Share

Chapter 6

Kumaway kaway si Athena para mapansin nito na nasa tindahan nga siya at kasalukuyan bumabanat ng nguya ng cropek.

"Ah miss tauhan daw pala ni Kapitana yun pinapupunta ako sa court eh may gagawin daw ako.Mag ja- judge ata ako ng dance contest" sabi ni Miguel na akala mo talaga ay noon lang nalaman ang gagawin.

"Paano ba ito, nahihiya ako akala ko may paguusapan lang tungkol sa proyekto ng kapistahan nila iba pala" Sabi ni Miguel habang masid ang magiging reaksiyun ng babae.

"Naku pangmalakasan ka pala Sir.Ihatid na lang kita sir sa plaza sa basketball court sir tapos pag okay ka na dun at makita mo na ang mga mag a assist sayo saka na lang kita iwan dun sir " Sabi ni Athena. Inisip niya kase na dahil sa sinabi nito na magja judge ito ay pahiwatig na iyon na matataglan ito kaya pwede na siyang bumalik. Pagdating nga nila sa court ay nakahanda na ang venue.

"So kaya pala may malakas na togtog" Sa isip isip ni Athena.

Hindi na kinailangan ng  lalaki na magtanong. Agad na kase itong sinalubong ng mga youth organizer at inabutan agad ng bottled water saka pinaupo sa lamesa. Nang mukhang okay na at kampante na ang pasahero ay sumenyas si Athena sa lalaki na bababa na siya.

"Idlip muna ako sa bangka mukhang pagabihan ito malamang" Sa isip isip ni Athena na tumalikod na. Pero biglang tumayo si Miguel at nahila siya sa braso.

"Miss please okay lang ba kung dito ka lang malapit sa akin please..please" pakiusap ni Miguel sa babae.Hindi niya maintindihan pero hindi siya mapakali na malalayo ito sa tabi niya. Natulala naman si Athena sa biglang lambing ng pakiusap ng lalaki na para bang hindi siya ibang tao. Kinawayan ni Miguel ang ilang youth organizer pero na windang si Athena sa sinabi nito.

"Ah hello guys pwede manghingi ng extra chair malapit dito sa stage para may maupuan lang ang girlfriend ko" Sabi ni Miguel. Napanganga si Athena sabay napayuko para pigilan ang anumang maling masasabi.

"Ay yes po Mr. Del Valle Basta po kayo" Sabi ng  medyo nakakatandang Youth committee. Inasikaso nga si Athena na hiyang hiya naman dahil naexpose pa siya sa ilaw. Masama ang tingin niya sa lalaki dahil napasubo siya pero hindi maitatanggi ni Athena na nakaramdam siya ng kilig  ng ipakilala siya nitong Girlfriend kahti alam naman niyang kunwari lang .

Lumapit si Miguel sa dalagang matalim ang mga tingin sa kanya.Alam ni Miguel na hindi nito nagustuhan nang sinabi niya.

"Wag ka ng magalit, nasabi ko yun kase para naman asikasuhin ka din nila.Napagod ka maghatid sa akin Alangan namang sabihin kong bankera kita diba?" sabi ng lalaki.

"Hindi ko kinakahiya ang trabaho ko sir kung yun ang pinupunto mo" Lalong nainis na sabi ng dalaga.

" Dapat nga asawa pa sasabihin ko eh nahiya lang ako.Sorry na please. Mag enjoy ka na lang sa palabas ha, tapos please palakpakan mo ako pag tinawag ako ha" Pabulong na sabi nito kay Athena.

Wala naman nagawa ang dalaga kundi umupo na nga lang dahil may mga nakakakita sa kanila. Nang magsumula na ang patimpalak ay humanga si Athena ng ipakilala ang lalaking  ng host ng programa.

"Now ladies and Gentlemen, hayaan nyong ipakilala ko sa inyo ang isa sa magiging Judge sa gabing ito. Siya din po ang ating panauhing pandangal ngayong gabi. Malugod ko pong ipinakikilala sa inyo, ang nagiisang apo at tagapagmana ng Luciano Del Valle Industry, ang napapabalitang tatakbong pinakabatang governador ng Palawan. Let's give a warm welcome  to Mr. Miguel Luciano Del Valle "

Nagpalakpakan ang mga tao .May ilang mga batang kababaihan pa nga ang napapasigaw ng...."Ang guwapo mo sirrrr..ang pogi moooo witwew  may sipol pang kasama.At may sumigaw pa nga ng i love you.

Napa palakpak din naman si Athena hindi dahil sa pakiusap ng lalaki kundi kapala palakpak naman talaga ito. Tumayo si Miguel at sumulyap pa sa kinaroroonan ni Athena bago lumakad patungo sa  tabi ng Mc at inabot ang mikropono.

"Magandang gabi po sa lahat, salamat sa magandang introduction. Lilinawin ko po na tsismis lang ho yung tungkol sa pagtakbo.Marami pong salamat na kami po ay naimbitahan ninyo sa inyong programa. Maraming salamat po, ito po ay karangalan para sa akin.Good luck po sa mga kalahok ngayong gabi" Sabi ni Miguel na muling sulyap sa dalagang kasama. Pinalanpakan ulit ito ng mga Manunuod.

"Maraming salamat po Mr.Del Valle at kasama po pala ng ating panauhin pandangal ang kanyang kasintahan ngayong gabi kaya naman aawitan natin ng isang mensahe si Sir Miguel para naman po sa kanyang minamahal" Biro ng medyo binabaeng Mc.

Nagulat man si Miguel sa pagbanggit nito sa babaeng bangkera na kasama niya ay hindi nagpahalata si Miguel ayaw niyang mainsulto ang babae at mapahiya ganun din siya.Naalala niya nga pala na eto ang napakiusapan niyang bigyan ng upuan ang babaeng kasa niya.

"Ahh hindi po ako aware na valentines day pala ngayon at hindi buwan ng kafiestahan ninyo" Biro ni Miguel at nagtawanan na ang mga tao.

"But since nabanggit na rin lang, pasensya na po at mahiyaain ang aking kasintahan  kaya isang mabilisang mensahe lang ha dahil baka mamaya ay umuwi ako magisa kapag napikon yan" Pabirong sabi niiguel at sumulyap ulit kay Athena.

"Anyway, babe thank you sa support and sa love. I will always be here for you and I love you " Sabi ni Miguel.Maghing ang binata ay namangha sa nagawa .Ganun kase kagaan at kadali para sa kanya ang masabi ang bagay na iyon at isa iyong himala. Halos mamula at lumubog naman si Athena sa kinakatayuan. Sana lang ang panalangin niya ay walang taga baryo bakawan ang  makapal ang mukha at nakiki pista dito sa kabilang isla at makilala isya dahil kung saka-sakali ay hindi niya alam kung paano ipapaliwanang ang lahat sa kanang  ama.

Naghiyawan naman ang mga manunuod. Gusto pa sanang puntahan ng Mc si Athena pero hindi na ito pinayagan ni Miguel. Hanga naman si Athena sa galing magkunwari ng lalaki.

"Hindi nga kaya artista ito sa Maynila? hindi pa lang sikat kaya di pa niya kilala masyado.Hah para kasing kung magsalita kanina eh mula sa puso"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status