Share

15: HIS ILL-MANNERED FRIENDS  

Nakasakay ako ng sasakyan ni Marco. Linggo ngayon at niyaya niya akong pumunta sa birthday party ng isa sa mga kaibigan niyang ayon sa kaniya ay hindi pa niya naipapakilala sa akin.

Ilang oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang plano ko. Naisip ko naman, mamaya kapag nasa resort na kami, saka ko nalang sasabihin sa kaniya. Panigurado namang nasa mood siya mamaya.

Bumaling ako sa kaniya at nakitang pasipol-sipol pa siya.

“Masaya ka yata?” tanong ko.

Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang marinig ang sinabi ko.

“Of course. Sa wakas kasi ay maipakikilala na kita sa ibang mga kaibigan ko.”

“Masyado ba silang marami para ipakilala sa akin?”

Umiling siya.

“No, actually, apat lang sila. Si Aiko, Tanya, Hera, at Lia.”

Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalan ng mga ito.

“Si Tanya ang may birthday. Galing din siya sa isang mayamang pamilya. Businessman ang kaniyang ama. Yung pinapatayong warehouse sa Barangay Antonio, sila ang may-ari niyon. Sina Aiko, Hera,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status