Share

Chapter 69

Nanatili lang akong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan si Michael na nakaupo rin at nakatingin sa kung saan.

Gusto ko sanang malaman kung ano bang ginagawa niya rito at kung bakit nasa iisa kaming kwarto.

"Alam ko nagtataka ka kung bakit nandito ako," sabi ni Michael bago ako nilingon.

Mabilis naman na nagkasalubong ang mga mata naming dalawa. Ngunit ako ang kaagad na umiwas mula sa tingin niya nang mahalata ko ang pamumungay nito.

"N-nagtataka nga," sagot ko na lang bago ako akmang tatayo na mula sa pagkakaupo.

"Wala ka bang gustong sabihin sa akin?" narinig kong biglang sabi ni Michael. Natigilan naman ako sa kung ano mang ginagawa ko.

Napahinga pa ako ng malalim bago ko siya tinignang muli.

"Ano bang gusto mong sabihin ko?" tanong ko naman sa kanya pabalik.

Nilingon niya akong muli. Hindi ko alam kung bakit may kung anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata. Emosyon na sa tingin ko ay ilang beses ko ng nakita sa mga mata niya.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" bigla
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status