Share

Chapter 70

"And I as well, patay na."

Malalim akong napahinga ng maalala ko ang huling sinabi ni Michael sa akin. Mabilis ding kumalabog ang dibdib ko.

"Kung ako sa iyo, Renice kakain ako ng umagahan para 'di naman ako bigla na lang natutulala," sabi ni Redenn habang diretsong nakatingin sa daan.

Mabilis ko naman siyang nilingon habang nakakunot ang aking noo.

"Anong pinagsasasabi mo d'yan?" nakakunot noo pa ring tanong ko.

Bahagya naman siyang tumawa.

"Pansin ko kasi kanina ka pa tulala d'yan. Napapabuntong hininga ka pa. Kumain ka ba ng umagahan?" natatawang tanong muli nito sa akin.

Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi bago ako sumandal sa headrest nitong upuan.

Papunta kami ngayon sa Seth Corporation para sa hindi ko ring alam na dahilan. Basta sinabihan na lang ako ni Michael na maghanda dahil susunduin ako ni Redenn sa villa at pupunta kami ng kompanya.

"Kumain ako, loko ka," sabi ko bago ko ipinikit ang aking mga mata.

Narinig ko naman ang marahang pagtawa niya.

"Sige naniniwala ako,"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status