Share

Chapter 33

Nakikita ni Leslie sa mukha ni Dave na galit ito. Hindi naman sya nakakaramdam ng takot dito kaya nanatili pa rin siya sa loob ng sasakyan at hindi na siya bumaba pa ng pigilan siya ni Dave.

"Alam kong galit ka sa ginawa ko, humingi na ko ng tawad at kung hindi mo matanggap ang sorry ko wala naman akong magagawa! May naitatabi pa naman akong ipon babayaran ko na lang ang nagastos nyo sa akin sa ospital at sa pagpapatira nyo sa akin sa bahay nyo." basag ni Leslie sa katahimikan na bumabalot sa kanila ni Dave.

"That's bull shit! Hindi kita sinisingil Leslie!." paasik na wika ni Dave na ikinayuko ng ulo ng dalaga.

"Hindi ako galit sayo, okay! nagagalit ako sa lalaking gusto kang paghigantihan dahil lang sa kahihiyan na naibigay mo sa pamilya nila. Oo aaminin ko na medyo disappointed ako sa pagsisinungaling na ginawa mo sa amin nila mommy pero maniwala ka Leslie nauunawaan ko ang mga naging aksyon mo. Naiintindihan ko na kinailangan mong gawin yon para protektahan ang sarili mo." mahinaho
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
ai d sana all may jowa na
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status