Sinulyapan ni Miguel ang dalaga na tahimik na sa isang sulok at panay ang inom ng tubig. Parang hindi niya gustong matapos ang gabi . Kung pwede lang sabihan ang dalagang dumito lang ito sa kanyang tabi ay ginawa na niya.Pero wala siyang karapatan.Saka baka makakahalata na ang babae na sinasadya na niysng palagi itong malapitan at baka masampal na siya ng tuluyan at baka mapagkalan pa siyang may saltik. Inaya na niya ang babae na uuwi na sila dahil una boring naman na ikalawa ay lumalalim na ang gabi. Tumango naman ito sa kanya at nakayukong lumakad at nanguna na. Nanibago si Miguel dahil hindi madaldal ang babae lalong hindi siya senermunan nito bagkos ay tahimik lang na sumunod.Siguro nga ay talagang pagod na ito at antok na kaya agad tumayo ng yayain niya. Nakaramdam siya ng awa dito. Hindi bagay dito ang ganitong trabaho bukod sa hindi pangbabae ay delikado pa. Mula sa likuran ay pinagmasdan ni Miguel ang dalaga. Mukhang mabagal ito kumilos ngayon kaya lalo niyang naisip na pa
Pagdating sa pang pang ay may ilaw siyang nakita. Tangan ng isang lalaki. Pagdaong ng kanilang bangka ay sinalubong agad sila ng isang lalaking mas labis na nagaalala para sa babaeng kasama niya.Hinila nito ang bangka ng tulyang makasampa sa tabing dagat saka itinali agad sa isang nakabaon na kahoy. "Teng... Teng..anong nangyari?bakit ka ginabi at wala man lang ilaw ang bangka mo. Anong nangyayari dito?" Nagaalalalng tanong ni Berting. "Ah pasensya na medyo ginabi ang event na pinuntahan ko. Ako na ang nagsagwan kase nahihirapan siya huminga" Paliwanag ni Miguel.Pero laking gulat ni Miguel ng lalong magpanic ang lalaki. "Ano? kelan pa?ilang oras na? P*tcha Teng...Teng..." Sabi ni Berting pero hindi na halos makausap si Athena pulang pula na ang mukha nito at mainit na din ang dalaga. "P*tcha ka Teng, anong ginawa mo? nakalimot ka na naman ba?" Sabi ni Berting na biglang binuhat si Athena at inuwi sa kanila. Nakaramdam naman ng panibugho si Miguel dahil sa binuhat ng lalaki ang
Nanatiling tahimik si Miguel kahit nakaalis na ang lalaking kanina pa masama ang tingin sa kanya. Kaya naman pala ay asawa ito ng babaeng hawak niya ang mga kamay sheet! “Love sorry hindi ko alam na… ano kase hindi mo nabanggit…saka saka kase..?” Halos hindi alam ni Miguel ang sasabihin. Siya man ay nagtataka kung bakit parang napakahirap tanggapin. Ang sama naman ng kapalaran niya. For the first time na nagkaganito siya sa babae eh taken na pala at tatlo pa ang anak. D*amn hindi halata sa hitsura ng babae. She’s aaaaaah she looks so sexy to be a mother of three for God Sake. “Love… Sorry ulit. Magpapaalam na siguro ako. Sinigurado ko lang talaga na okay ka lang. Alam mo kase para akong hindi makahinga kanina sa nakita ko kaya hanggang dito sinundan kita. Pasensya na ulit Love” Nakayukong sabi ni Miguel hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng babae. “Love pa rin Sir, wala na tayo sa harap ng mga taong yun. Hanggang ngayong umaarte ka pa rin baka kasanayan mo yan” Sa
Parang nakaramdam naman ng panibugho si Athena sa sinabi nitong miss na daw nito agad kung sino man iyon na tinutuloy nito. Eh Sino naman kaya yun? Saan kaya sila pupunta. May tatagpuin pala ito bukas na miss na daw niyo agad tapos siay ang kukuning service ng kumag?” inis na muni muni ni Athena,“Tse! best actor nga! Kanina lang may pa love love pa sa akin ang buwisit.Tse!!” Sabi ni Athena.“Oh bat nagrerect ka ng ganyang Tengteng? Tapos hindi mo itinatama ang akala nung lalaki na may asawa ka na. Anong gimmick yan?” Usig ng dalaga sa kalooban.“Sige bukas na lang Miguel darating ako ng alas kuwatro. Magandang gabi sayo” Sabi ni Athena at tuluyan ng tinanaw ang papalayong bisita. Mabigat ang kalooban ni Athena at parang may malaking parte ng buhay niya na tangay ng lalaking umalis. Pasara na ng pinto si Athena ng sumulpot si Berting.“Hay buti naman at nagpaalam na si hilaw na tisoy” Bungad nito ng biglang sumulpot sa harap ni Athena. Biglang hinablot ni Athena ang malagong buhok n
Lumakad na lamang si Athena patungo bahay nila. Mainit na nga ang pisnge niya sa pagkakabilad sa araw. Nilingon pa ni Athena si Berting na bagamat nag offer na tulungan siya ay tulad pa rin ng dati parang pakiramdam ni Athena at may nagbago. May kulang bigla.Pagkatapos mananghali at pakainin ni Athena ang mga anak. Si Berting naman ay nagpaalam ng uuwi para ihatid ang lutong ulam sa bahay nito at may lakad din daw ito at ang amo nito sa bayan.Si Athena naman pagkatapos mag hugas ng pinggan ay umidlip muna saglit. Maaga siya magising kaya naman inaantok siya pagtanghali lalo na ngayon na nasikatan siya ng araw kaya masakit talaga ang mata niya. Nagbilin siya sa kapatid na gisingin siya ng alas tres. Napabalikwas si Athena ng kalabitin siya ni Aquiles.“Ate.. ate, gising na hoy ang sarap ng tulog mo” Kalabit nito sa kanya. Pagtingin ni Athena sa orasan at alas tres media na.“Ay hindot ka Aquiles, bakit ngayon mo lang ako kinalabit. Ano ba naman yan?" Reklamo ni Athena na biglang t
“Call… sungit mo naman pero cute pa rin. Tara na nga at baka makalimutan kong taken ka na" Sabi ni Miguel na pinaggigilan ang baba niya.Ewan ni Athena pero nalungkot siya na nagpipigil na ang binata na maging malambing sa kanya. Ang layo ng Miguel kahapon asa Miguel ngayon kahit mamkasing guwapo. Hidi naman niya masisi dahil sa ang alam nga nito ay taken na siya.Bukod pa sa napapansin niyang hindi na Love ang tawag nito sa kanya. Naiinis siya sa sarili kung bakit hindi niya magawang daanin sa parang biro lang ang lahat tulad ng minsang ginagawa niya kay Berting. Natatakot si Athena sa kakaibang tibok ng puso niya kapag nakikita ang lalaki, at lalong natatakot siya sa epekto ng lungkot ng mga mata nito sa kanya."Marupok kaaaaa............ marupok kaaaa Athenaaaa" panggagaya ni Athena sa boses ng aswang na panakot niya minsan sa duwag na si Berting.“Diyos ko Athena wag kang marupok, pangalawang araw mo pa lang na nakikilala ang lalaki” Sermon ni Athena sa sarili.Pumuwesto na si A
“Hmm, may misis na nagtatampo. Alam ko naman na mas maganda ka sa bakawan ng hindi hamak ano. Aba! hindi kaya nagpo polbos at nagli liptstick ng pink ang mga bakawan” Sabi ni Miguel. Nakita niya ang bigla ng pag blush ni Athena. Ngayon lang talaga siya nakakita ng misis na nagba blush pa kapag pinupuri.“D*mn hindi ba ito pinupuri man lang ng asawa?”Tumayo si Miguel sa pagkakayuko sa mga bakawan at nilapitan si Athena. Nanggigigil na talaga siya dito kanina pa.Samantalang pulang pula naman si Athena na hiya dahil unang una narinig pala nito ang sinabi niya at ikalawa napansin naman pala nito na nagpolbos siya at naglipstick pa.“Hala ka na Athena ang landi mo kase. Palapit na siya anong gagawin mo?” Bulong ni Athena sa sarili.Iniyuko na lamang ni Athena ang ulo para magmukhang hindi niya napapansin ang lalaki pero inangat nito ang baba niya ng makalapit ito.“Actually, inuna ko lang kunan ng larawan ang mga bakawan dahil palubog na ang araw. Pero wala akong balak palagpasin ang p
Dahil ng makita niya ulit ang babae na naglalakad palapit sa kanya. Ninais ng binatang maglakad na ito palapit sa buhay niya habang buhay. Sa katunayan ay nakakaisip na ang binata ng hindi magagandang bagay makasama lamang ang babae.Lalo na ngayon, ngayon na naramdaman ni Miguel ang pagtugon ni Athena sa mga halik niya at ang pagkapit ni Athena sa bewang niya. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito pero lasap niya sa halik ng babae ang kagustuhang magkasala.“Ahh Athena kung ikaw ang magtutulak sa akin sa apoy ng impyerno ay okay lang, basta ang mahalaga yakap kita ng ganito at nahahalian kita ng ganito Love”“Love….Ooh Athena..Ikaw ang pinakamasarap na kasalanan ko sa mundo” sabi ni Miguel sa pagitan ng mga halik. Gagapang na sana ang kamay ni Miguel at ipapasok sa t-shirt ni Athena ng mapasigaw ang dalaga.“Ayy.. ayy.. aaay..nanay kooo” Sabi ni Athena at nagtatalon na akala mo ay sumasayaw ng tinikling saka pumulupot sa leeg ni Miguel at doon isinubsob ang mukha."Oh sh*t ,