Share

BACK TO ME C.5

"Ma'am Dailyn..,, ma'am.. okay ka lang?" boses ni Ella ang narinig kong nagpabalik sa aking diwa. "huh... bakit eEla may sasabihin ka?"

"Kanina pa ako rito maam Dailyn, malalim ho ata ang iniisip mo, may problema po ba?"

"Ah.., wala naman, iniisip ko lang si ate Aileen."

"Yan nga rin po ang balita sa buong bayan, Ma'am Dailyn. Dahil hindi raw ho natuloy ang engagement party ng anak ni mayor at ni ma'am Aileen, dahil nakipagtanan daw po ang ate mo sa ibang lalaki." saad naman niyang halatang isa ring tsismosa.

"Oo, hindi ko nga alam kung nasaan ang ate ko ngayon. Hindi ko rin s'ya makontak, kaya nag aalala ako para sa kanya. Hindi ko rin alam kung totoo ngang nakipagtanan si ate Aileen, Ella." sagot ko na lamang, wala rin naman saysay kung maglilihim pa kami. Tulad nga ng sabi niya tsismis na sa buong bayan ang hindi na tuloy na engagement party. Mabuti na lang at napag usapan namin nila mama na ilihim muna sa iba ang kasal namin ni Edward.

"Ano nga yung kailangan mo, Ella?" tanong ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status