“I'm sorry, I didn't know…” napayuko si Celeste sa kanyang mga daliri sa sandaling iyon.Wala siyang kamalay-malay na nangyayari sa kanya ang bagay na iyon sa pagtulog. Wala siyang ideya na pinapanaginipan niya ang mga magulang niya at umiiyak siya sa pagtulog!“S-Sorry!” napatakip siya bigla ng mukha gamit ang dalawa niyang palad. “Hindi ko talaga alam, Semion. Paniguradong naiistorbo ko ang pagtulog mo! Sorry talaga!”Sa loob ng isang buwan nilang magkasamang natutulog sa gabi? Nakakahiya na hindi niya namamalayang nagpapakita siya ng ganoong klase ng kahinaan kay Semion!“Please don't get me wrong, Celeste.” dinig niyang malumanay na sabi ni Semion. “Hindi ko sinasabi sa'yo ‘to ngayon para pahiyain ka o idiskrimina, gusto ko lang na malaman mo at mapagaling ang kondisyon mo.”Binaba niya ang mga kamay niya at may mahabang ngusong tiningnan muli si Semion. “May mai-rerekomenda ka ba sa aking tao na makakatulong sa akin? Kasi kahit anong isipin ko, wala naman talaga akong naaalalang b
“Celeste…”Matatamlay at mapupulang mga mata na animo hindi nakatulog ng ilang linggo, nakatitig si Darson sa larawan ng dati niyang asawa noong ito'y dalaga pa lamang.Nasa larawan ang malaking pagkakangiti sa labi ng labing limang taong gulang na si Celeste habang nakatingin sa camera. Sa suot nitong simpleng kulay rosas na dress ay nagliliwanag ang kutis nito. Ang buhok pa ni Celeste noon ay paalon na umaabot hanggang sa baywang nito.Napakagandang babae… na dapat ay si Darson lang ang makaka-angkin.“Celeste,” muli niyang hinaplos ang ang picture frame gamit ang kanyang hinlalaking daliri. “You're a lying bitch. Sabi mo ako lang ang mamahalin mo. Nasaan ka na ngayon? Sa piling ng ibang lalaki?”Nanggagalaiti niyang tinungga ang bote ng alak sa hindi mabilang na pagkakataon. Nakakalat mismo sa dating kama nila ni Celeste ang iba pang mga mamahaling bote ng alak na ngayon ay wala nang kalaman-laman, habang nakaupo siya roon.Sa sakit na nadama ay kinuyom ni Darson ang matigas niyang
“Madam! Maraming salamat po, Madam!”“Madam Celeste! Hulog kayo ng langit sa amin!”“Nabawi na namin ang aming sakahan!”“Nakakaligo na ulit kami sa ilog!”“Madam Celeste!”Nagugulat si Celeste sa mga taong sumalubong sa kanya pagkababa pa lamang niya mula sa kanilang van sa probinsya matapos ang tatlong linggong pag-alis niya rito. ‘Di niya inaasahang dudumugin siyang bigla ng mga tao roon at lahat sila'y tuwang-tuwa sa pagdating niya.“Paki-kalma po mga nanay at tatay!” pagpapakalma niya pa bagaman hindi mapigilang matuwa sa mga tao. Pilit nilang kunukuha ang kamay niya at yakapin siya. “Ginawa ko lamang po ang tama para sa ating lahat!”“Madam! Salamat po at nagbalik kayo!”“Unti-unti nang nagsisipaglayasan ang sugo ng mga Allegra!”“Madam Celeste, mabuhay ka!”Labis na napukaw ang damdamin ni Celeste sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga tao. Emosyonal niyang kinausap isa-isa sa kabila ng pagdumog nila para lamang makita at mawahakan siya.Batid nga niyang unti-unti nang naibab
“Hmm~ nanana, nana, hmm mhmm~” Habang kumkanta-kanta si Chiarra ay marahan niyang hinahaplos ang malaki niyang tiyan.Kung titingnan ay napakaganda ng mood niya ngayon. Mukha siyang maselan na babaeng buntis na tahimik na nakaupo sa malambot na sofa ng sala. Tila'y masaya niyang inaalagan ang sarili para sa batang nasa loob ng kanyang sinapupunan.Subalit sa likod niya ay nakaluhod ang isang babaeng katulong na mayroong namamagang mukha at palihim na humihikbi. Iyon ay dahil katatapos lamang ni Chiarra na ibuhos ang lahat ng galit niya sa babeng iyon na si Tami.Paano ba naman? Buong dalawang linggo siyang hindi pinag-iintindi ni Darson. Hindi na niya kaya pang magtimpi ng galit kung kaya’t binaling niya iyon sa tatanga-tangang si Tami na hindi magawa ng maayos ang paglingkuran siya.“Tami, buksan mo nga ang TV, gustong manood ni baby ng cartoons.”“O-Opo, madam!” nanginginig na tumayo ang babae. Nanlalambot ang mga tuhod na naglakad patungo sa TV upang kunin ang remote at buksan iyon
Inabot ng gabi ang sana'y munting pagsasalo-salo nila Celeste, kasama ang mga magsasaka. Naging malaking selebrasyon iyon, animo piyesta ng isang buong barangay. Naglabasan ng malalakas na musika, mga matatapang na alak at pulutan, na agad nauwi sa nakakaaliw na sayawan.“Malamig ba?” pagtatanong ni Semion kay Celeste kasabay ng pagpatong ng malaking itim na jacket sa magkabilang balikat ni Celeste.Ang kaninang nanlalamig na mga braso ni Celeste dala ng simoy ng hangin ay natabunan ng mainit-init na pakiramdam. Nabawi ang atensyon niya mula sa mga taong nagsasayaw at nabaling sa tabi niya kung saan naupo si Semion.“Salamat.” napangiti siya ng malaki. “Tapos ka na makipag-usap sa mga tauhan mo?”“Tapos na.” inayos pa ni Semion ang pagkakalagay ng kanyang jacket sa katawan ni Celeste. “Wear this properly, or you'll catch a cold.”“Okay po.” natatawang sinuot ni Celeste ang malaking jacket. Naamoy niya ang masarap sa ilong na lalaking pabango ni Semion. Inamoy-amoy niya pa iyon at mapa
Hindi mapakali si Felip habang tinatanaw sa malayo si Celeste na nakaupo sa tabi ni Semion. Halos mag-iisang oras na siya sa kinalalagyan, humahanap ng tiyempo na maghiwalay ang dalawa nang sa gayon ay makausap niya si Celeste.Nagliwanag ang mukha niya nang makitang tumayo si Semion hawak-hawak ang cellphone nito at inilagay sa tainga, saka niya pinanood na maglakad papalayo si Semion, malayong-malayo kay Celeste. Seryoso ang mukha nitong may kinakausap sa cellphone bago tuluyang nawala sa paningin niya.“Tskk!” Hindi ba't kahina-hinala ang ganoong galawan? Bakit pa ito lalayo ng gano’n dahil lang sa may tumawag? Maliban na lang kung may tinatago ito mula kay Celeste at ayaw nito iparinig!Pero dahil do'n ay nakahanap na ng tiyempo si Felip na makapunta kay Celeste.“Celeste!” inagaw niya ang pansin nito at naupo sa tabi nito sa kaninang puwesto ni Semion.“Oh, Felip!” magiliw siyang pinansin ni Celeste. “Saan ka nagpunta? Mukhang kanina ka pa nawala, ah?”Matagal niyang pinakatitigan
Si Semion ay masamang tao at pumapatay kagaya na lang ng mga Allegra?Ang akusasyon na iyon ay hindi matatanggap ni Celeste. Kahit na hindi niya pa lubos na kilala si Semion ay wala naman talaga dapat itong maging masamang pakay mula sa kanya.Noong nag-offer si Semion ng kontrata ay nakita niya ang sinseridad nito. Kung tutuusin ay walang-wala na nga si Celeste noon hanggang ngayon. Hindi pa nakukuha ni Celeste ang lahat ng yaman niya, pero kahit makuha niya iyon ay hindi parin iyon makukumpara sa yaman ni Semion, kaya aanhin nito iyon?Syempre hindi rin naman uto-uto si Celeste para hindi isipin ng komplikado ang sitwasyon, kaya nga't paisa-isang hakbang niyang binubuo ang sariling reputasyon at impluwensya niya sa tulong ni Semion na maaari niya ring magamit na sandata. Kagaya na lamang ng pagkuha niya ng sariling mga tauhan na aamo lang sa kanya. Isa pa, kapag tuluyan niyang nabawi ang mga lupain dito sa probinsya ay mas lalakas pa ang pangalan niya sa mga tao na paniguradong makak
Sunod-sunod na paglabasan ng mga articles tungkol sa naging relasyon ng pamilyang Costa at Allegra ang namayani matapos ng naging interview kay Celete at dokumentaryo sa sinapit ng buhay ng mga magsasaka.Kaliwa't kanan paring mga batikos ang kinakaharap ngayon ni Governor Demetrio na mas lalong kinaiipit nito sa gulo. Paulit-ulit itong hinihingian ng panig ukol sa mga isyu, subalit ang spokesperson lamang nito ang nagsasalita para dito.““Naniniwala ako na makakabangon ang mga inaping magsasaka at residente sa aming acienda. Makakamit nila ang hustisyang ipinaglalaban nila, dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para mangyari iyon.””Naka-ilang ulit nang pinapanood ni Darson ang kaninang interview ni Celeste sa balita mula sa malaking screen ng TV sa kanyang kwarto.Ngunit kahit na ilang beses niyang ulit-ulitin na halos makabisado na niya ang mga linya, hindi parin nababago ang nakikita niyang nakakahalinang kagandahan at katapangan sa itsura ng dati niyang asawa.Hindi maiwasang maala