Nakahanap ng isang maliit na bahay na bato na matutuluyan sina Maynard na malayo sa mga kabahayan at maraming tao. Napabayaang bahay raw iyon ng may ari na lumipat sa ibang lugar ang sabi ng nakausap ng taong nagsundo kina Maynard. Inokupa iyon nila Maynard at ng mga kasama niya upang pansamantala ay may matutuluyan silang lahat."Boss, nagugutom na kami baka pwedeng magpabili ka naman na ng pagkain natin kay Nelson. At mga gamit natin tulad ng banig, kumot at unan. Kailangan din natin ng ilang gamit rito sa bahay. May poso sa likod pero palagay ko ay hindi natin pwedeng inumin." wika ni Erick ng makapasok sila sa abandonadong bahay."Heto ang pera, sapat na iyang limang libo para sa mga kakailanganin natin. Wag ka ng bumili ng marami dahil hindi rin tayo magtatagal dito." utos ni Maynard sa kaibigan ni Erick na ginawa ng utusan ni Maynard."Pagbalik mo rito ay ibibigay ko sa iyo ang pambayad sa renta ng sasakyan ng kakilala mo. Nga pala, may kakilala ka bang pwedeng kumalap ng imporm
"Senyorito Dave, na korner na ng mga pulis ang sasakyan ng mga kidnaper ni Leslie." wika ni Mang Ben na sa harapan nito nakatingin."Lapitan mo Mang Ben." utos ni Dave.Pinausad ni Mang Ben ang sasakyan ngunit hindi sila gaanong nakalapit dahil pinatigil na sila ng mga pulis na nakapalibot sa lugar."Hindi na kayo pwedeng tumuloy. Mag ibang way na lang kayo." ani ng isang pulis sa kanila."Sir, ako ang asawa ng kinidnap ng mga kidnapers. I'm Dave Justin Alarcon, Ako ang tumawag at nag report sa inyo na nakidnap ang asawa ko. Please.., gusto kong malaman ang nangyayari at hayaan ninyo akong makalapit at makita ang asawa ko." Pagpapakilala ni Dave na kinuha sa wallet niya ang kanyang drivers license at ipinakita iyon sa pulis na kumausap sa kanila.Tinanggap ng pulis ang id ni Dave at tinignan iyon. Matapos ay ibinalik rin kay Dave."SP04 Ernesto Flores, Mr. Alarcon. Sorry.., pero hindi ka pwedeng lumapit. Costales, bantayan ninyo si Mr. Alarcon." pagpapakilala rin ng pulis kay Dave."W
Nakita nila Dave ng ilabas ni Maynard si Leslie sa sasakyan na tinutukan ng baril sa sentido at ang isang kasama pa ni Maynard ay tinutukan din ng baril ang tiyan ng asawa niya.Napapamura si Dave sa kanyang nasasaksihan. "No..., no.., no.. Fuck shit..!! Leslie.. oh god, please.. Leslie.." sambit ni Dave na sobra na ang pag aalala para sa asawa't magiging anak."Please..,, iligtas ninyo ang asawa ko. Damn shit..!! Leslie..!!" Pagsigaw ni Dave.Tatakbuhin na sana ni Dave si Leslie ng maagap siyang napigilan ng mga pulis. Napabaling ng tingin si Leslie sa pwesto nila Dave ng marinig niya ang pasigaw na pagtawag ni Dave sa pangalan niya."Dave.." umiiyak na bigkas ni Leslie na nakatingin sa direksyon nila Dave na mababanaag ang takot at pag aalala para sa kanya at sa baby nila."I'm sorry, Dave.., sorry.. Sorry.." usal ni Leslie na nakatitig sa asawang nagwawala.Ayaw naman papigil ni Dave sa mga pulis kaya sinigawan na siya ng isang pulis para tumigil na siya."Mr. Alarcon, Enough..!!"
Mabilis na nakarating ng ospital sina Dave. Nauna lang sila ng ilang minuto ni Leslie at nakasunod rin agad sina Mang Ben."Dave, ang baby natin?!" natatakot na iyak ni Leslie. Nang itinatakbo na siya papasok ng delivery room dahil patuloy pa rin ang pagtagas ng dugo sa kanyang mga hita."I know.., i know, Love. Hindi mawawala ang baby natin, Okay! Magiging okay si baby Dylan. Magiging okay ang anak natin, kayong dalawa." saad ni Dave na hawak pa rin ang kamay ni Leslie.Pagkarating nila sa labas ng delivery room ay pinigilan na si Dave ng nurse na makapasok sa loob."Sir, hindi kayo pwedeng pumasok sa loob ng delivery room." saad ng nurse ng harangan nito si Dave."Dave, wag mo kong iwan Dave, kailangan kita sa tabi ko." aning turan ni Leslie sa asawa ng marinig ang sinabi ng nurse."Sorry misis, pero hindi pwede si sir sa loob." ang doctor na ang sumagot kay Leslie na bagong dating.Napatingin si Dave sa doktora na nakikiusap ang kanyang mga mata ngunit inilingan siya ng ulo nito. T
Nagising si Leslie na nasa private room na at nakita niyang natutulog ang asawa sa mahabang sofa na naroon.Napansin naman siya ng biyenan niya ng bigla itong napasulyap sa kanya dahil sa nagawa niyang ingay ng kumilos siya ng makapa niya ang tiyan niyang lumiit na. Naalala niyang nanganak na nga pala siya."Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Digna sa manugang."Mom, ang baby ko? nasan ang baby ko?!" may kaba at pag aalalang tanong ni Leslie."Huminahon ka iha, your baby is safe. Nasa NICU ang anak mo, wag kang mag alala ang sabi naman ng doctor sa amin ay okay ang apo ko." mahinahong pagkausap ni Digna sa manugang."Mommy, gusto kong makita ang anak ko? please, pakisabi sa nurse na gusto kong makita ang baby ko." naluluhang turan ni Leslie dahil sa tuwa ng malamang maayos siyang nakapanganak at walang masamang nangyari sa anak nila ni Dave.Naalimpungatan naman si Dave ng marinig ang pag uusap ng ina at asawa niya."Love?! Leslie.. gising ka na, than
Makalipas ang dalawang araw ay nahawakan na rin ni Leslie ang katawan ni baby Dylan. Karga ito ng biyenan niyang babae, natatakot pa kase si Dave na buhatin ang anak nila na naiintindihan naman niya kung bakit. Napakaliit naman kase ng baby nila na natural lang dahil kulang pa sa araw ang baby nila ng ipanganak niya."Kamukha mo Leslie ang anak ninyo, tignan mo oh!" saad ni Digna na magiliw na ipinapakita ang mukha ng sanggol sa manugang."Mas mahal ko kase siya Mommy kaya ganon." komento ni Dave na natutuwa na pinagmamasdan ang ang ina niya, asawa at anak."Naniniwala ka sa ganong sabi-sabi? Parang hindi naman yun totoo. Mahal na mahal kaya kita.. Kaya dapat hawig natin dalawa si baby Dylan dahil pareho lang naman natin na mahal ang isat isa." malawak ang pagkakangiting saad ni Leslie."Sa ngayon mas kahawig ni Leslie si baby pero malalaman ninyo kung sino ang kamukha ng bata talaga sa paglipas pa ng ilang buwan. Kahit naman sino ang kamukha nitong baby ay napakaguwapo pa rin ng apo
"Grabe, ang bilis ninyong makabuo, kami ni Dailyn ay hindi pa rin masundan ang anak namin." saad ni Edward na naiinggit sa kaibigan."Sinong may sabi sayo na wala pang kasunod si Adrian?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Dailyn."A-anong ibig mong sabihin?!" takang tanong ng asawa ni Dailyn."Ibig sabihin ni Dailyn, buntis din siya at masusundan na ang inaanak ko." sagot ni Renz sa kaibigan na natutuwa."Hindi ikaw ang tinatanong ko, Bro." pasarkastikong wika ni Edward kay Clarenz.Tinawanan naman si Edward ng mga kaibigan nilang nakapaligid sa kanila."Hindi lang si Leslie ang buntis, ako rin. Dalawang buwan na akong buntis, Hon. Plano ko kaseng sabihin sana sa iyo sa birthday mo dahil malapit na rin naman na. Kaso nakikita ko sa mukha mo na naiinggit ka kay Dave." na kumapit sa braso ni Edward."Sorry.., Leslie, Dave, kung na spoil namin ang araw n'yo." dugtong pa ni Dailyn at masayang pagpapabatid ni Dailyn sa asawa na hindi naman nagpatalo kay Dave. Niyakap nito si Dailyn at
"Mamayang gabi na ang engagement party ninyo ni Aileen, Edward. Anong pakiramdam?" tanong ni Clarenz na nginitian lang ni Edward."Tinatanong pa ba yan, Renz? Alam naman natin kung gaano kamahal ni Edward si Aileen noon pa man. S'yempre sobrang saya ng kaibigan natin na 'to, dahil pagkatapos ng engagement nila ngayong gabi ay ilang linggo lang ang bibilangin ay ikakasal naman sila. Magiging asawa na niya ang babaeng kanyang pinakamamahal." masayang turan naman ni Colton na nilapitan si Edward at inakbayan.Malapad naman ang ngiti sa mga labi ni Edward dahil sa totoo lang ay masaya siyang talaga dahil ngayong gabi ay ia- announced na ang pagpapakasal nila ni Aileen. Pero sa isang banda ay nakakaramdam din siya ng kaba dahil batid n'ya ang pagtutol ni Aileen sa engagement party at lalo na sa pagpapakasal sa kanya.Lantaran naman kase iyong isinisigaw at ipinapakita sa kanya ni Aileen. Nasasaktan s'ya kapag itinataboy siya ng dalaga pero nahihirapan naman siyang layuan ito.High school p