Share

Chapter 71

Tulala akong nakaupo ngayon dito sa table ko sa opisina ni Michael. Ang mga sinabi sa akin ni Redenn ay paulit ulit kong naririnig mula sa magkabila kong tenga.

Hindi ko pa nakikita ang babaeng tinutukoy ni Redenn, pero may hinala ako na siya ang babaeng kausap ni Michael nitong nakaraan na narinig ko at si Mommy mismo ang nakakita.

Napahinga ako ng malalim. Bakit nga ba may ganitong kaba akong nararamdaman sa dibdib ko? Bakit ba pakiramdam ko ang bigat bigat nito?

At nasaan na ba si Michael? Kanina pa ako rito sa opisina niya ngunit wala siya. Sabi niya agahan ko raw pero siya itong wala rito ngayon.

Patuloy lang ako sa pag iisip nang biglang tumunog ang cellphone kong nakapatong lang dito sa lamesa. Mabilis akong napatingin doon. Napakunot pa ang aking noo.

"Sino 'to?" tanong ko habang nakatingin sa phone ko na patuloy pa rin sa pagtunog.

Hindi kasi naka-save ang numero sa phone ko kaya hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ito o hindi. Nadala na rin kasi ako sa nangyari sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status