa pa niyang dibdib.
"Pinatuloy ako ni Isabel. Akala niya kasi ay nagmumukmok ka na naman dito sa loob ng kwarto."
Hablot ang mga nakatuping damit na inihanda niya kanina, nagdesisyon si Finn na bumalik na lan
Kumakalam na sikmura ang tuluyang nagpagising sa inaantok pang diwa ni Angielyn. Tila nagrarambulan ang mga alaga niya sa loob. Wala na yatang sinasanto ang mga ito at balak pa yatang gawin na umagahan ang nananahimik niyang bituka.Nang tingnan ni Angie ang banda ng bintana, para siyang kinikiliti sa nakikitang pagpupumilit ng sinag ng araw na pumasok para lang batiin siya. Rinig niya ang pagpapalitan ng pagtilaok ng mga manok sa bakuran. Noong una niyang pagtungtong sa lugar na ito, nagdalawang-isip talaga siya kung makakayanan ba niyang mamalagi at magtagal sa ganito kaliit na bayan. Hindi ganoon kalakas ang signal ng cellphone at bihira lang na may taga siyudad na mapapadpad dito. Limited lang din ang mga kainan at pasyalan hindi tulad sa nakagawiang siyudad. Naiirita siya sa tuwing sasapit ang umaga dahil walang kuryente at maaga pa siyang nagigising dahil sa maiingay na tilaok ng mga manok pero ngayon ay tila musika na sa kanyang pandinig ang natural na alarma ng mga 'y
Ikaanim na ng umaga. Tumitilaok na naman ang mga manok. Tanda na isang panibagong pagsibol na naman ng araw ang dumating pero ang mata ni Angielyn ay nanatili pa ring mulat magmula pa kagabi. Hindi siya pinatulog nang nangyari kahapon. Sinalakay siya ng kaba nang lumaginit ang pinto pabukas. Sa isang kisap-mata lang ay naipikit na niya agad ang mga mata.Emerson is here! Naging alerto ang utak at katawan ni Angie. Napigil pa niya ang paghinga nang maramdamang inayos nito ang hibla ng kanyang buhok na tumabon sa ilang bahagi ng kanyang mukha. As much as possible, ayaw niyang makahalata ang kaibigan na gising siiya.Hakbang na patungo sa pinto ang nagpakalma sa kanya ulit. Tuluyan niyang binitiwan ang pinipigilang hininga nang lumangitngit ulit ang pinto. Indikasyon na umalis na ang taong pumasok. Malakas ang kanyang naging paghabol ng paghinga only to be shocked when she opened her eyes and found the grinning Aristotle Buenaventura beside the door."Hindi m
Wala pa siyang tulog. Ilang gabi na rin niyang palaging napapanaginipan ang mukha ng dalagang wala na yatang plano na umalis sa pagkakaukopa nito sa kanyang isip. Bahagyang kinusot ni Finn ang puyat na mga mata. Ilang buwan na rin siyang ganito simula nang umalis si Angielyn. Abala siya sa kinakaharap at inaasikaso na kaso pero lumilitaw pa rin sa kanyang balintataw ang imahe ng dalagang lumisan ng walang paalam. "I should have known that she's the poison that I must avoid the moment I started to look for her presence after that precinct incident," he sighed. Hinilot niya ang sentido matapos bitawan ang bolpen na siguradong pagod din sa magdamagang paglalakad sa kanyang kaharap na mga papeles. Ipinahinga niya ang likod sa swivel chair saka bahagyang umikot-ikot. Natigil lang siya sa ginagawa nang tatlong magkakasunod na katok ang umalingawngaw sa tahimik na study room. Hindi na niya kailangang magtanong kung sino ito kasi agad bumukas ang pintuan pagkatapos ng mga ka
"Ano ba? May balak ka bang sirain ang phone ko? Kanina ka pa tawag nang tawag. Naririndi na pati ang mga tutuli ko sa tainga."Nababanas na siya. Kanina pa niya tinatabunan ng unan ang kanyang tainga pero lumalampas pa rin talaga sa kanyang pandinig ang pag-iingay mula sa tawag ni Emerson.Humihingal ang naririnig niya sa kabilang linya. Akala niya ay may kahalayan na naman itong ginagawa kasama ng bago na naman nitong babae laya akma na sana niyang papatayin ang tawag."Bro! Bakit ang tagal mong sumagot? Magmadali ka. Kinaladkad si Angielyn ng mga pulis."Nawala bigla ang nararamdamang hilo ni Finn sa ulo. Halos umiikot na kasi ang kanyang paningin dahil naisipan niyang maghapong magpakalasing na lang sa kwarto. Pagkaalis ni Venice kanina, diretso na siyang tumungo sa kanyang silid dala ang limang bote ng alak. Hindi ganoon kalakas ang alcohol tolerance niya kaya sa pang-ikatlong bote na lang ay para na siyang idinuduyan."Emerson, ilugar mo
Pinagsawa ni Angielyn ang sarili sa panonood mula sa bintana ng sasakyan. Hinayaan niyang liparin ng hangin ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumakas mula sa pagkakapusod. Feeling the wind's breeze brings comfort and calmness to her. Kanina pa niyang inaaninag ang mga bituing pumupuno ngayon sa kalmado ring kalawakan. Mahigit kalahating oras na siyang nakatingala habang ang kanyang ulo ay nakasandig malapit sa bintana pero hindi niya maramdaman ang pangangawit. The view is extremely beautiful. Ramdam niya ang panaka-panakang pagtingin ng lalaking siyang nasa harap ng manibela ngayon. Hindi niya alam kung siya lang ba o pati rin ito ay wala ring maisip at maapuhap na sabihin. She can clearly see his lips trying to utter a word pero hindi nito iyon kayang isatinig. Tila tulad niya ang namanhid rin ang labi nito at nakapagdesisyon na magpahinga. Ilang malalabong na kahoy na ang nadaanan ng kanilang sinasakyan. Dinig na dinig na rin mula sa tahimik na paligid ang tunog
"Looks like the one who made a ruckus last night is still in cloud nine." Natigil ang pagtaghoy-taghoy ni Finn saka napahawak siya sa dibdib dahil sa pagkagulat. Nabitawan pa niya ang susi ng kotse na sinasalo-salo niya sa kanyang kamay. The voice came from the sala. Sobrang tahimik ng buong bahay nang pumasok siya. Pasado alas kwatro pa lang ng umaga. He really thought na tulog pa ang mga ito but it turns out na mulat na mulat na pala ang mata ng kanyang Mama Stephy. An awkward smile crept from his lips while approaching the woman in her all red silky pajama. "Good morning, Ma. You're early." Hinalikan niya ang pisngi ng ina saka ang noo. Mapaghinalang mga mata ang nabungaran niya pagkatapos humiwalay sa ginang. Alam niya na wala siyang takas rito. Excuses doesn't exist in her mother's dictionary. Malalaman at malalaman nito ang lahat ng nangyayari kaya walang kwenta kung magbibigay siya ng mga rason. Magiging invalid ang lahat ng 'yon dito. "Magtata
Angielyn thought before that sweating bullets is just an exaggerated expression but right at this very moment, iyon ang pinakamalapit na posibilidad na mangyayari sa kanya. Parang anumang oras mula ngayon ay malulunod siya sa pawis dahil sa nadaramang kaba. Nasa clinic siya ngayon for her monthly check-up dahil nga sa hindi inaasahang pangyayari no'ng nagdaang araw kaya ngayon lang ito magaganap. She will also take the prenatal ultrasound test para makita niya sa kauna-unahang pagkakaon ang batang kanyang dinadala. As what the procedure needed, uminom siya ng maraming tubig dahil napag-alaman niya na kailangan iyon para maaninaw ng maigi ang bata kapag sinagawa na ang test pero nagsisisi siya ngayon. Napasobra yata ang na consume niya na tubig dahil malayo pa siya sa pila pero ihing-ihi na siya. Parang gusto nang magwala ng kanyang pantog. Todo ang kanyang ginagawang pagpipigil dahil sobrang nakakahiya naman kung sa pantalon siya maihi. Napangiwi si Air nang humigpit
Masarap sa pandinig ang bawat mabining hampas ng alon na nakikipag-agawan ng pwesto sa nananahimik na pinong buhangin. Angielyn can't help but to soak her feet and let the soft waves tickle it. Umupo siya sa buhanginan matapos magsawa sa pamumulot ng mga ligaw na kabebe. Sa sobrang aliw niya kasi sa pamumulot ay hindi niya namalayan na dahan-dahan nang nagtatago ang haring araw. Nagsisimula nang maging kulay abo ang paligid. Apat na bahay lang ang pagitan ng baybayin at ng bahay ni Lola Beth kaya hindi siya nag-aalala na gabihin na siya umuwi. This small place is safe. Kahit pa nga siguro dito na siya abutan ng umaga sa dalampasigan ay walang gagawa sa kanya ng masama. Magkakilala lahat ang mga tao rito. Alam ng lahat ang pagkatao ng bawat isa. Tanging sila nga lang ni Aristotle ang malihim. Sa mga sandaling ganito, na siya lang mag-isa, hindi niya maiwasang mag-isip ng mga bagay-bagay. Tulad ng kung hindi lang sana namatay ang mga magulang niya, maiisip niya kaya na