Share

KABANATA 18(Matandang nag-memenopause, named Haniel)

Matapos ang nangyaring iyon sa kanila sa Korea ay hindi na muli pang pinag-usapan nina Haniel at Glayscent ang tungkol doon. Nais mang magtanong ni Glayscent ay hindi nya magawa dahil halata na kay Haniel ang ginagawang pag-iwas. Hanggang sa makauwi sila sa Pilipinas ay wala itong imik sa buong byahe at nakakutok lamang sa kanyang laptop habang inaasikaso ang mga naiwang Gawain sa kumpanya.

“Mama! Sobrang miss na miss na po kita! Buti umuwi ka na po.” Bakas ang pagkasabik ng anak sa kanya na agad na tumakbo patungo sa kanya nang makita silang papasok na sa mansyon.

“Na-miss din kita ng sobra, babay ko. Kumusta ka? Behave ka ba kina lolo at lola? Hindi ka pasaway?” tanong nya habang karga ang munting bata.

Sunod-sunod na pagtango ang isinagot sa kanya ni Nigel na may kasamang matatamis na ngiti. Ito ang isa sa mga na-miss nya ng sobra sa anak, ang pagiging napakalambing nito at ang matatamis na ngi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status