Share

KABANATA 17 (Almost)

“Gusto mong uminom?” nakangiting turan ni Glayscent kay Haniel.

“Dali na, bumawi ka sa akin. Alalahanin mo may kasalanan ka pa. Inom tayo, order ka nalang ng chicken. May nakita akong soju at beer sa ref, gusto kong matry ‘yung alak ng mga Korean. Masarap daw ang chicken at soju eh.” Parang walang bakas ng nangyari kanina ang mga pananalita ngayon ni Glayscent, na parang walang nangyari kanina sa labas.

Napatawa na lamang si Haniel at sinunod ang kagustuhan nya. Pagdating ng manok ay inilatag iyon ni Glayscent sa center table at naglabas din ng soju at beer.

“Tara, movie marathon tayo, aalis na tayo bukas eh. Hindi ko na naman nasulit ang paggagala dahil sa isang tao d’yan na oa kung magalit.” Halatang pinariringgan sya nito kaya naman pabiro nya itong sinamaan ng tingin na ikinatawa na lamang ni Glayscent.

“Hmmm! Ang sarap naman ng manok na ito,

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status