Share

14: DON'T LEAVE

Mahirap para sa akin ang desisyon kong umuwi. Nakakaramdam ako ng takot at lungkot dahil naging tahanan ko na rin ang Paso De Blas sa loob ng dalawang buwan. Pero nangako na ako kay Isabelle na uuwi na ako.

Ilang beses na rin akong hinanap ng aking mga magulang sa kaniya. Para hindi raw kasi mag-alala ang mga ito, sinabi niyang sa condo niya muna ako tumutuloy dahil nahihirapan daw akong maging kumportable sa mansiyon.

Kaya hindi puwedeng hindi ako umuwi.

Isa pa, iyon din ang kagustuhan nina Leon at Ate Aira para sa akin. Para tuluyan na akong makalayo kay Marco, mainam nang ituloy ko ang aking pag-alis. Ang sabi pa nila, mas makabubuti kung hindi ko ito sasabihin kay Marco ang tungkol sa plano ko.

Pero iyon ang hindi ko kayang gawin. Hindi man ako nirerespeto ni Marco sa ibang bagay, mabait naman ang pakikitungo niya sa akin kahit paano.

Pagsapit ng Sabado ng gabi, alas siete palang ay narinig ko na agad ang busina ng kaniyang sasakyan. Dali-dali akong bumaba ng first floor para pagb
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status