Artemis’ POVNaikwento ko kay Zelo ang lahat ng nangyari. Mukhang ayaw niya pang makinig sa akin subalit wala rin talaga siyang choice kung hindi ang pakinggan ako.Wala pa sana siyang balak pag-usapan ang plano subalit namimilit na ako. Hindi ko rin sigurado kung alam ba nina Honey na tauhan ako ng presidente pero sigurado’y alam na nga nila ngayon. Hindi naman nila ako magagalaw habang nakadikit pa kay Zelo at ganoon din naman kami na hindi pupuwedeng basta-basta na lang kumilos lalo na’t ang mga mata ng tao’y nasa dalawang panig. Ang media’y paniguradong nakabantay rin. “For now, you need to rest… We’ll talk about this again after you are already fine,” aniya sa akin kaya agad akong napasimangot. Maski naman siya’y galit na galit pa rin hanggang ngayon. Matalim pa rin ang mga mata kapag napapatingin sa akin. He look really dangerous whenever I look at him.Bago pa ako makapagsalita ay tinatawag na siya ng kaniyang sekretarya. Ilang meetings na rin ang hindi niya nadaluhan dahil sa
Artemis’ POVBahagya siyang nahinto roon. Ginamit ko ang pagkakataong ‘yon para maalis ang kamay niya sa akin subalit bago pa ako tuluyang makatakbo muli’y nahawakan niya na ang palapulsuhan ko. “I need to go, Zelo! Naririnig mo ba ako?! I fucking need to fucking find my daughter!” malakas kong sigaw. Wala nang pakialam kung malaman niya pa ang tungkol kay Athena. Ang mahalaga ay ang kapakanan ng anak ko. Hindi ko na napigilan pa ang pagbagsak ng luha mula sa aking mga mata nang tumapat ako sa kaniya. “Please just let me go, Zelo… Kailangan kong mahanap ang anak ko… Hindi ko mapaatawad ang sarili kapag may masamang nangyari kay Athena…” ani ko na hindi na napigilan ang mapahagulgol at unti-unti na ring nanlambot anh aking tuhod habang ang kamay niya’y hindi rin inaalis ang pagkakahawak sa akin. Alam ko rin na malabong makaalis ako rito sa ngayon kung hindi ako hihingi nang tulong sa kaniya. “Please… Just this one, Zelo… Hindi ko kakayaning mawala ang anak ko. Gusto ko nang makita
Artemis’ POVMariin kong kinagat ang labi ko nang mapagtanto na masiyado na akong naging okupado kay Athena na hindi ko na namalayan na may ilang tao na pala ang narito at hindi rin mapigilan ang mapakagat sa aking labi nang mapagtanto na nakatitig lang si Zelo kay Athena ngayon. “Why do you have bandage, Mama? Sinasaktan ka po ba rito? At bakit ka nakaluhod habang umiiyak? Ayaw ka bang pauwiin po? Sino ang may ayaw?” tanong niya pa na unti-unting naningkit ang mga mata at si Zelo agad ang nilingon. Agad akong napatikhim bago ako umiling sa anak. “It’s not like that, Baby… Mama just got hurt on her own,” ani ko na hinarap pa siya sa akin dahil kita ko ang matalim niyang mga mata. Napatingin akong muli kay Hades na siyang nakatingin lang din sa aming dalawa. He looks like he was lost. Mariin kong kinagat ang aking labi habang hindi ko alam ang gagawin ngayon. Hinarap akong muli ni Athena bago niya ako tinitigan. “Should we go home now, Mama? Please say yes… If that man was forcing
Artemis’ POVI just called my brother bago pa makatulog si Athena. Nakahinga sila nang maluwag ni Seb doon. “May pinagmanahan nga talaga ‘yang anak mo!” reklamo sa akin ni Ares mula sa kabilang linya. “I’m sorry for the trouble. Okay na siya ngayon. She’s already sleeping… Thank you sa paghahanap, Ares and Seb… I’ll take care of her for now…” ani ko kaya isang buntonghininga ang pinakawalan ni Ares. “I think I have a fault why she went there. Narinig niya ata ang usapan namin ni Seb. Akala ko’y hindi dahil kadarating niya lang sa eskwela noon at umakto na parang walang nangyari,” ani Ares kaya napailing na lang ako at maiwasang matawa dahil pupuwede rin palang aktres ang batang ‘to. “You two should rest now. I’m sorry kung hindi ko agad nasagot ang tawag and thank you for looking for her. I’m sorry again for the trouble.”“It’s alright. As long as she’s fine now. But your girl really gave us an headache! Manang-mana sa ‘yo!” Mukhang hindi pa rin makapaniwala si Ares doon. Hindi ko
Artemis’ POVNgayong nakikita ko nang payapang natutulog si Athena, hindi ko pa rin magawang makalma dahil ang kapatid naman nito ang nasa isip ko ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapabuntonghininga bago tumayo. Kita kong napaayos ng tayo si Junio na siyang nagbabantay sa amin ngayon. Ang ilang guards pa ay nasa guarding mode na agad tila ba may gagawin akong hindi maganda. “I’m not going to do anything. I’ll just visit Hades,” ani ko kaya kita kong napataas ang kilay ni Junio. Sinabi pa niya ‘yon kay Zelo mula sa kabilang linya. Abalang-abala si Zelo ngayon and I think that it’s connected on what happened last night. Ayaw niya lang ipaalam pa ang tungkol doon. “Here’s Mr. President,” ani Junio na ibinigay ang intercom sa akin. Napairap na lang ako. “I told you to rest. Don’t add more headache to me, Artemis,” malamig niyang sambit sa akin. “Sandali lang ako. I’ll just check on Hades. Hindi pa raw siya nag-dinner,” diretsong saad ko. Matagal siyang hindi nagsalita subalit kalaunan ay
Artemis’ POVNasa hapag na kami ni Athena at inaayos ko na ang pagkain niya nang pumasok sa loob si Ms. Yu kasama ang anak na si Hades. Agad na napatingin sa akin si Athena habang nagtatanong ang mga mata. Hindi ko naman maipaliwanag agad sa kaniya ang tungkol kay Ms. Yu. Alam kong matalino si Athena subalit masiyadong komplikado ang lahat para sa murang pag-iisip. “So it’s true that you brought another kid here. Sigurado ka bang kay Zelo rin ‘yan?” Hindi mapigilan ni Ms. Yu ang kaniyang bunganga. Kung ang mga insulto niya sa akin ay pinalalagpag ko pa. Hindi sa pagkakataong ito. “Excuse me?” Napataas pa ang kilay ko sa kaniya kaya nilingon niya rin ako na tila ba nanghahamon. “What? Did you brought some kid here para hindi ka makaalis? Ano? You are going to leech over my fiance?” tanong nito. “I don’t care with all your insults about me, Ms. Yu, pero huwag na huwag mong madamay ang mga anak ko.” Malamig ko siyang tinignan. Kita ko naman bahagyang napatikom din ang kaniyang bibig
Artemis’ POV“Excuse me, Mr. President but you don’t have to give us new room. Now that Mama’s wound is almost fine, it’s looks like we can go home na po,” ani Athena kay Zelo. Sinasabi kasi ni Zelo rito na may kwarto siyang inihanda para sa amin ni Athena.“Athena, Baby… We’ll just have to talk about it first, right?” malambing kong sambit sa kaniya. Napalabi na lang siya. “But the only reason you are staying here because you are coaxing Hades however it looks like it will be impossible, Mama… He won’t come with us. He already have his own life here.” Mukhang napag-isipan pang mabuti ni Athena ‘yon habang ako’y napaawang ang labi. Umupo sa tapat ni Athena si Zelo, I know that he’s doing his best para kunin ang loob ni Athena. Athena just stare at him for a while too. “Can you give me a chance, Baby? I want to know more about you…” Zelo’s voice crack while staring at my daughter’s eyes. Athena was just cold looking at him. Alam kong ganiyan lagi si Athena kapag hindi niya gusto ang
Artemis’ POV“You can spar with your father. You can surely win against him,” ani ko kay Athena kaya agad siyang napatingin sa akin habang si Zelo’y natawa roon. “What? You really think I’m still weak, huh?” Ngumisi pa siya sa akin kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. As if he wasn’t. Humalakhak lang ito bago napakibit ng balikat. Gusto rin naman talagang maki-bonding sa anak. “Why? Does Mama always push you on ground, Mr. President?” tanong ni Athena kaya napatawa ako nang mahina. Hindi lang ‘yon dahil talagang buong araw na hindi nakakapag-aral si Zelo sa sakit ng katawan sa tuwing nakiki-sparring sa akin noon but look at him now. He can take me down easily. Lagi pa rin naman akong nagte-train sa Cebu, ‘yon nga lang ay mukhang ganoon din siya. Inalis na ni Athena ang kaniyang salamin kaya kitang-kita ang pagiging magkamukha nilang tatlo nina Hades. Si Hades ay tahimik lang sa aking tabi tila malalim din ang iniisip subalit nakikinood pa rin naman sa kaniyang ama at kay Athena. “i