Share

Chapter 3

Hindi ko na maiwasang kabahan dahil dalawang gabi nang hindi umuuwi si Gian. Lumipas na ang araw, ngunit wala akong nakita ni anino niya rito sa bahay.

Ganun niya na ba ako inaayawan? Ni bumisita sa bahay niya ay hindi niya magawa?

Dahil wala naman siya ay hindi ko na napag-desisyunan na magluto. Nagsaing lang ako at bumili ng delatang ulam. Halos katatapos ko lang kumain at kasalukuyang nakaupo sa sala, nag-aalala parin kay Gian nang bumukas ang pinto. Wala namang ibang tao ang maaaring pumasok dito kun'di si Gian lang, kaya dali-dali akong lumapit dito para salubungin siya.

Ngunit nagulat nalang ako nang bumungad siya sa aking lasing na lasing. Halos pumikit na ang mga mata nito at kapit na kapit sa pinto para hindi matumba at mawalan ng balanse. Mabilis akong lumapit sa kaniya para alalayan, ngunit hindi ko pa siya tuluyang nahahawakan nang iwasan niya ako. Kahit hirap ay pinilit niyang tumayo at maglakad papasok. Nakasimangot kong sinara ang pinto habang nakasunod ang paningin sa kaniya.

Nang maglakad ito ay muntikan pa itong matumba kaya patakbo akong lumapit sa kaniya para alalayan. Mabilis ko siyang sinundan at kahit umiiwas ay nakaalalay ako sa likod niya.

"Saan ka ba galing? Bakit lasing na lasing ka? Dalawang araw kang hindi umuwi," sunod-sunod kong tanong sa kaniya nang makarating sa sala.

"Nagugutom ako. May pagkain ba?" Sa halip na sagutin ang tanong ko ay binato niya lang din ako ng tanong. Bigla naman akong nataranta nang sabihin niya 'yon. Akala ko hindi siya uuwi kaya hindi ako nagluto.

"Uhm... W-al-a eh-h. Aka-la ko hindi ka u-uwi." Nagsimula akong kabahan nang tuluy-tuloy lang itong naglakad papunta sa kusina.

Inis ako nitong hinarap nang walang datnan sa mesa. Bigla akong napahawak sa dibdib sa lakas ng mga titig niya. Parang biglang nawala ang kalasingan niya nang pasugod na lumapit sa akin.

"P*****a, Jane! Bakit walang pagkain? Anong kwenta mo, ha? Anong ginawa mo buong araw? Minsan lang ako umuwi hindi mo pa ako magawang pagsilbihan. Bakit ha, wala ka rito buong araw? Ano?! Nanlalaki ka, ha?!"

Napapikit ako nang malakas niya akong sigawan. Amoy na amoy ko rin ang amoy alak niyang hininga.

"Akala ko hindi ka uuwi. Kahapon pa kita hinihintay eh," sagot ko kahit kinakabahan na. Napakapit nalang ako sa dibdib ko nang malakas niyang suntukin ang mesa.

"This is my house, pano mo nasabing hindi ako uuwi?! So you think porket asawa na kita sa 'yo na 'to, ha?!"

"Hindi, hindi. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin," mabilis kong sagot. Bakit ba napakababaw niya. Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Never kong naisip 'yon.

Bago pa siya tuluyang mag-apoy sa galit ay nagsalita ako.

"Bibilhan nalang kita ng pagkain sa labas. Marami pa sigurong bukas ngayon, bibilhan nalang kita ng pagkain. Mabilis lang ako." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Mabilis akong lumabas ng bahay at patakbong naghanap ng bukas pang karenderya.

Noong una ay nag-alangan pa ako. I never bought him a food na mula sa karenderya, madalas ko siyang makitang may dalang pagkain na mukhang mamahalin. 'Hindi ko nalang siguro sasabihin kung saan ako bumili. Ang importante ay may makain siya.'

Hindi pa ako nakalalayo nang makita ang isang karenderya. Patakbo akong lumapit dito at agad na tiningnan ang mga lutong ulam. Nag-order lang ako ng isang order ng kare-kare, adobo at menudo. May sinaing naman sa bahay kaya ulam lang ang binili ko. Nang iabot sa akin ang supot ng binili ko ay agad kong dinukot ang bulsa para kumuha ng pambayad. Mabilis kong kinapa ang bawat bulsa ng maong na suot, muli ko pang kinapa nang wala akong mahawakang walet. Saka ko lang naalala na wala pala akong dalang pera sa sobrang pagmamadali ko kanina. Nag-aalangan ako kung kukunin ko ba ang binili o ibabalik nalang dahil wala akong pambayad.

"Pasensya na po, nakalimutan ko pong magdala ng pera." Gumuhit ang mataray na kilay ng tindera dahil sa sinabi ko. Kahit ba naman sa labas ng mansyon ang negative ng nakakasalamuha ko.

"Talaga ba, ineng? Bibili ka wala ka naman palang pera?" Hindi mataas ang tono ngunit sa pandinig ko ay mataray na ito. Tuluyan ko ng hindi tinanggap ang supot at nagpaalam na babalik nalang. Muli rin akong humingi ng paumanhin.

"Pasensya na po talaga. Balikan ko nalang po, kukunin ko lang 'yong pera ko sa bahay. Mabilis lang po ako, diyan lang naman po ako sa kabilang kanto nakatira."

Masama pa akong tinitigan ng tindera bago tumango bilang pagpayag. Magsisimula na sana akong tumakbo para bumalik sa bahay at kumuha ng pera nang may magsalita sa likod ko, dahilan para mapahinto ako.

"Ako nang magbabayad. Magkano ba lahat, ale? Ito oh, isama mo na rin iyong kinain ko. Isang order ng kanin at ulam na adobo." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Sinundan ko lang siya ng tingin nang abutin niya sa ale ang isang libo.

"Singkwenta lahat ng kinain mo, 120 pesos naman ang kinuha niya." Nginusuan ako ng ale bago muling ibinalik ang paningin sa pagbibilang ng sukli ng lalaki. Naramdaman ko namang nakatingin ang lalaki sa akin, ngunit naputol din nang iabot ng ale ang sukli niya. "Salamat hijo, balik ka ulit dito, suki ha."

Nginitian na lamang siya ng lalaki bago umalis. Kinuha ko ang binili ko, nagpasalamat pa ako sa ale bago patakbong sinundan ang lalaking sumagot sa pambayad ko.

"Teka lang!" agaw ko sa pansin niya. Huminto naman ito nang marinig ang sigaw ko. Nakatalikod siya sa akin kaya hinarap niya ako. Patakbo pa akong lumapit sa kaniya. "Babayaran kita, malapit lang dito ang tinitirhan ko. Kung pwede, hintayin mo ako rito at kukunin ko lang ang pera ko?" sabi ko agad nang makalapit.

Nginitian niya ako dahilan para mapansin ko ang gwapo niya palang mukha. Ngayon ko lang napansin na halos magka-edad lang kami. Matangkad siya, mistiso, at napaka-amo ng mukha. Base sa pananamit at awra niya, mukhang mayaman.

"I thought you will thank me," marahan niyang sabi. "Pero no need, para 120 lang, hindi naman ako hihirap sa 120 na nawala sa pera ko, eh. Thank you is enough. But for now, I'm in a hurry eh. May meeting pa ako so bye. Nice meeting you!" sunod-sunod niyang wika bago dali-daling naglakad palayo. Bago pa siya mawala sa paningin ko ay pasigaw ko siyang pinasalamatan.

"Salamat!"

Tinaas lang nito ang kaliwa niyang kamay and I accepted it as an answer. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay nakangiti akong naglakad pabalik sa bahay.

Naisip ko, mabuti nalang at sinagot niya ang pambayad ko. Dahil kung hindi, hihingal-hingal siguro akong nakaharap sa tindera ngayon. Ako naman kasi, sa sobrang pagmamadali hindi na naisip ang pera na pambili.

Ilang minuto lang akong naglakad pabalik nang makarating ako sa bahay. Ngunit ang ngiti sa mukha ko kanina ay muling napalitan ng takot at pag-alala sumagi lang sa isip ko na nasa loob ulit ako ng mansiyon. Ang lugar na ni minsan ay hindi ko naramdamang ngumiti.

Akmang hahawakan ko na ang knob ng pinto nang mapansin ko itong nakabukas. Ang pagkakaalala ko, nasara ko ito kanina. Hindi ko naman iniiwang nakabukas ang pinto eh. Lalo na't sigurado akong nasa loob si Gian, at lasing na lasing pa.

Nagtataka man ay isinara ko nalang ito nang makapasok. Nasa hallway na ako papuntang sala nang mapansin ko naman ang pares ng heels na kulay pula. Sigurado akong hindi ko ito pagmamay-ari. Bukod sa hindi ko gusto ang magsuot ng heels, wala rin akong pambili nito.

Nag-umpisang kabahan ang dibdib ko habang dahan-dahan akong naglalakad papasok sa sala. Mas tumindi pa ang kabog ng dibdib ko nang makita ang shirt ni Gian na suot niya kanina, sa sahig.

Maya-maya pa'y may narinig akong mga halinghing at ungol mula sa taas. Boses ito ng babae at lalaki. Sinundan ko ang kung saan nagmumula ang tunog. Dinala ako nito sa kwarto ni Gian. Nakasara ang pinto pero rinig na rinig ko ang nangyayari sa loob. Lahat ng tubig sa katawan ko ay umakyat sa ulo ko at tumulo sa mga mata ko. I am hearing it my own ears. Sarap na sarap pa sila sa ginagawa nila.

"I love you, babe."

"I love you more. Ugh, yes, that's it. Uhmm."

"We already did it last night, but I still want more. Shane, hmm."

Nabitawan ko ang hawak kong supot ng ulam para pigilan ang sariling humikbi. Hawak-hawak ko ang bibig ko habang tuloy-tuloy na umaagos ang mga luha sa mata. Rinig na rinig ko, klarong-klaro.

Alam kong hindi niya ako mahal, at para sa kaniya wala akong kwenta. Pero sobra naman ata na sa sarili pa naming pamamahay gagawin 'to. Asawa niya na ako, kaya siguro may karapatan na akong sabihing bahay ko 'to? Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Pero kahit alam kong masakit, nagawa ko pang idikit ang taenga ko sa pinto ng kwarto niya para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Babe, how about Jane. Is it really okay to do this here? Baka makita niya tayo."

"Hayaan mong makita niya. It's fine. This is my house after all. Gusto ko ang masusunod. Saka ano bang magagawa niya? Ni hindi niya nga ako kayang labanan kapag sinasaktan ko siya. Don't worry, what all matters here is I love you."

Napuno pa ng halinghing ang kwarto. Dinig na dinig ko ang boses ni Shane na sarap na sarap sa ginagawa sa kaniya ni Gian. Napahawak ako sa dibdib ko. Bigla akong hindi makahinga. Halos mag-isang minutong sumakit ang dibdib ko at naghahabol ng hininga bago umayos ang pakiramdam ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi at masamang tinitigan ang pinto ng kwarto niya.

'Hindi man kita kayang labanan tuwing sinasaktan mo ako, 'yon ay dahil natatakot ako na baka mas lalo mo pa akong saktan, mas lalo mo pa akong pahirapan. Pero ngayon, masyado mo na akong inaabuso. Hindi porket ganito lang ako ay tatapak-tapakan niyo na ako.'

Kung nandito lang siguro si papa, wala ako ngayon sa sitwasyon ko. Sigurado na ipagtatanggol niya ako. If he's only on our side, siguradong masaya kami ngayong pamilya at hindi ko kailangang sapilitang ikasal sa lalaking 'to.

Kahit anong pahid ko ng luha ko ay tuloy-tuloy parin itong umaagos mula sa mata ko, dumagdag pa ang pananakit ng dibdib ko. Dahan-dahan kong sinandal ang ulo ko sa pinto habang nakapikit na pinakikinggan ang mga ungol nila. Then suddenly, dahan-dahang bumukas ang pinto. Bumilog ang mga mata ko nang tuluyan ko na silang makita. Nakalimutan ata nitong mag-lock ng pinto. Kitang-kita ko ang hubod hubad na katawan ni Shane, maging ni Gian.

In a months of us living together, ni likod ni Gian ay hindi ko pa nakikita. At ang sakit-sakit sa part ko na makita siyang n*******d habang kasiping ang ibang babae. Ako dapat iyong nasa sitwasyon ni Shane. I am his wife, but why is he doing this sa hindi niya naman asawa? Ang sakit.

Ako 'yong asawa, pero heto ako ngayon, nakatingin sa kanila habang ginagawa 'yong bagay na kami dapat dalawa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status