Share

Chapter 12

Daisy’s POV

Hinahabol ko ang paghinga ko nang magising ako. Nakarinig ako ng boses na hindi ko masiyado maintindihan, medyo umuugong pa sa tenga ko. Nasilaw ako sa ilaw kaya muli akong napapikit. Kasunod ng pagpikit ko ay ang mapwersang pagbukas n'on ng kung sino para lang tapatan ng ilaw.

Ano bang nangyayari? Asan ako?

Nawalan ako ulit ng malay pero muli akong nagising. Pagkagising ko ay may dalawang taong nakatayo sa magkabilaang gilid ng hinihigaan ko, isang lalaki at isang babae. Blur ang paningin ko kaya hindi ko makilala kung sino ang mga kasama ko.

Napalunok ako, pakiramdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Hindi ko magawang magsalita dahil sa parang tubo na nasa bibig ko. Unti-unti rin namang lumilinaw ang paningin ko.

"Oh Gosh, thank God!" a woman exclaimed.

May isang kamay na humawak sa kamay ko kaya doon ko naman nilingon ang mga mata ko. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makilala ang lalaki. Bakit ko sila kasama?

"We're glad you're awake."

“A… Ax…,” I tried to call him
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status