Naiinis pa rin si Evelyn sa tuwing nakikita niya si Carina. Pakiramdam niya siya dapat ang nandoon sa posisyon ni Carina. Si Evelyn ang tipo ng taong hindi mapakali kung walang masamang ginagawa. Kaya naman ay nagplano siya sa darating na kaarawan ng inaalagaan niya na hindi iyon magiging successful. Kailangan may dapat siyang gawin. Tinawagan niya ang kanyang kapatid na si Karen. Para pumunta bukas sa bahay ng amo niya. Hindi na siya nagpapaalam na parang siya na ang nagmamay-ari ng bahay.Abala naman ang pamilya nila Carina at Loid, nag arrange na rin ng mga tables and chairs ang mga tauhan na kinuha nila bilang catering.“Hello sister, kumusta? Alam mo bang may malaking handaan dito sa bahay ng amo ko. Birthday kasi ng anak nila mag 1year old kaya pumunta ka din bukas dito.”“Sigurado ka ba Evelyn, baka naman magtataka ang amo mo kung pupunta ako diyan wala naman akong imbitasyon.”“Hayaan muna andito naman ako, ipagpaalam nalang kita sa guard dito sa villa. Bibigyan ko lang iyon n
Pagkatapos kumain nina Patrick ay tiningnan niya ang kanyang phone at nakita niyang nagmessage pala si Dina. Agad naman siyang tumawag baka nag alala iyon. “Hello babe, sorry nga pala hindi kita nareplyan agad kasi kumakain pa kami at matagal natapos kasi nagkwentuhan pa.”“Okay lang babe, nasa Pilipinas ka na ba?”“Oo babe, kararating lang namin. Ikaw ba?”“Oo, nandito na rin ako. Kanina umaga ako dumating.”“Oh! Talaga? Halos magkasabay pala ang flights natin.”“Haha oo nga eh! I miss you babe.”“I miss you, too babe. Kita nalang tayo after sa event ng pinsan ko. Para makapasyal din naman tayo.”“Ay! Gusto ko iyan. O di kaya pasyal ka dito sa amin sa Batangas.”“Oh! Talaga! Gusto ko iyan sa probinsiya.” Sagot ni Patrick.“Sige ba, oh! Siya sige na baka busy ka pa. Nag update lang ako kung okay lang ba ang flights ninyo.” Sabi ni Dina. “Oh! Bro, kanina ka pa hinahanap ni mom kasi nandito na daw sila auntie at uncle.” Sabi ng babae sa kabilang linya.“Sino iyon babe?”“Ah! Twin sist
Nagsimula na nga ang birthday party. Masaya ang lahat. Nagmessage naman si Loid kay Patrick para ipaalam na huwag muna siyang lalabas.Nasa ibang table naman sina Dina kasama ang pamilya niya at ang pamilya ni Carina. Kasi sa kabilang table ay ang pamilya naman ni Loid.“Ah! Mom, si Dina nga po pala best friend ko sa London noong nagtatrabaho ako doon. Magkasama kami sa apartment at subrang bait nito. Si auntie Deza naman mother ni Dina at ang bunso nilang kapatid si Danilo. Actually tatlo talaga silang magkapatid kaso nasawi sa isang car accident kasama ang ama ni Dina.” Kwento ni Carina.“Oh! I’m sorry to hear that Deza. Nice to meet you!”“Ah! Auntie, mom ko nga pala si mommy Cora at sila naman ang mga kapatid ko sina Carlos at Caleb.” Pakilala ni Carina.“Oh! Nice to meet you sa inyong lahat. Mabuti naman at nagkakilala ang mga anak natin. Hindi na hohomesick ang anak ko doon sa London.” Sabi ni Deza.“Haha! Sinabi mo pa, beleb nga din ako sa anak ko kasi simula noong namatay ang
Agad-agad naman na nagmamadaling pumunta sa hospital ang pamilyang Taylor. Habang nagtataka naman sina Deza at Danilo, pati na ang pamilya ni Carina kung bakit mabilis ang lakad nila. “Excuse me, anak!” tawag ng ina ni Carina. “Anong nangyari bakit nagmamadali ka hindi pa naman tapos ang party di ba?”“Mom, kailangan po namin pumunta sa hospital kasi po tumawag si Loid, sabi niya dinala daw niya si Patrick sa hospital dahil naninikip daw ang dibdib at hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung ano ang dahilan.” Alalang sabi ni Carina.“Ganoon ba, sige! Ako na ang magbabantay kay Carmela. Punta na kayo doon. Dalhin ko nalang siya sa bahay, tapos daanan niyo nalang siya mamaya.”“Sige mom salamat po. Ah! Iyong mga regalo mom. Ipapahatid ko nalang kay Ricky para wala nang problema.” Sabi ni Carina.“Okay sige anak. Mag ingat kayo. Balitaan mo nalang ako kung ano na ang kalagayan ni Patrick.” Umalis na si Carina kasama ang family ni Loid. “Ano daw nangyari kay Patrick, Cora?”“Naku! H
Kinausap ni Carina ang naka assign sa nagmomonitor ng CCTV. Tiningnan nila iyon at nagulat siya sa nakita niya. Tama nga ang kutob niya, bigla siyang nakadama ng galit. Humingi siya nang copy sa management ngunit sinabi niyang huwag bigyan ang pamilya ni Patrick. Naisip ni Carina na madami nang ginawang kasalanan ang babaeng gustong sirain ang pamilya nila.Nakauwi na sila ng bahay, nag aantay pala doon sa labas si Loid. Nag abang sa kanya kung umuwi na siya. “Oh! Hon, bakit nandito ka pa sa labas?”“Saan ka ba nagpunta hon? Alam mo bang nag aalala ako. Hindi ka man lang sumabay sa amin ni Carmela.” Sabi ni Loid.“Pasensiya ka na hon, may kinuha lang ako sa bahay namin.”“Ah! Ganoon ba, akala ko naman ay saan ka na nagpunta.”“Ah! Tulog na ba si Carmela?”“Yes hon, halika na pasok na tayo.”Pumasok na sila, sa sala ay nakita nila na nandoon si Evelyn nanonood nang tv at kumakain. Nagfeeling na may-ari ng bahay. “Oh! Evelyn, bakit gising ka pa? Matulog ka na kasi babantayan mo pa si
Patuloy pa rin ang patak nang luha ni Dina. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, galit siya kay Patrick dahil bago pa lang sila nagkaayos at ayon nagkaproblema na naman. “Dina..Dina..teka lang, ano bang nangyayari sa iyo?” hindi naririnig ni Dina ang tawag ko.Kaya binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa maabutan si Dina. Hinawakan ko ang braso ni Dina at humarap ako sa kanya. “Dina, ano bang nangyayari sa iyo?”“Please Carina gusto ko munang mapag isa.” Ang sabi niya sa akin.“Bakit? Hindi ba kayo nagkaayos ni Patrick?”“Carina, please! Nasasaktan ako kasi akala ko magiging okay na kami. Pero nung kinausap ko siya tungkol sa pag amin namin sa relasyon namin sa aming pamilya ay nagdadalawang isip siya.” Naiiyak na sabi ni Dina.“Ano?! Parang hindi naman si Patrick ang kausap mo. Hindi ako makapaniwala na kailangan pang itago sa mga magulang niya ang relasyon ninyo. Ano bang rason niya? Ipinaliwanag ba niya sa iyo?” ang tanong ko kay Dina.“Hindi nga maliwanag ang sag
Labag sa kalooban ni Evelyn ang ipinapagawa ng kapatid niya pero may magagawa pa ba siya? “So, ano nang plano ninyo kay Evelyn? Bibigyan niyo ba siya nang second chance?” tanong ni Olivia.“Ah! Siguro mom, Oo kasi next week magbabakasyon kami ni Carina kasama si Carmela at siyempre kailangan namin na may mag aalaga kay Carmela.” Sagot ni Loid.“Ano?!” nagulat ako nung malaman ko na may pinaplano pala si Loid. “Bakit ngayon mo lang sinabi?”“I’m sorry hon, gusto ko sana na e surprise kaya lang nasabi ko na.” sagot naman ng asawa ko.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pa surprise niya or nag aalala ako na baka kung anong may mangyari doon sa pagbabakasyon nila. Wala na akong tiwala sa babaeng iyon. “Ayaw mo ba hon?! Para naman makapag relax tayo. Na stress na ako sa work, kailangan ko nang tahimik na lugar na kasama kayo ni Carmela.” Sabi ni Loid.“Ah! Hindi naman sa ganoon, puwede naman tayong tatlo lang.” “Bakit hon? Ayaw mo ba na may magbabantay kay Carmela para naman makapagso
Naiinis si Evelyn sa palaging utos ni Carina sa kanya. Habang tahimik naman silang kumakain. Binasag ko ang katahimikan nang naramdaman ko na wala man lang kumikibo sa aming lahat.“Oh! So, Dina. Kailan pala ang balik mo sa London?”“Ha?!” nagulat si Dina sa tanong ko sa kanya. “Ah! This coming Sunday na.”“Bakit naman ang aga mong umuwi Dina? Nagplano pa naman ako na magbabakasyon muna tayong lahat sa isla bago ka bumalik sa London. Pati na ang mga pinsan ko.” Sabi naman ni Loid sa kanila.“Ah!..pasensiya na kayo Loid, baka next time nalang kasi alam mo naman kunti nalang masasahod ko kasi mga dalawang linggo din ang vacation ko. Kailangan nila mom nang supporta ko.” Sabi ni Dina sa amin.“Ano ka ba anak, puwede mo naman tapusin ang bakasyon mo. Bakit may iniiwasan ka ba?”Nagtinginan sina Dina at Patrick. Tahimik lamang ang lahat ngunit nagsalita naman si Pia.“Oh! I thought, alam ng mom mo ang tungkol sa inyo nang brother ko.” Nagulat ang lahat sa sinabi ni Pia.Nahiya naman si Di