Patuloy pa rin ang patak nang luha ni Dina. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya, galit siya kay Patrick dahil bago pa lang sila nagkaayos at ayon nagkaproblema na naman. “Dina..Dina..teka lang, ano bang nangyayari sa iyo?” hindi naririnig ni Dina ang tawag ko.Kaya binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa maabutan si Dina. Hinawakan ko ang braso ni Dina at humarap ako sa kanya. “Dina, ano bang nangyayari sa iyo?”“Please Carina gusto ko munang mapag isa.” Ang sabi niya sa akin.“Bakit? Hindi ba kayo nagkaayos ni Patrick?”“Carina, please! Nasasaktan ako kasi akala ko magiging okay na kami. Pero nung kinausap ko siya tungkol sa pag amin namin sa relasyon namin sa aming pamilya ay nagdadalawang isip siya.” Naiiyak na sabi ni Dina.“Ano?! Parang hindi naman si Patrick ang kausap mo. Hindi ako makapaniwala na kailangan pang itago sa mga magulang niya ang relasyon ninyo. Ano bang rason niya? Ipinaliwanag ba niya sa iyo?” ang tanong ko kay Dina.“Hindi nga maliwanag ang sag
Labag sa kalooban ni Evelyn ang ipinapagawa ng kapatid niya pero may magagawa pa ba siya? “So, ano nang plano ninyo kay Evelyn? Bibigyan niyo ba siya nang second chance?” tanong ni Olivia.“Ah! Siguro mom, Oo kasi next week magbabakasyon kami ni Carina kasama si Carmela at siyempre kailangan namin na may mag aalaga kay Carmela.” Sagot ni Loid.“Ano?!” nagulat ako nung malaman ko na may pinaplano pala si Loid. “Bakit ngayon mo lang sinabi?”“I’m sorry hon, gusto ko sana na e surprise kaya lang nasabi ko na.” sagot naman ng asawa ko.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pa surprise niya or nag aalala ako na baka kung anong may mangyari doon sa pagbabakasyon nila. Wala na akong tiwala sa babaeng iyon. “Ayaw mo ba hon?! Para naman makapag relax tayo. Na stress na ako sa work, kailangan ko nang tahimik na lugar na kasama kayo ni Carmela.” Sabi ni Loid.“Ah! Hindi naman sa ganoon, puwede naman tayong tatlo lang.” “Bakit hon? Ayaw mo ba na may magbabantay kay Carmela para naman makapagso
Naiinis si Evelyn sa palaging utos ni Carina sa kanya. Habang tahimik naman silang kumakain. Binasag ko ang katahimikan nang naramdaman ko na wala man lang kumikibo sa aming lahat.“Oh! So, Dina. Kailan pala ang balik mo sa London?”“Ha?!” nagulat si Dina sa tanong ko sa kanya. “Ah! This coming Sunday na.”“Bakit naman ang aga mong umuwi Dina? Nagplano pa naman ako na magbabakasyon muna tayong lahat sa isla bago ka bumalik sa London. Pati na ang mga pinsan ko.” Sabi naman ni Loid sa kanila.“Ah!..pasensiya na kayo Loid, baka next time nalang kasi alam mo naman kunti nalang masasahod ko kasi mga dalawang linggo din ang vacation ko. Kailangan nila mom nang supporta ko.” Sabi ni Dina sa amin.“Ano ka ba anak, puwede mo naman tapusin ang bakasyon mo. Bakit may iniiwasan ka ba?”Nagtinginan sina Dina at Patrick. Tahimik lamang ang lahat ngunit nagsalita naman si Pia.“Oh! I thought, alam ng mom mo ang tungkol sa inyo nang brother ko.” Nagulat ang lahat sa sinabi ni Pia.Nahiya naman si Di
“Oh! Hon, what’s wrong?”“Nothing hon. Nag uusap lang kami ni Evelyn, may sinabi lang ako sa kanya.” Sagot ko sa aking asawa.Hindi na kumibo si Evelyn, tahimik lamang siya pero nakadama siya ng galit kay Carina. Kung hindi lang dumating ang asawa nito at si Pia ay baka nasabunutan na niya ito.Makalipas ang isang oras ay nagpaalam na sina Pia at Patrick. Masaya naman sina Loid at Carina dahil kahit na maikli lamang ang oras na nakasama nila ang mga mahal nila sa buhay ay worth it naman.“Hon, ano bang nangyari kanina bakit ang tahimik ninyo ni Evelyn nang dumating kami ni Pia?“Hon, puwede ba kalimutan muna kung ano man ang pinag usapan namin kanina. Tungkol lang iyon sa trabaho.”“Galit ka ba? Nagtatanong lang naman ako.”“Hindi naman sa ganoon na galit ako. Pagod lang ako kaya medyo tumaas ang boses ko.” Ang sabi ko kay Loid.“Okay sige, magpahinga ka na muna. Tingnan ko lang si Carmela sa kabilang kwarto baka nagising na iyon.”“Sige, iidlip lang ako. Pagkatapos ikaw naman ang mag
Nais mangisda ni Alfred sa laot dahil sa maganda ang panahon kaya naman ay agad siyang pumunta sa tabing dagat. Si Alfred ay isang residente sa isla na iyon. Nakatira siya sa isla kung saan sagana ang mga pagkaing dagat. Kontento na siya sa buhay, dalawa lang silang magkapatid, ngunit ang kapatid niyang babae ay dinala nang kanyang ama para pag aralin sa kolehiyo pagkatapos mamatay ang kanilang ina. Namuhay na siyang mag isa sa isla nasa gulang na tatlumpu na siya ngunit wala pa siyang asawa dahil sa ayaw pa din niya magkaroon ng obligasyon at masaya na siya sa ganoong buhay.Malapit na siya sa tabing dagat nang biglang may narinig siya iyak ng isang bata, hinanap niya iyon at natagpuan nga niya ang isang batang babae na nakababad sa dagat, umiiyak ito dali-dali niyang nilapitan ang bata at kinarga niya iyon. Aalis na sana siya nang may narinig uli siya na may boses nang babae. Bumalik siya sa pinanggalingan niya hinanap niya ang boses na iyon at nagulat siya nang makita niya ang isan
Isa iyon sa masayang araw para sa akin. Nararamdaman ko ang saya sa aking puso, napangiti na lamang ako habang nakita ko si Alfred. Tinitigan ko si Alfred, may itsura pala ang lalaking ito. Hindi ko alam ang nararamdaman ko parang nahuhulog ata ang puso ko sa kanya. Ngunit alam kung hindi puwede kasi may pumipigil sa isip ko na hindi puwede akong mahulog sa kanya, pero bakit?“Hey! Ana, may dumi ba ako sa mukha?” Nagulat ako sa tanong niya.“Ha?! Sorry, may iniisip lang ako. Wala ka naman dumi sa mukha.”“Ah! Okay, bakit titig na titig ka sa akin? Ah, alam kuna may gusto ka sa akin anuh?“Oh! Hindi kita type anuh?” Iyon ang sinabi ko sa kanya.Hindi na siya sumagot sa sinabi ko sa kanya. Biglang nagbago ang timpla nang mukha niya. Naka offend ata ako kay Alfred, nagtampo ata siya sa sinabi ko sa kanya na guilty tuloy ako sa sinabi ko sa kanya.Umalis nalang bigla si Alfred pagkatapos niyang kumain, hindi man lang siya nagpaalam sa akin kaya niligpit ko nalang ang aming pinagkainan.Na
Kinakabahan na nga si Alfred at bakit hindi sumasagot si Ana. Habang nawalan naman nang gana si Ana na sagutin ang tawag ni Alfred sa kanya dahil sa masyado siyang nag alala sa bata kung ano na ang nangyari dito. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor, dali-dali siyang lumapit sa doctor para tanungin ito kung ano ang kalagayan ng bata. Sinabi naman nang doctor na okay na ang bata at a day after ay puwede na itong lumabas sapagkat inoobserbahan pa nila ito.“Salamat naman sa Diyos at okay na si Carmela.” Ang sabi ko sa aking sarili. Hindi talaga ako mapakali na para bang may kakaiba sa aming dalawa na para bang ako ang tunay na ina ni Carmela dahil sa ganoon na lamang ang pag alala ko sa kanya. Ako lamang mag isa nakabantay kay Carmela dahil si Aling Martha ay umuwi na para kumuha nang damit ko at kay Carmela. Dumating na nga si Alfred sa bahay nila, tahimik ang bahay kaya nagtataka siya kung nasaan sina Ana at Carmela. Sakto namang dumating ang tita niya na si Martha.“
Nakarating na sa opisina si Loid, nagulat ang lahat nang staff na empleyado doon nang makita siyang paparating. Dali-dali nilang inayos ang mga kalat sa mesa nila. Dumiretso siya sa kanyang opisina at nakita niya doon ang kanyang kaibigan at business partner na si Anthon. Si Anthon dela Cruz ay nakakabatang kaibigan ni Loid, subrang close nila at lahat nang mga problema na mayroon sila ay pinag uusapan nila at sila mismo ang nagtutulungan na humanap nang paraan na mabigyan nang solusyon.Ngunit napansin ni Loid na may kasama itong babae na hindi siya pamilyar pero ang babae ay may kahawig ito. Dahil nga matagal siyang nawala sa opisina halos isang taon din at nabura din ang memorya niya pansamantala ay hindi na niya matandaan kung empleyado ba siya nang kompanya.“Oh! Bro, kumusta? Mabuti naman at nandito ka na. Okay ka na ba?! Babalik ka na ba sa trabaho?” tanong ni Anthon.“Yes, bro. Okay lang ako, medyo matagal din ako nawala sa kompanya at ngayon ay ok na ako kaya kailangan ko na u